Kabanata 166

13.7K 609 145
                                    

Kabanata 166:
Marry

Pagkatapos sabihin iyon ni Kuwai ay hinawakan niya ang braso ko para igiya na ako pabalik sa kuwarto. Gusto ko sana siyang pigilan kaso wala na akong nagawa.

Bago tuluyang umalis ay lumapit ako sa Doctor na tumitingin kay Ma'am sa kondisyon niya. Madaling araw na, it's not good for her to stay this late.

Nakaupo siya sa sofa at kinakausap ng Doctor. She looks calm now. Malayo sa ekspresyon niya kanina. She was so scared that her whole body is trembling a while ago, now she look calm and her body was relax.

Ngumiti siya sa akin nang lumapit ako. Nasa tabi ko si Kuwai. Tahimik na tumayo roon at hinayaan ako sa gustong gawin.

"Salamat Raiven." aniya sa akin.

"Huwag niyo na po sanang uulitin ang ginawa niyo kanina. Masyadong delikado." malumanay kong sambit nang maalala kung ano ang muntik niya nang gawin.

I am surprised that she can risk herself like that. I know she did that to save me but still I don't want her to get hurt or to even have a scratch. Kung itapat niya kanina ang patalim sa leeg, parang nakalimutan niya ang kondisyon kanina.

Alam ko na takot na takot siya kanina pero siguro kung magpapatuloy na magsasalita si Jerwin at hihigpitan ang hawak sa akin, hindi malabo na natuloy niya nga ang balak.

Nakarinig ako ng mga mabibigat na hakbang na papasok sa silid at nakita ko si Acid na habol ang hininga. Para bang ilang kilometro ang tinakbo kaya ganoon.

Agad na nahanap ng kanyang mga mata ang kinaroroonan ni Ma'am Feronia.

He immediately inch the gap between him and Ma'am Feronia.

Agad na yinakap si Ma'am Feronia kahit na kausap pa nito ang Doctor. Nagulat si Ma'am Feronia, pero kalaunan humikbi siya at yinakap pabalik si Acid.

"Fuck, I'm so sorry." Acid said in his a bit frustrated tone but eventually it become soft as he whispered hush to Ma'am. It's the first time I heard him on that tone. I was a bit surprised. Ma'am cried in his arms and Acid comfort her.

Lumayo naman ako sa dalawa para bigyan sila ng pribadong pagkakataon at nilapitan ko si Helix na nilagay ang braso ni Xerox sa balikat niya at sa kabila ay kay Light para tulungan siya na ilagay na sa kuwarto si Xerox. Para makapagpahinga na ng maayos.

Malalim na agad ang tulog niya. Naawa akong tumingin kay Xerox. He looks very exhausted. Kagagaling niya lamang pero alam kong binuhos niya ang buong lakas kanina para lamang maprotektahan ako. Hindi mabuti sa kanya na bibiglaain niya ang katawan pero parang nakakalimutan niya ang mga bilin sa kanya kanina para lamang masiguradong hindi ako mapupuruhan.

Lumamlam muli ang mga mata ko at bumaling sa akin si Helix.

"Don't worry, he got tired easily because he's so active a while ago in the party. Kaya noong nakipaglahan kanina, mabilis na naubusan ng lakas at napagod. At ito nakatulog." paliwanag ni Helix sa akin. Inaalis ang pag-aalala sa akin. Nasa likod ko si Kuwai, marahan na hawak ang siko ko.

"Sasamahan na kita sa paghatid sa kanya." saad ko. Mas lalong tumuon ang tingin sa akin ni Kuwai. Ngumiti si Helix at umiling lamang roon.

"Hindi na Raiven. Sumama ka na kay Kuwai. Magpahinga ka na rin. Alam ko na pagod ka na rin dahil sa party kanina." aniya.

"Pero---" he shook his head again. Pirmi ang desisyon na magpahinga na ako.

Bumagsak ang balikat ko.

"Huwag ka nang mag-alala. Sisiguraduhin namin na maayos si Xerox na makakatulog. Kaya sige na, magpahinga ka na rin." he said, assuring me that he can handle Xerox alone. May tiwala rin naman ako sa kanya na hindi niya pababayaan si Xerox. Alam ko na sisiguraduhun niya na makakatulog ito ng maayos at komportable bago iwan sa silid.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon