Kabanata 168

13K 540 241
                                    

Kabanata 168:
Evil

Isang malakas na hampas at malakas na tulak ang lumapat sa katawan ko. Umikot agad ang paningin ko nang tumilapon sa sahig. Agad akong umubo nang lumagatok ang katawan sa pagbagsak sa sahig. Halos hindi na ako makadaing sa sakit dahil sa sobrang pagkahingal.

Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko, at kahit hindi pa man nakaka bawi sa sakit sa pag-atake sa akin ay nakita kong papalapit na si Papa para muli akong atakihin. Nanlaki ang mata ko. Kumalabog ang puso sa kaba.

He lift his feet and I immediately rolled to the floor to avoid his kick. Pikit ang mata ko na umikot at hindi pa sigurado kung makakatakas ba talaga sa pag-atake niya.

"Tumayo ka riyan Raiven!" ang mariin at malalim niyang tinig. Hindi gumalaw para bigyan ako ng pagkakataon na sundin ang utos niya. Nangangatog na ang tuhod ko maging ang braso, tinungkod ko iyon sa sahig. Sa sobrang panghihina ay muli akong natumba at sumubsob sa sahig. Napapikit ako ng mariin at hinabol ang hininga.

Nanlalabo na rin ang paningin ko sa sobrang pagod at sakit sa katawan. Halos hindi na ako makatayo. Malapit nang bumigay ang katawan at mawalan ng malay.

"I said, stand up Raiven!" napaigtad ako nang malakas na sumigaw si Papa.

I didn't move, because even I wanted to or if I'll force myself I can't stand anymore. Baka matumba lang muli at mas lalo lamang akong manghihina kapag ganoon.

We're here in the gymnasium of the mansion. Malawak ang lugar at kahit ganoon, pakiramdam ko ang sikip sikip na hindi na ako makahinga. Today, is just another usual day of training. It's another torture. Sa ilang araw na pagsasanay na bayolente katulad nito, laging ang nangyayari sa dulo ay kundi pagod ay hapong-hapo ako na para bang mamatay na.

Hindi ko na pinakinggan pa si Papa. Napatulala na lang ako sa kisame at nag-init ang mga mata nang maalala si Kuya. Ganito rin ba ang nararanasan niya noon sa kamay ni Papa? Ganito rin ba kahirap na sumuko na lang siya sa ganoong paraan?

I saw Papa's shadow in my side. Wala na akong pakialam pa kung sasaktan niya o kung ano mang gawin niyang pananakit sa akin. I am hopeless. Gusto ko na lang sumuko sa bawat pagkakataon na ganito.

Kumuyom ang kamao ko. Bakit ba ako pinanganak sa ganitong klaseng buhay? Yes, we're filthy rich, we have the privilege but not really the freedom. Kung ang kapalit nang marangyang buhay ay ang ganitong hirap, hindi na lang sana ako pinanganak na ganito.

"How can you be my heiress if you are this weak Raiven?! Paano mo ako iaangat kung ganitong bagsak ka agad pagkatapos ng ilang minuto?!" sigaw niya sa akin. He tugged my hair. Napapikit ako at napahawak sa kamay niya na halos walang wala sa maliliit kong daliri. Humiyaw ako sa sakit.

"P-Pa." ang tangi ko na lang sinabi at halos makakapusan na ng hininga. Ramdan na ramdam ko ang paghila niya sa buhok ko, pilit akong tinatayo.

"Vernon! Anong ginagawa mo?!" umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Mama nang marahas na bumukas ang pinto. Napalingon si Papa roon at narinig ko agad ang nagkukumahog na hakbang patungo sa amin.

Binitawan ako ni Papa. My body collapse more on the floor. Ang kamay ko ay nasa magkabilang gilid. I can't move it anymore.

Mama gasped harshly when she saw my state. Mabilis niya akong dinaluhan at yinakap. I closed my eyes when I feel the warmth on her embrace. My tears strolled down my cheeks. Naawa ako sa sarili.

Galit na nag-angat ng tingin si Mama kay Papa.

"Hindi ka na ba naawa sa anak mo huh? At wala ka ba talagang puso na ilang araw pa lang pagkatapos malibing ang panganay natin, at ito na agad ang inaatupag mo!" sigaw ni Mama kay Papa na ramdam ko ang bigat ng tingin sa amin.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon