Kabanata 127:
New YearThere's a lot of food in the table that is place in the rooftop of the hospital. Naroon na rin ang ibang last section. I am eating a chocolate cake in my small plate. Napasulyap ako kila Eldon, Caleb at Rolfe na mukhang nagpapaligsahan pa doon sa paglalaro ng prutas na nasa mahabang lamesa.
Pinapaikot nila iyon na para bang nasa circus sila. Kumunot ang noo ko.
"Stop that. Hindi magandang paglaruan ang pagkain." saway ko sa kanila. Napahinto silang tatlo agad at natamaan pa sa noo si Caleb ng prutas. Napadaing siya at tinawanan ng dalawa.
"Pampasuwerte 'to Raiven. Kapag daw madalas kong humahawak sa mga bilog na bagay, s-suwertihin ka sa buong taon." ani Rolfe sa akin. Nagsalubong ang kilay ko. Tumawa rin ang ibang nakarinig noon.
"Parang wala naman akong narinig na ganiyang pamahiin." sabi ko at sumimsim na sa ice tea na naroon. Si Helix ay naglalagay ng ubas sa mangkok na maliit para sa akin. Tinatanggal iyon sa tangkay para makain ko na agad nang madali.
Half of the last section laugh. Habang iyong iba ay parang makahulugan iyong naintindihan kaya naman nag-iiba na ang ngisi ngayon. I rolled my eyes. Humagalpak ng tawa sila Caleb. He wiggled his eyebrow to Rolfe.
"You perv!" si Skio na sinapak siya sa braso. Binaba na nila ngayon ang prutas at nilapag sa lalagyan noon. Masama ang tingin ko sa kanila.
"Tangina mo Caleb!" si Brix na binato pa siya ng canned beer na walang laman.
Nasapo lang iyon ni Caleb na malaki ang ngisi.
"Wala akong sinasabi! Malilikot lang talaga mga utak niyo! Bakit nanakit kayo agad kung dapat ulo niyo ang batuhin niyo ng lata sa paglalakbay ng isip niyo mga gago!" singhal niya sa lahat at napailing ako.
Tumawa lang ang iba roon. Sabagay may punto siya. Wala naman akong naiisip na masama noong una sa sinabi niya pero dahil sa mga nakangisi ang iba ay nadamay na tuloy ako.
Nadudumihan na rin ang isip!
Kuwai is downstairs. Nasa kwarto ni Xerox kasama sila Zillah at Keilander. Hindi ko alam kung bakit natatagalan pa silang tatlo roon. Acid is with Ma'am Feronia again. Pagkalipas ng pasko dumiretso siya agad roon. I am not receiving any updates from her. Pero siguro abala rin iyon ngayon.
"Sa tono ng pagsasalita mo, parang may pinapahiwatig ka talaga. Kaya sinong matino ang hindi maiiwasang mag-isip ng kung ano?" si Sixto naman.
Caleb just smirk on him.
"Sa aking paniniwala lang naman iyon. If you hold those round things, you will be lucky." I rolled my eyes again on Caleb. Parang gusto ko rin siyang batuhin ngayon ng lata.
"Shut up Caleb!" si Helix naman ngayon.
"Gago ka talaga eh." si Treyton naman.
Tinulungan ko na rin sa paglalagay si Helix ng pagkain sa tray. Dadalhin namin iyon sa baba para kay Tito at Tita, Xerox's parents. Wala pa namang media noche pero kailangan din namin silang bigyan ng pagkain.
They won't come here. Hindi nila iiwan ang kwarto ni Xerox. Dumaan lang rin kami saglit rito para kumain at sasalubungin ko talaga ang bagong taon sa kwarto rin niya.
"I wish for your bad luck for the whole year." si Lexus kay Caleb.
"That would never happened. Baka malas pa ang matakot at tumakbo papalayo sa akin." tanggi naman ni Caleb roon.
"It can hear you Caleb, you might experience not just bad luck but even beyond it. Be careful on your words."
"Psh, shut up!"
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Teen FictionWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?