Kabanata 189:
Little Brother"What?" agad akong naalarma sa narinig ko mula kay Jhomer. Muling ingay ng panibagong grupo ng tauhan namin na nagmamadaling tumakbo patungo sa pangatlong palapag ang tumakip sa pagsinghap ko.
"He's not in his room." Jhomer said.
"Dito siya natulog, kasama ko!" saad ko. Napalinga na sa loob ng kuwarto. Hinihiling na narito lang ang kapatid sa paligid at hindi nakakalayo. Kung lumabas siya habang may ganitong kaguluhan, hindi ko yata kakayanin ang pangamba at kaba na madarama.
He's so vulnerable. Paano kung nakita siya ng mga masasamang tao na iyon? I pinch my eyes close. Ayokong isipin. Hinding hindi ko hahayaan na mapahamak ang kapatid.
"Kung ganoon nasaan siya?" tanong ni Jhomer. I march towards the bathroom to search for Ryker, but he's not there. I also check the close veranda, and he's not also there. Nagsisimula na akong magpanik sa loob ko.
"H-Hindi ko alam, w-wala na siya rito." saad ko.
"Ryker!" sigaw ko nang lumabas sa kuwarto.
"Kailangan natin siyang hanapin. Let's go. Nagkalat na ang kalaban sa loob ng mansiyon." ani Jhomer at lumabas na rin ng kuwarto. Mabilis akong sumama sa kanya.
"Kanina mo pa ba siya hindi nakikita? Hindi ko alam kung kailan siya lumabas dahil pagkagising ko.... wala na siya."
"Sumama ako sa grupo ng mga lumabas kanina para harapin iyong mga nagtangkang pumasok sa mansiyon. Hindi ko alam kung anong nangyayari rito sa loob. Tinanong ko na ang ilang kasambahay at inutusan sila na hanapin si Ryker pero simula kanina wala pang nagbabalita sa akin kung nasaan siya." nanlamig na ang buong katawan ko roon. Agad nang ginapangan ng kaba.
"Si P-Papa, hindi niya ba sinubukang hanapin si Ryker. Nasaan si P-Papa?"
"Kinakaharap niya ang mga kalaban. They're good on using guns so your father is having a hard time to turn them down. Marami na ring tauhan na napuruhan." kuwento ni Jhomer habang malalaki ang hakbang namin na naglalakad. He pull a gun on one of the pockets of his blazers. He remove the magazine of it and he inserted bullets.
Sumagi rin sa isip ko si Mama. Hindi ko alam kung nasaan siya, pero paniguradong kasama niya ang mga kasambahay ngayon para tulungan itong magtago. Baka kasama niya si Ryker?
"Paano kung kasama ni Mama si Ryker? Nakita mo ba siya?"
"Hindi niya kasama. Nagkita kami kanina. Tinanong ko siya tungkol sa kapatid mo, pero wala siya roon. Gusto niya rin sanang sumama sa akin sa paghahanap pero masyadong delikado at kailangan siya ng mga kasambahay."
Habang humahakbang kami kitang kita ko ang ilang tauhan sa unang palapag na nakahandusay sa malamig na sahig. Napasinghap ako. Halos mahinto ako sa paglalakad pero nagpatuloy dahil nagmamadali si Jhomer. Halata rin na may kailangan siyang gawin.
"Bakit ngayon niyo lang ako ginising?"
"Nasa labas pa lang sila ng matunugan namin ang balak. We all went there to immediately turn them down. Halos lahat kami nagtungo roon sa labas para tapusin na agad ito at nang hindi na sila makapasok. But they trick us. Hindi namin alam na may nakapasok na pala ritong isang tao. Magaling. Iilang tauhan lang ang natira sa loob kaya mabilis niyang napatumba. He even explode the lanai. Sira ang bahaging iyon ng mansiyon." halos malaglag ang panga ko roon.
"W-What?"
Jhomer look at me seriously. He offered me the gun. Napahinto ako sa paghakbang ng ilahad niya iyon sa akin. Ganoon rin siya. Tinitigan ko ang baril.
"You already know how to hold a gun, right? Ryker is not on his room. I don't have time to be with you to find him because we have a lot of casualty. Ang daming tauhan na napatay. Kailangan ako ng Papa mo dahil iilan na lang sila roon para dumepensa. Ikaw na lang ang maasahan ko para mahanap mo si Ryker."
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Teen FictionWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?