Kabanata 117:
Father"Bakit gusto mong malaman? Noon ang pinapakialaman mong buhay ay kay Pierce tapos ngayon ay kay Melizette naman?" nabakasan ko ang pag-uuyam sa tinig niya.
Hindi ko alam kung bakit niya pa ako hinayaang makapasok sa bahay nila kung parang hindi naman siya sang-ayon sa gusto kong mangyari.
Pero hindi ako aalis rito hangga't hindi ko nakukuha ang sagot sa mga tanong ko.
Gusto ko ng malaman ang mga kasagutan. The time is tickling, I don't want to realized that it was too late already.
Nagkakapatong-patong na rin ang problema na dapat kung tugonan.
"Masyado ka bang nababagot hija at lahat ng buhay ng tao ay inuungkat mo?" nagtaas ako ng kilay sa kanya. Nag-ngitngit ang ngipin ko ng bahagya.
"I have reason why I'm doing it." seryoso kong sinabi.
"Ano iyon kung ganoon?"
"Kailangan ko pong malaman ang ikinamatay niya. I am the third girl who enter the school." tumingin siya sa akin gamit ang seryosong mga mata.
"Kung ganoon hindi nagsisinungaling si Pierce ng sabihin na kaklase ka niya? Sa Olavarrio ka nag-aaral?" bahagya siyang suminghap pagkatapos bigkasakin ang mga tanong. Gulat roon.
"Opo totoo po iyon. Kaya sabihin niyo na po sa akin. Sa lahat ng taong nakilala siya kayo po ang makakapagbigay sa akin ng mga klarong sagot. You are closed to her right?" nawala ang emosyon sa mga mata niya ngayon.
"Maupo ka." tinuwid ko ang likod sa naging sagot niya na iyon. Hindi pa rin ako makahinga ng maluwag. Kahit hindi niya sabihin ng diretso parang nagpapahiwatig na siya ngayon ng pagpayag.
Tumaas ang kilay niya sa akin ng makitang hindi ako gumagalaw. Bigla akong kumurap-kurap.
"Gusto mo ba talagang marinig ang sagot ko? Kung ganoon maupo ka." I follow what he said. I sat on the couch behind me. May kalumaan na iyon at kupas na ang kulay. Hindi na rin ganoon kalambot noong inupuan ko.
Mukhang siya na lang mag-isa ang nanatili sa bahay na ito. Si Ashtyn at Hayden ay nasa pangangalaga ng dati niyang kinakasama.
"Pasensiya na po." huminga siya ng malalim. May kinuha siyang pabilog na bote ng alak sa tabi niya. Simple niya lang tinapat ang takip noon sa dulo ng lamesa at mabilis na iyong nagbukas. Then he drink it. He make a few gulps before he speak again.
Para lang siyang umiinom ng tubig. Paano niya nagagawa iyon? Itapat ko lang ng bahagya ang labi sa alak ay napapangiwi na agad ako dahil sa pait noon. Matapang pa ang iniinom niyang alak. Iyong madaling makalasing.
Pero sa dalas niyang uminom, baka nga wala na lang sa kanya ang lasa ng alak.
"Masyadong pribado ang bagay na tinatanong mo. Hindi madaling isalaysay muli iyon. Kaya hindi ko puwedeng sabihin iyon sa kahit sino. Kagaya ng sabi ko, kahit ako binaon na sa limot ang mga alaala na iyon." kumunot ang noo ko roon.
Why all of them are acting like mentioning the name of those three girls is forbidden. Like it's a taboo topic for them. Kagaya nila Quin, Helix at ngayon ay maging siya ganoon rin.
"Paano niyo po nagagawang kalimutan ang mga alaala niyo sa kanya? Kung gayong mukhang sobrang lapit niyo sa isa't-isa." mahinahon kong sinabi. Napatitig siya sa bote na pinaglalaruan niya sa kamay.
"Kapag masyado nang masakit ang mga alaala, kahit gaano pa sila kahalaga ay kailangan ng ibaon sa limot para tuluyang makamtam ang paghilom." umawang ang labi ko roon.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Novela JuvenilWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?