Kabanata 170

11.7K 514 123
                                    

Kabanata 170:
Present

"Raiven, uuwi ka agad? Ililibre kita sa kahit saang kainan mo gusto." si Eris na agad akong inakbayan nang makalabas sa room. Mabilis ko siyang sinamaan ng tingin nang lumapat ang mabigat niyang braso sa akin.

Humalakhak sila Jarvid at Ruskin sa tabi niya. Habang nakatunghay sa akin si Joriece. Pare-parehas na nasa iisang balikat nakasukbit ang bag nila. Hindi ko alam kung bakit laging buntot na sunod sunod na naman 'tong apat sa akin.

Parang ngayon ko lang naman nakasundo ang tatlo. Si Eris matagal ko na talagang kakilala. Hindi ko naman inaasahan na bubuntot sila sa akin sa lahat ng oras.

"Tsk." I hissed. Halos masubsob ako sa biglaan niyang pag-akbay, eh ang bigat-bigat ng braso niya. Mabilis niyang tinanggal ang kamay sa akin. He lift his hands to surrender. Hilaw siyang ngumisi sa akin.

"Don't suprise Raiven like that." saway ni Joriece. Ngumisi ang dalawa sa kanya habang nakatingin sa akin si Eris.

Pinagpag ko ang balikat at inayos ang kuwelyo ng uniform. Humalakhak muli sila Ruskin habang nagtaas ng kilay si Eris.

"Parang diring diri ka naman sa akin." aniya at ngumuso. I also raised my brow on him. Tumatawa na sinapak siya ni Ruskin sa braso. 

"Alright, I'm sorry. Tara, gimik naman tayo kahit minsan lang. Lagi ka na lang diretso sa bahay niyo eh. Lumabas ka naman." aya ni Eris. Tumingin lang ako sa kanya.

"I can't." sagot ko. Nawala ng bahagya ang pag-asa sa mata ni Eris at napawi ang ngiti.

"What? Why? Strikto ba ang Papa mo sa pag-uwi mo. Anong oras pa lang oh, alas tres. Kahit bago mag-alas sais iuuwi ka namin." pagkukumbinsi niya pa sa akin. Huminga ako ng malalim.

Hindi naman strikto si Papa tungkol sa oras ng pag-uwi ko. Maliban na lang kung may event kaming dadaluhan. Kailangan na umuwi ako agad. And it seems that he doesn't care about my schedule on school. Basta kapag merong usapan na kailangan kong sumama sa kanya ay kailangan na umuwi ako ora mismo.

Wala rin naman kasi akong dahilan pa para manatili sa school, puwera na lang kung may mga group projects. Noon ilang beses na alas sais ako umuuwi, wala namang pakialam si Papa. Isang beses nga, kakauwi ko lang at nasalubong ko siya sa entrada hindi man lang ako binati.

Hindi ko alam kung wala ba siyang pakialam sa akin noon dahil na kay Kuya lang ang buo niyang atensiyon o natural na ganoon na talaga siya. Kung ganoong oras ba ako uuwi ngayon, may pakialam ba siya?

The driver is already on the parking lot now, waiting for me. Kabisado noon ang schedule ko kaysa kay Papa.

"I brought my motorbike. Kung tatakas ka, makakalayo tayo agad. Dahil mabilis at magaling naman ako magmaneho." ani Eris. Umiling muli ako. Hindi ko iyan kailanman gagawin.

"Sumama ka na. You're always serious and cold since your brother's death. C'mon loosen up." aniya sa akin. I look at him seriously. Joriece look on Eris sharply. Sinapak niya ang braso ni Eris at pinandilatan. Para bang pinagsabihan.

Nagbago ang ekspresyon ko nang mabanggit niya si Kuya.

"Do you think I can celebrate after his death? Isang buwan pa lang ang nakakaraan at magsasaya na ako?" sabi ko sa kanya sa mariin na tono.

May napapasulyap sa amin na mga estudyante rin na dumadaan sa hallway. This four is towering over me. Kaya nakatingala ako sa kanilang apat habang nag-uusap. Aside from their heights they are also a head turner because of their looks.

Sunod na mapapasulyap sa akin ang mga babae at magbubulungan. I rolled my eyes. This is the reason why gossips about me being a flirt in men is circulating on the campus, because of these girls. They are spreading fake news. Kahit na kaibigan ko lang naman itong apat at hindi na iyon hihigit pa roon.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon