Kabanata 197

16.1K 592 433
                                    

Kabanata 197:
Advice

"Breathe! Raiven breathe!" marahang tinampal ni Helix ang pisngi ko. Napasinghap ako at napakurap-kurap. Para bang hinila pabalik sa realidad pagkatapos alalahanin lahat ng masalimuot na ala-ala na iyon. Umawang ang labi ko at hindi na namalayan na sa bigat ng mga binibitawan kong salita, hindi na pala ako humihinga.

I hold my breath because it makes me tremble and feel the familiar pain in my chest again as I remember that horrible nightmare. My chest heaved and Helix wipe my cheeks. Napahawak ako roon ng punasan niya ang pisngi. Nang mahawakan iyon ay doon ko pa lang napansin na basa iyon. I didn't know I am already crying.

"Naririnig mo ba ako? Breathe now." Marahang ani Helix at hinaplos muli ang pisngi ko.

"Are you okay, Raiven?" Zillah asks with a hint of concern in his tone. Pinalitan si Helix sa harap ko. He offered me a bottled water.

Halos hindi na sila malinaw sa paningin ko dahil sobrang dilim na ng silid dahil sa masamang panahon. Isa pa, nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Nagsimula nang pumutak ang ulan sa labas. The rain slowly kiss the dry ground. Rinig na rinig ko ang pagpatak noon sa kalupaan hanggang sa mas lalong rumami at lumakas. I can see the rain drops pouring in the window. Umihip ang hangin at kahit sarado ang bintana, naramdaman ko pa rin ang lamig noon na agad nanuot sa balat ko dahil sa bukas ang pinto.

I just look at the bottled water that Zillah offered to me. Helix and him are both looking at me with so much concern on their eyes. Silang dalawa lang ang nasa harap ko, dahil ang ilan nanatili sa puwesto nila at halos lutang pa ang isip. Absorbing what I just told them.

Mukhang ang dalawa lang ang agad nakabawi o pilit na nakakabawi sa sinabi ko dahil sila lang ang may kakayahan na lapitan ako.

Hinanap ng mga mata ko ang isang tao na dapat ay umaalma na ngayon at hinaharangan si Helix na makalapit sa akin. My eyes landed on Kuwai and my mouth parted when I saw that he seems pre-occupied. His eyes were blank.His presence seems so heavy and he's not looking at me. As if he was controlled by so much madness.

Napalunok ako.

"I'm f-fine." Sagot ko. Pero hindi kumbinsido roon ang dalawa. Mas lalo silang napatingin sa akin. Umiling si Helix.

Kung hindi lang kami nagsasalita ritong tatlo baka tuluyan na kaming nilamon ng katahimikan.

"M-Magpapatuloy ako." Saad ko. Pilit ring binabalik ang sarili sa wisyo. It's really tough to remember those dark memories. Parang binabalikan ko ang bangungot na pilit ko nang binaon sa pinaka-ilalim na parte ng isip. Ayaw na ayaw ko talagang balikan iyon.

But I need to unveil the truths right now to patch all of their questions. I'm also tired hiding the secrets in my sleeves. I need to say it all now. Kung patuloy ko iyong itatago, hinding hindi ko kailanman mapapakawalan ang sakit na patuloy pa rin akong inaatake sa bawat pagkakataon na magbabalik tanaw.

Umiling ang dalawa sa akin. Hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"You already tell us enough. It's okay now." Helix softly said. Tumango si Zillah roon para bang iyon rin ang gustong sabihin sa akin.

"Tama si Helix. This is enough Raiven. At hindi mo na kaya."

"P-Pero..." pag-aalinlangan ko. Gusto ng tapusin ang lahat ng ito, pero kaya ko pa ba? Sa lagay ko at lagay nila, kaya ko pa kayang magpatuloy?

"Tama na muna. Hindi mo na kaya. Kaya pa naming makinig sayo sa ibang pagkakataon." Ani Helix sa akin. He pat my shoulder for assurance. I look at them with worry in my eyes.

"You're having a hard time breathing now Raiven." Ani Zillah. I check myself.

Mabigat pa rin ang paghinga ko. Remembering that dark memories feels like I went back to the past. Para bang hinila ako pabalik at muling naranasan ang lahat ng masasalimuot na ala-ala na iyon.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon