Kabanata 156

12.5K 571 155
                                    

Dedicated to: JassyNami,
Reyalanaa_ and Julie_Mik_Mik

Kabanata 156:
Reunion

"Ngayon hindi pa ba tayo bababa huh?" sabi ko kay Xerox nang pati na rin si Zillah ay nawalan na ng malay. Naparuhan siya ng sobra sa ginawa ni Jerwin na suntok, at idagdag pa ang kalasingan ay tuluyan na siyang napahiga sa sahig. Si Keilander ay habol ang hininga. Nakatungkod ang kamay sa lamesa at hirap na ring kumilos.

Kuwai and Helix are both breathing massively. Papikit-pakit na rin at pagewang -gewang ang kilos dahil sa alak.

"Who knows what will happened to them if we're not here." iyon lang ang sinabi ni Xerox bago siya tuluyang tumayo at nagmartsa patungong pinto. Sa wakas sumang-ayon na rin sa akin.

Mabilis na rin akong humakbang para sundan na siya palabas.

Malalaki ang hakbang ko na naunahan na siya. Si Xerox kalmado pa rin na para bang hindi nakataya ang buhay nila Helix kapag nahuli kami ng dating! Hindi ko talaga siya makuha!

Pagkalapit namin sa reception para makaalis na ng tuluyan mas lalo akong nainis nang makita na nakangisi na naman sa akin iyong bading.

Habang impit na tumatawa si Xerox nang magbayad. Hindi ba nila nararamdaman ang nangyayari sa katapat na bar at pati sila ay kalmado pa rin! Naririnig ko na nga ang ilang pagbasag ng bote mula rito!

"Hanggang sa muli po, Sir. Bumalik po kayo!" ani ng bading nang makapagbayad si Xerox. Hindi ko iyon pinansin at snob na nagtungo na roon sa bar.

"Balik ka daw." si Xerox na tumatawa at tinaliman ko siya ng tingin.

"Shut up!" bumalanghit lang siya ng tawa habang nagtutungo kami sa bar.

Halos hindi pa kami makahakbang papasok dahil sa mga nakaharang na nakatumbang lamesa. Tinabi ko ang mga iyon at pinagsisipa ang mga bote na nakaharang rin ng ilagay ni Xerox ang kamay sa harap ko. Hinawakan rin ang braso ko, pinipigilan ako sa tuluyang pagpasok sa loob.

Kunot ang noo ko ng balingan siya.

"Bakit?" inis kong tanong dahil narito na kami at pipigilan niya pa?

"Huwag ka munang pumasok. Dito muna tayo."

"Huh?" kumunot ang noo ko sa kanya.

"Sandali na lang. Mapapatumba rin nila iyan. Si Kuwai at Helix ay gising pa, and they're at the advantage." ani Xerox na para bang nag-aanalyze ng laro sa harap niya. Napamaang ako.

"Advantage?! Lasing na nga sila at kaunti na lang ay sila na ang unang matutumba." giit ko. Hinilot niya ang sentido na para bang naririndi aa akin.

"Ang ikli talaga ng pasensiya mo kahit kailan. Maghintay ka muna. Kaunti na lang." Xerox said calmly at kahit ang dami ko pang gustong sabihin ay sumuko ako. Kung magpupumilit ako alam kong hindi ako magtatagumpay. Kahit na nagagalit na talaga ako at parang sasabog na rito.

Pinanood ko ang tatlo na kaharapin pa si Jerwin. Humalakhak siya at binalibag ang nakatumbang speaker na nakaharang sa daraanan niya. Marahas iyong tumama sa pader at nagkanda-hiwa-hiwalay ang mga parte noon.

Kumuyom ang kamao ni Kuwai at si Helix napatuwid ng tayo nang muling lumapit si Jerwin. Nakakaloko muli siyang humalakhak na para bang nawawala sa sarili. Kung ako ang kasama nila Kuwai roon baka napigtas na ng tuluyan ang pasensiya ko sa nakakairita at nakakainsulto niyang tawa.

At parang ganoon na nga si Kuwai dahil sumugod na siya patungo kay Jerwin kahit na sinigawan siya ni Helix at Acid para pigilan.

Lumipad ang kamao ni Kuwai sa panga niya. Napaatras ng kaunti si Jerwin sa suntok na iyon. Napamura si Acid at sumunod na rin. Siya naman ang sumunod na nagbigay ng suntok kay Jerwin. Hinaklit niya ang kuwelyo noon at nangigil na binigyan ng sunod sunod na suntok, kaso nasapo ni Jerwin ang kamao niya.

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon