There will be no specific dates for the next following updates, kaya hindi ko na po masasagot ang tanong niyo kung kailan ang next, gugulatin ko na lang kayo heheh.
Kabanata 165:
Arrived"Xerox!" malakas na sigaw ni Helix. Mabilis na humarap sa direksiyon ni Xerox.
Nakatayo pa rin siya at nakita kong napasapo lang siya sa braso niya. I gasped when a red liquid flows from it and it drop from the floor. Xerox simply hissed and tilted his head. He looks livid, his eyes were seething with rage.
Kumuyom ang kamao niya. I sigh in relief when I saw that he was not shot on a critical spot. Nag-init ang gilid ng mga mata ko nang makita ang braso niyang nagdurugo. Mukhang nadaplisan ng bala.
Nagawa niyang masipa ang baril na hawak ni Jerwin bago pa nito makalabit ang gatilyo. Kaya naman natapat niya iyon sa gilid ni Xerox at tumama ang bala sa ibang direksiyon. Halos pigilan ko ang hininga sa mga saktong eksena na iyon.
Hindi ko maiwasang matakot. Ilang beses na ba ako nakasaksi ng mga pagkakataon na ganito huh? Ilang beses na nakasaksi ako ng makapigil hininga na eksena ng mga taong nasa paligid ko na laging napupuruhan para sagipin lamang ako.
Lumunok ako pero ramdam ko na agad ang pagbabara ng lalamunan. Hawak pa rin ni Helix ang dalawa kong braso. Pinipigilan pa rin ako sa paglapit kay Jerwin.
"Inuubos mo ang pasensiya ko." si Jerwin sa mariin na tono. I can't see his eyes now because he's bowing down his head. His presence shifted. It was more heavy now.
Mas lalo ring tumaas ang tensiyon sa loob ng silid na napatuwid ako nang diretso ngayon. I composed myself and regained my composure. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa sinabi niya. May dapat pa akong gawin. Hindi ko dapat pabayaan si Ma'am Feronia lalo na ngayon sa sitwasyon niya.
"Mas lalo naman ako!" sigaw ni Xerox. Even I wanted to throw him my attention, I can't because I must call Kuwai now to inform him about Ma'am Feronia. Si Helix ay alerto at handa sa kung anong balak gawin ni Jerwin sa amin ngayon. Sinubukan ko nang pindutin ang call para tawagan na si Kuwai.
"I'll call Kuwai, Helix." sabi ko sa kanya. He turned to me. Bahagyang naningkit ang mga mata sa akin.
"Papuntahin mo siya rito?" agad akong umiling roon. The phone immediately dial Kuwai's number. Agad na nag-ring iyon.
"Hindi, si Ma'am Feronia nasa loob siya ng kuwarto ko ngayon. Kailangan na mapuntahan siya roon. She's having a cramps. Iniinda niya iyon kanina pa kaya mabuti na matignan agad ang kondisyon niya!" saad ko at hinihintay si Kuwai na sagutin ang phone pero nagdaan ang ilang ring ay walang nangyari.
Huminga ako ng malalim. I am sa bit frustrated.
"Acid is searching for her right now. Before we left them, he's checking every room so it's alright. But call Kuwai too to make sure she's safe." si Helix naman.
"Tatawagan ko pa rin si---"
"Raiven!" napasinghap ako sa malakas na pagsigaw na iyon ni Xerox. I lift my gaze and I saw a shadow behind Helix. I immediately become serious when I saw Jerwin. Haharap na sana si Helix nang mabilis na haklitin ni Jerwin ang dalawa niyang balikat at ibalibag siya sa sofa. Wala niyang kahirap hirap na hinaklit si Helix at tinapon sa sofa.
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pagtama ng likod ni Helix roon. I heard him whimpered and my hold on the phone loosened.
Napasinghap ako at inangat na ang braso para depensahan ang sarili pero mabilis na nahuli ni Jerwin ang braso ko. Tinulak ako ng marahas sa pader.
Nabitawan ko ang nag-r-ring na phone dahil roon. Agad akong umubo.
I gasped harshly when my back bounced on the cemented wall. Napaubo ako at agad na gumapang ang sakit sa katawan. Ramdam na ramdam ko ang pag-untog ng likod sa matigas na pader. Parang nayanig ang buo kong pagkatao roon.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Teen FictionWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?