Kabanata 138

12.4K 532 55
                                    

Kabanata 138:
Laguna

Binuksan ni White ang pintuan ng sasakyan niya para sa akin. Napatitig lamang ako roon. Tinitimbang pa rin ang desisyon kung tama ba itong gawin o manatili na lang sa school, pero paano ko ba kakaharapin sila Helix kung ganito ang estado ko?

Kakilala ko naman siya kaya sigurado naman akong walang mangyayaring masama sa akin. I also know his brother and I already met his mother.

Nababahala lang ako na kapag umalis, siguradong mag-aalala lang sa akin si Helix. Sinabi ko na narito na ako sa school pero mawawala naman ulit.

Hindi rin naman matigil ang pag-iisip ko tungkol sa kung ano iyong hinahanda nila sa akin na hindi ko dapat mahalata.

My mind is drifting to dark thoughts again and before I could think of something, i immediately tilted my head.

"Sasama ka ba sa akin?" pinagising ako ni White sa tanong niya na iyon sa malalim kong pag-iisip. Walang tao sa parking lot maliban sa aming dalawa.

"Papalabasin ba tayo ng guard? Nakakalimutan mo na yata na may bantay." humalukipkip ako.

"Anong oras na ba?" nagtaas siya ng kilay sa akin. I dropped my look on my wrist watch and see that it's five minutes before the first class.

"Limang minuto bago magklase." sagot ko.

"Then the guard will still let us leave. Sasabihin ko lang na nagbago ang isip ko at ayoko ng pumasok sa klase." I look at him with my wrinkled forehead.

"That's a stupid reason." I said. Sa tingin niya ba ay hahayaan siyang makalabas ng guard sa rason na iyon.

"Pumasok ka na bago pa maubos ang oras at hindi na talaga tayo makalabas." utos niya sa akin at huminga ako ng malalim bago sumunod roon.

I climb inside his car now. Tumingin pa siya sa akin bago isara ang pinto. Umikot na rin naman siya sa driver seat.

Kabado pa ako nang makarating kami sa gate at nahagip ng tingin ko sa rearview mirror si Helix kasama si Light hindi kalayuan, sa tapat ng building kung saan ang unang klase. Napatuwid ang likod ko dahil roon.

Parang may hinahanap sila at alam ko na ako iyon. I inhale a breath.

"Damn it. Kuya will see me." si White nang mukhang makita rin ang tinignan ko. Hinarang kami ng guard at agad na binaba ni White ang bintana.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Saan ka pupunta hijo? Magsisimula na ang klase."

"Pinapauwi ako ng school nurse, ang taas ng lagnat ko." nakatingin sa kanya ang guard at nagtaas ng kilay sa sinabi niya. Nagdududa. Napailing naman ako. Kahit naman siguro ako magdududa roon sa lame niyang excuse. Halatang nagpapalusot lang.

"Here's the proof, the nurse letter." umawang ang labi ko nang may kuhanin siya sa dash board na papel at ipakita iyon sa guard na mukhang hindi ako napapansin na katabi ni White.

Tinignan naman iyon ng guard at sinuri. Then he nodded after he examine it. Naniniwala na kay White.

White puckured his lips and smile on the guard politely. I gasped in disbelief. Saan niya nakuha ang papel na iyon? Mukhang wala naman siyang lagnat at sobrang lakas nga!

"Sige hijo. Bubuksan ko lang ang gate." binalik ng guard sa kanya ang papel at umawang ang labi ko nang magtungo iyon para buksan ang gate.

Ganoon kabilis niyang napapayag ang guard. And it seems like he already professional on this. Para bang ilang beses ng nagawa!

Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon