Kabanata 175:
BattleKabado ako nang makauwi kami ni Papa. Hanggang sa makasakay sa sasakyan. Nilalamig at mabilis ang tahip ng puso ko. Kinakabahan sa mababanggit niya tungkol roon sa lalaki na ipagkakasundo sa akin.
Ngayon mas lalo lamang nanaig ang kompirmasyon na hindi nga iyon tuloy ngayon. The man didn't really show up. He turn Papa down. At kahit masaya ako sa nangyari, iniisip ko na ang lakas ng loob ng lalaki para tanggihan si Papa.
Papa has this dominating presence on everyone. He's so regal and to know that someone turn him down, surprised me. No one try to refuse or shook their head to him. Once he said one thing, it will definitely happen. No one can stop him. At ngayong may sumubok na humindi, alam kong hindi lamang sobrang natapakan ang pride niya kundi nangagalaiti sa galit na tinaggihan siya.
I glance on him while he's silently driving. Tahimik pero nababakas ko ang galit at intensidad sa mga mata niya. He's griping the steering wheel sternly.
Halos mapipi o mabaluktot ang manubela sa higpit ng hawak niya.
Ang haba na ng nangyari ngayong gabi. Pagod ako, at gusto na lang magpahinga. Hindi ko na yata kaya kung ako pa ang mapagbubuhusan ni Papa ng galit niya kapag napansin niya akong gumawa ng ingay.
I can feel that he's on the edge of losing his control. He looks livid. Kaya tahimik lang ako rito sa tabi niya, hindi umiimik. Magkasalikop ang mga kamay sa kandungan at nag-iingat sa bawat galaw. Pasulyap sulyap lamang ako sa kanya pero kinabahan rin na baka pati iyon ay mapansin niya pa kaya tinuon ko na lang ang tingin sa bintana.
Paminsan-minsan ay sa kalsada. Inaalam kung malapit na kaming umuwi. I badly want to go home so I can finally escape from him.
Takot na takot talaga ako sa pag-iisip na magpapakasal sa murang edad. Ipagkasundo sa isang lalaki na estranghero at mapapangasawa pa. Lubos ang hindi ko pag-sangayon roon. Gusto kong umiyak at magpumiglas sa pagkakahawak ni Papa sa akin.
He hold me like I am some tool to him. Gagamitin niya kung kailan niya gusto.
Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Bakit ba napunta ako sa ganitong klaseng buhay. Gusto ko lang naman ng mapayapa, maayos at normal na buhay katulad ng iba pero ito ang nakagisnan ko. Malabo pa sa akin ang makatakas rito.
Nagsisikap ako na maging normal ang buhay kahit papaano. Sinusunod ang mga kagustuhan ni Papa sa pag-aakala na hindi na siya magiging malupit sa akin. But I was wrong. Sarili niya lang talaga ang iniisip niya.
Ni hindi ko kayang tumakbo papalayo sa kaniya dahil may maiiwan ako. Hindi ko kayang iwan si Mama at si Ryker. I am chained in this kind of life, I am even the one who might lead this someday. And everytime I'll think about it, it feels like a nightmare is about to happen.
Tahimik si Papa noong lumabas sa party kanina. He found me on the swing. Akala ko papagalitan ako dahil biglaang nawala sa loob. Tinuro lamang ako ng bodyguard sa kanya. He didn't also ask me about my stained dress, he just drag me towards the car.
Wala siyang sinabi at ni hindi tinaponan ng tingin o pinansin si Jaydiel na interesadong kausapin ako, agad lang akong hinatak papalayo roon.
Nang makaupo ako ay agad rin siyang pumasok sa driver seat at nagmaneho. Hanggang ngayon tahimik. Walang binabanggit na kahit na ano. Mukhang may malalim siyang iniisip kaya siguro walang balak na buksan ang bibig niya.
Hanggang sa makauwi kami. Samalubong pa sa amin si Mama na alalang-alala. Papa didn't also waste his time to give his attention to her. Nilagpasan niya lang si Mama na agad akong mahigpit na yinakap.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Teen FictionWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?