Kabanata 122:
HilingSobrang abala ako simula pa madaling araw at ngayong maliwanag na sa labas ay hindi pa rin ako tapos. Tatlong araw na lang at Pasko na kaya naghahanda ako para roon. Hinahanap ko ang listahan sa kumpol ng mga sobrang gift wrapper na nakakalat sa sahig.
My room look like a mess! Hindi na nga sa akin itong kwarto at pinapatuloy lang ako at ang lakas pa ng loob kong magkalat. Maaga akong natulog kagabi pagkauwi namin pabalik rito sa Ilo-Ilo.
Mga alas tres kami ng hapon nakauwi at alas sais pa lang yata tulog na ako. Then I woke up 3 am to start wrapping the gifts for Christmas. Lahat ng last section ay bibigyan ko ng regalo. Pinuslit ko lang ang lahat ng ito sa maleta ko pagkauwi namin. Palihim kong inuwi ang mga ito. Doon sa biyahe pauwi ako bumili ng mga panregalo sa kanila.
Good thing they didn't notice. Mabuti na lang rin at nagkasya ang lahat ng ito sa loob ng maleta ko.
Alas sais y media na at siguradong ano mang minuto mula ngayon ay may kakatok na sa pintuan. Hinahanap ko ang list ko para sana i-check na iyong mga regalo na nabalutan ko at malaman kung ilan na lang ang natitira.
Kaso natabunan pa iyon ng mga bundok na sobrang gift wrapper.
Panay ang paghawi ko at pag tingin sa paligid. I sigh in relief when I finally find it. Kinuha ko ang pen na nakaipit sa tenga. Then I check all the gifts I am finally done on wrapping. Huminga ako ng malalim nang nakitang anim na lang ang natitirang hindi nababalutan. Mamaya ko na lang siguro ipagpatuloy iyon.
Akma ko na sanang itatago pabalik iyong mga regalo na nabalutan na sa maleta at sakupin ang mga kalat nang may kumatok na sa pinto. Mabilis akong napalingon roon. Agad kinabahan. Kumalabog ang puso ko.
"Raiven?" nakilala ko ang tinig ni Helix sa likod ng pinto.
Lock naman ang pinto pero kinakabahan pa rin ako na baka makita niya ito.
"Helix sandali lang!" sabi ko at binilisan ang kilos. Hindi ko alam kung ano ang uunahin, ang daluhan siya sa pinto, walisin ang lahat ng ito, o itago ang mga regalo pabalik sa maleta. Nagulo ko ang buhok.
"I have your breakfast, I'll open the door now." aniya at biglang nanlaki ang mata ko.
"I'm naked!" sigaw ko dahil sa pagpapanik. Iyon na lang ang tanging dahilan na naisip ko para pigilan si Helix sa pagpasok. Natutop ko ang labi bigla sa hiya.
"Uh I'm s-sorry. Sorry." paulit-ulit na sinabi ni Helix. Mukhang nagulat yata sa sigaw ko. Napasapo ako sa noo.
Lock naman ang pinto pero ayoko na masubukan niyang pihitin pa iyon.
"I'm sorry too. Give me a few minutes. Magbibihis lang ako." sabi ko sa kanya sa marahan na tinig.
"Yeah, take your time Raiven. I'll wait here." aniya sa marahan na tono rin. Nakahinga ako ng maluwag roon.
Mabilis kong sinikop at dinampot ang mga kalat. Winalis ko ang mga iyon at nilagay sa trash bag sa banyo para hindi makita ng kahit sino. Then I put all the gifts to the luggage. I zip it after. Inayos ko lang ang sarili bago ko buksan ang pinto. Sana lang ay hindi ako mukhang puyat sa itsura ko ngayon.
I smile on Helix when I open the door. He smiled back to me too but I can traced the awkwardness on his expression. Siguro ay dahil sa pagsigaw ko kanina.
May hawak na siyang tray na may lamang fried bacon, toasted bread, fried rice, fried egg and glass of milk.
"I'm sorry on shouting a while ago." agad kong paumanhin sa kanya.
"It's fine. Hindi talaga dapat ako pumapasok sa kwarto mo mg basta basta. I'm sorry. Nasanay lang ako."
"Uh thank you sa breakfast. Hindi mo naman kailangang gawin 'to lagi. I can walk down stairs to eat."
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 2- COMPLETED)
Teen FictionWill Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last section anymore?