Chapter 1

386 6 0
                                    

"Anak magiingat ka sa Maynila. Madaming sira ulo doon. Kung hindi lang sana - " hindi pa natatapos magsalita ang inay ay pinutol ko na ang kanya susunod pa dapat sabihin.

"Nay,Tay gagawin ko ito hindi dahil gusto ko mapalayo. Ginagawa ko ito para makatulong sa inyo. Mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid ko kaya kahit ngayon lang tayo magkakalayo ay titiisin ko." at niyakap ko sila pati na ang aking mga kapatid bago ako sumakay sa tricycle papaalis ng Baryo Masagana.

"Mang tonio, sa terminal po tayo ng Bus pa-Maynila." sabi ko bago ko kumaway para maghuling paalam kila Inay.

Habang bumibiyahe ako papunta ng Terminal, may naririnig ako sumisigaw mula sa aming likuran. Tila hinahabol kami.

"Iska!!!!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Leonard. Ang aking kababata.

Itinigil ni Manong ang tricycle at bumaba ako.

"akala ko hindi man lang ako makakapagpaalam sayo. Ito dalhin mo. Gawa ng inay yan. Para naman daw hindi mo makalimutan ang masarap na kakanin nya." sabi ni Leo habang inaabot sa akin ang isang maliit na bilao ng kakaning paborito ko.

"pakisabi kay Tia Maria hindi ko makakalimutan ang kakaning ito. Sya lang ang nakakagawa nga paborito kong biko." sagot ko naman habang inaabot ko ang bilaong kakanin.

"aalis ka na talaga. akala ko pa man din ay nagbibiro ka lang noong nagkausap tayo nung isang araw. Magiingat ka doon at wag ka sana makakalimot." paghahabilin sa akin ni Leo.

"ano ka ba naman! Bakit ko naman kayo makakalimutan. Lalo ka na! Wala na mangaasar sa akin ng ISKANG PANGET!" sabi ko kay Leo habang tinatapik ko sya sa braso.

"sige na panget. Baka mahuli ka sa biyahe mo. Alis na!!" sabay senyas ng pang tataboy.

"tignan mo 'to kahit na aalis na ko. nangaasar ka pa. Dyan ka na nga!" sabay talikod ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla nya ako niyakap mula sa likuran. Bumulong sa tenga ko ng "magiingat ka iska. mamimiss kita" sabay bitaw at takbo papalayo.

Napangiti na lang ako sabay sakay sa tricycle.

** Ako si Ma. Francisca Delos Santos. Ang haba haba ng pangalan ko. Sabi kasi ng Itay kahit man lang daw sa pangalan magmukhang mayaman kami ng mga kapatid ko.

Kapos at itinatawid lang namin ang buhay namin sa araw araw sa paglalako ko ng gulay at pagtitinda ng isda ng inay sa palengke. Ang itay naman ay tumutulong magsaka sa lupain ng mga Illustrisimo. Ipinasok sya doon ng tatay ni Leonard. Kaya naging malapit din kami sa isa't isa dahil sa parang kapamilya nanamin sila.

Maayos ang buhay namin kahit sabihin pang isang kahig isang tuka kami. 3 kami magkakapatid. Ako, si Bernard (14) at si Luisa (10). Parehas nagaaral kaya doble kayod kami. Ako kasi ay tumigil sa pagaaral simula magkolehiyo. Hindi na kaya nila Inay at Itay. Tumulong na lang ako para mas madoble pa ang kita namin mag anak nang biglang dumating ang hindi inaasahang pangyayari sa aming pamilya.

..flashback..

"Julieta! Julieta! Si Lito!!!!" sigaw ng aming nga kapitbahay.

Nakita na lang namin nakahandusay at walang malay si Itay sa kalsada.

Dinala namin sya sa Ospital at doon nakompirma na hindi na regular ang tibok ng puso nya. Inatake sa puso ang Itay. Mabuti na lang at naisugod namin sya agad sa Ospital kung hindi ay baka wala na sya ngayon. Binigyan sya ng maintenance na gamot at hindi na sya pinapayagan magpagod pa dahil sa nangyari sa kanya.

Nagpasya ako na kagatin ang alok ng aking Tiyahin sa Maynila. Humanap doon ng trabaho para matustusan ang pangangailangan ng Itay sa gamot.

..end of flashback..

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon