Chapter 5

113 1 0
                                    

Linggo na.. Family day!!!

Parang hindi naman nag eexist sa pamilya nila ang Family day.. Hindi tulad sa amin sa Baryo Masagana.. Kapag Linggo.. Lahat sumisimba.. Bawat pamilya.. Sama sama.. Pagkatpos ng misa pupunta ng bayan at bibili ng sariwang gulay at karne o di kaya ay isda para sa tanghalian ng pamilya..

Malaki talaga nag pagkakaiba ng mga mahihirap na katulad namin sa level ng buhay ng mga taga syudad.. Mga taga Maynila.. Dito lahat laging busy lahat laging mdaming appointments.. Hindi man lang yata nila naeexperience kumain sa labas ng sabay sabay..

"Manang .. sisimba lang po ako sa bayan baka po hanapin ako nila Maam Eunice .." pagpapaalam ko kay Manang Flor..

"Ipagdasal mo na lamang ako.. pati na rin ang anak ko.. Sya nga pala.. baka maari mo akong ibili ng kakanin doon sa bayan.. Namimiss ko na kasi ang mga kakaning probinsya..!" paghiling sa akin ni Manang..

"Nako Manang hindi nyu naitatanong marunong po ako gumawa ng kakanin.. kung gusto nyu po ay bibili ako ng gamit mamaya at sya nating gawin ng makatikim din ho sila Maam" proud na sabi ko..

"Aba talaga ... sige magandang ideya yan! Sige na mauna ka na baka mahuli ka pa sa misa.. Mag iingat ka.. Sabi sa news.. Maguulan daw ngayun araw at paparating ang bagyo.. Umuwi ka na lamang agad" Pagbilin sa akin ni Manang Flor

Umalis na ako at sumakay na lang ako ng jeep. Maaliwalas pa naman ang langit kaya hindi na ako nagdala ng payong dahil hindi naman ako magtatagal sa bayan..

Nasa simbahan na ako.. At malaki ang simbahang ito kumpara sa simbahan namin sa Baryo Masagana.. Nakakamiss tuloy ang mga Inay..

Pagkatapos ng Misa ay naisipan ko na mamili ng gagawin namin kakanin ni Manang Flor.. Excited na ako..!

"Manong magkano po ang malagkit?"

"30 per kilo Ineng.."

"ah kalahati lang ho! saka po asukal na pula din Manong magkano?"

"20 lang kalahati.."

"isa na rin ho noon.." at nagabayad na ako..

Binili ko na din ang iba pang sangkap saka ako dumeretso sa paradahan ng jeep.. At totoo nga kumukulimlim na..

Nasa biyahe kami at natrapik pa kami..

Napagpasyahan ko bumaba nalang at lakarin dahil malapit naman na ko sa gate ng subdivision buti at bungad lang ang bahay nila Maam Eunice hindi ako maliligaw..

Bumagsak ang ulan nang malapit na ako sa bahay..

*Door bell*

"Manang!!! Si Iska po ito!!! paki buksan po ang pintuan!!!"

Basang basa na ako.. Sana buksan na ni Manang ang pintuan..

RALPH'S POV

Nakaka boring na dito sa bahay..

Umuulan naman sa labas paano ako lalabas nito..

Nakita ko si Manang na kumakaripas ng takbo papalabas ng pintuan..

"Manang!! Bakit kayo lalabas? Ang lakas po ng ulan baka magkasakit nanaman kayo." pagaalalang sabi ko..

Halos pangalawang Nanay na rin ang tingin ko kay Manang Flor.. Bata pa lang ako... kasama na namin sya.. kaya hindi na iba ang turing ko sa kanya..

"Sir Ralph.. si Iska po kasi nasa labas inabutan ng ulan! Galing ho sa pagsimba .. nakalimutan po ang susi ng bahay.. Kaya sumisigaw.. ayon at basang basa na kasi Sir baka magkasakit yun!" kitang kita ko sa mata ni Manang Flor ang pagaalala kay Iska.. Alam ko kung bakit.. nakikita nya ang namatay nyang anak kay Iska..Halos magkasing edad na siguro sila kung nabubuhay lang si Cindy (anak ni Manang)

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon