Sa Kwarto...
"May sapin ka ba dyan?" pagtatanong nya pagpasok na pagpasok nya ng kwarto ko..
"Meron ,bakit?"
"Sasapin ko sa sahig.. Doon ako matutulog.." sabi nya habang kinukuha ang isang unan sa kama ko..
Nagbigay ako ng sapin sa kanya.. Medyo makapal naman ito, pero hindi sementado ang sahig ng bahay.. Pawid lang ang rest house namin kaya pumapasok ang lamig..
Kung mahihiga sya sa sahig, baka magkasakit pa sya.. Kasalanan ko na naman..
Naku! Bahala nga sya.. Basta ako dito sa kama..
Nahiga na ako matapos ko maglinis ng katawan.. Pinahiram.naman sya ng pamalit ni Bernard.. Mga damit na maluluwang sa kanya at hindi naman nya masyado nagamit..
Nakapatay ang ilaw.. Lampshade ko lang na maliit ang nakabukas.. Rinig ang mga kulisap..
"Iska?" bakit nya ko tinatawag.. Dapat natutulog na sya ahh..
"Tulog ka na ba?" nagkunwari ako natutulog,hindi ko sya sinasagot.."Siguro nga tulog ka na.. pero kahit tulog ka na, sasabihin ko pa din.." Ang alin naman..
"Salamat.. sa pagsama sa akin.." well,si Inay ang nag invite sa'yo hindi ako.."Nakasama kita kahit sandali.. Kahit sa ganoong paraan lang.." ano bang pinagsasasabi nito..."Salamat sa pagtabi ng wallet ko,alam ko.. binuklat mo iyon.. hindi mo kasi naiayos mabuti ang litrato mo" so,pakialamera pala ang dating ko,binuklat ko lang yun dahil hinanap ko ang number mo.."Hindi ko alam kung dapat pa ba ako magpaliwanag sa'yo.. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.." hindi ko kailangan ng explanation mo.. tapos na..nangyari na ang lahat.."Alam ko nasaktan kita..Pero pasensya ka na,may malaki akong dahilan kung bakit ko nagawa ang lahat ng 'yon..Hindi ko pa kayang sabihin sa'yo ngayon, pero sa tamang panahon, maipapaliwanag ko din sa'yo ang lahat.." hindi ko napigilan ang luha na tumulo mula sa mga mata ko.."Lagi ko pinagdadasal na sana dumating 'yun araw na mapatawad mo ako.."ilang sandali pa.. naramdaman ko na lang na may humalik mula sa likuran ko..
Hinalikan nya ako...!!! 0_0
*****************************
Ralph's POV
Nakasama ako ng hindi oras kila Iska... Ayoko kasi na maka iscore na naman si Leo sa kanya.. Araw araw na nga sila magkasama.!!
Buti at dito na ako pinatulog nila Tia Julieta..at ng tatay nya.. Talagang kasangga ko mga magulang nya..
Lihim ko sila kinausap noon.. Pinaliwanag ko ang lahat sa kanila.. Pinakiusapan ko sila na huwag sana sabihin kay Iska ang tungkol sa nangyayari sa amin ni Celine..
Ayoko sana na intindihin pa nya iyon.. Problema ko 'yon na dapat ako ang lumutas.. Ayoko na din madamay pa sya dahil kilala ko si Celine..
Mas okay na sa akin na iniiwasan nya ako.. Para naman hindi sya mapagdiskitahan ni Celine.. Oras na malaman nya na nandito si Iska..At sya ay si Frances.. Malalagay sa panganib ang buhay nya..at hindi ako papayag na mangyari 'yon..
Kinaumagahan..
"Aalis na ho ako.."
"Hindi mo na sya hihintayin magising?"
bigla may bumaba mula sa hagdanan..
Si Iska..
"Ano? Aalis ka na naman ng hindi nagpapaalam? Bisyo mo talaga 'yan noh...Paalisin mo na 'yan,Nay!!"
lumabas sya ng bahay at nagpahangin doon..
Sinenyasan ako ng kanyang Inay na sundan si Iska..
"Pwede mo naman sabihin na wag muna ako umalis,kaysa nagkabusangot ka,umagang umaga.."
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...