Chapter 30

59 1 0
                                    

Chard's POV

Sh*T .. !!! Sa tagal ng pagkakakilala nya kay Iska.. Ngayon pa nya ito hinusgahan!! Tanga ka talaga!!!

Papauwi na kami ng magkasabay kami sa elevator..

Hindi kami nagpapansinan..

Tsk! Bahala ka dyan.. Kitid ng utak mo.. Ni hindi mo muna pinagpaliwanag yun tao!!

Nakita ko sumakay na sya sa sasakyan nya.. Halos magkasunod lang kami lumabas.. Sunuran lang din kami sa daan..

Napalingon ako sa papeles na nasa upuan ko.. Tsk! Ay Ralph nga pala 'to! Nakalimutan ko ibigay kanina.. Kailangan nya 'to bukas ng umaga..

Sinundan ko na lang sya hanggang sa makauwi sya ng bahay..

Pagka baba ko..

May hindi ako inaasahang marinig..

"Dave..Kailangan sabihin mo na kay Ralph ang katotohanan.."

"Hindi pa ito ang tamang ---"

Biglang pasok ni Ralph sa bahay nila at hindi ito inaasahan nila Tita Eunice at Tito Dave..

"Anong kailangan kong malaman?"

"Ahh.. Anak.. ano kasi..."

nauutal utal pa si Tito.. Ano ba 'yon??

Para na ko nagiging spy/tsismoso nito ahh..

"Anak.. May sasabihin sa'yo ang Dad.. Sana pakinggan mo sya.."

Nag nod si Tita kay Tito .. as a sign na .. sabihin na nya..

Nagtataka naman si Ralph sa nangyayari..

"A-anak.. Hindi ka namin totoong anak.." nakayukong pagtatapat ni Tito Dave..

"Nagpapatawa ka ba Dad? Ma.. Ano ba 'to sinasabi ni Dad.. Joke ba 'to?" Tigilan nyo na kasi hindi ako natutuwa"

Alam ko in denial si Ralph sa mga narinig nya..

"Ano!!! Ma.. Dad!!!" nanginginig ang boses ni Ralph.. Nasasaktan ako para sa kanya dahil para ko na syang kapatid..

"Anak hayaan mong ipaliwanag namin sa'yo ang lahat..Makinig ka muna.." sabi ni Tita Eunice habang hawak ang kamay ni Ralph..

Bigla naman ito nagpumiglas sa pagkakahawak nya na kinagulat nila..

"So... totoo ang mga sinasabi ni Dad.. All throughout this year.. my existence.. LAHAT KASINUNGALINGAN!!!! HOW CAN YOU DO THIS TO ME!!!"

"Anak..Let me ---" hindi pa natatapos si Tito Dave ay nagsalita na naman si Ralph..

"Anak??? Hahaha Nagpapatawa ka talaga!! Matapos mo aminin sa akin ang lahat, you have the guts to call me YOUR SON!! Ngayon naiitindihan ko na kung bakit ganoon ang trato nyo sa akin.. Na okay lang sa inyo iwanan ako sa iba.. dahil ang totoo pala .. HINDI NYO NAMAN AKO KAANO ANO!!!"

biglang tumakbo palabas si Ralph.. pilit syang tinatawag pabalik ni Tita pero pinigilan na sya ni Tito..

Sinundan ko si Ralph.. kailangan nya ng makakasama ngayon..

Tinapatan ko ang takbo nya.. Ang bilis bilis nya.. Parang gusto nya maaksidente..

Alam na alam ko kung saan sya pupunta.. Sa tambayan namin.. Sa bakanteng lote kung saan makikita mo ang buong city ... parang ikaw lang ang tao sa mundo..

"AAAAAHHHHHHH!!! AAAAHHHHHHHHHHHH!!! BAKIT!!! BAAAAKKKIIITTTT!!!" ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala ngayon ni Ralph..

Nagkasunod sunod ang hindi magandang pangyayarin ngayong araw.. Una yun kay Iska.. sa taong pinakamamahal nya.. tpos ngayon,nalaman nya ang buong katotohanan.. Kahit ako baka mabaliw... pero wag naman sana..

Dahan dahan umupo si Ralph sa sahig .. sa gilid ng kotse nya..

"Oh.. alak.." tumingala sya at nakita ko namumugto ang mga mata nya..

Kinuha nya ang alak sa kamay ko.. sabay ininom ito..

Umupo ako sa tabi nya.. at hinintay ko na magsalita sya..

"Ang sakit Chard! Yun malaman yun katotohanan.." sabay pahid ng luha nya..

"Hindi ba dapat magpasalamat ka at nagkaroon ka ng pamilya? Na may maayos kang buhay? Na may Nanay at Tatay ka? Na buo kayo?"

"Chard.. Hindi nila ako kadugo.."

"Ni minsam ba naramdaman mo binaliwala ka nila? Na hindi ka nila minahal?"

Napaisip sya sa mga sinasabi ko..

"Maswerte ka dahil pamilya kayo.. May pamilya ka.. Oo,hindi mo sila kadugo , pero hindi nila pinaramdam sa'yo yun.. Napakaswerte mo sa kanila.. Hindi lahat nabibiyayaan ng pagmamahal na tulad ng binigay nila sa'yo" sabay inom ng alak..

"Sh*T ka talaga.. Pari ka ba? Maka sermon ka sa akin ahh!! Alalahanin mo amo mo ako!"

"Sa loob ng opisina ,Oo amo kita.. Pero nasa labas tayo ngayon.. Kapatid,bestfriend at tropa mo ko.. Ang duty ko,ang damayan ka at ipaintindi sa'yo ang mga bagay na gumugulo sa isip mo.. Yun maramdaman mo,na hindi ka nag iisa. "

Napatingin sya sa akin..

Seryoso.. Grabe naman sya para na ko papatayin nito ahh..

"Minsan . Maasahan ka din .. Salamat!"

"Ano plano mo ngayon? Walk out King!"

Binatukan nya ako.. "Walk out King ka dyan!..'' sabay inom ng alak..

"Plano?.." at bigla sya natahimik.. "Hindi ko pa alam Chard.. Sa totoo lang gulong gulo ang isip ko.. Sunod sunod ang nangyari ngayon.. Parang ang bigat lang.."

"Sus.. Ikaw pa.. malalagpasan mo din 'to.. Cheers!!" sabay kampay ko sa in can beer ko.. Nakipag cheers naman sya at naginuman kami hanggang sa maisipan na nya umuwi..

Nang makarating kami sa kanila..

"Anak . Akala ko hindi ka na babalik.." pagsalubong ni Tita Eunice sa kanya..

"Hindi ko pa din maitindihan ang lahat. Pero isa lang ang alam ko.. Maswerte ako kasi kayo ang naging pamilya ko.." sabay yakap kila Tito at Tita..

"May hihilingin lang po sana ako.. Gusto ko sana lumayo muna kahit mga 1-2 linggo lang.. Makapag isa at makapag isip isip.. Masyado po kasi madami ang nangyari ngayong araw.. Sana .. payagan nyo ako"

hindi naman tumutol sila Tito.. Pinayagan nila si Ralph na mapag isa..

Saan naman kaya balak pumunta ng mokong na 'to?..

****************************

Itutuloy

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon