Chapter 22

68 1 0
                                    

Sa Hospital...

"Relatives of the patient?"

sabay pa kami napatayo ni Leo sa kinauupuan namin.. Sumunod naman sa akin si Chard..

"Wa-wala po.. pero kababata nya po ako,doc.. ano po nangyari sa kanya?" pagtatanong ni Leo..

Kung tutuusin.. Halos sanggang dikit sila ni Iska.. Mula noon hanggang ngayon hindi nya iniwanan si Iska..

"She is over fatigue.. She has a throat infection as well.. dahilan para lagnatin sya.. Mataas ang lagnat nya kaya nawalan sya ng malay.. Kailangan muna nyang maconfine ng ilang araw dito.."

"Dapat hindi ko sya iniwanan kanina.." parang sinisisi ni Leo ang sarili nya.. "Dapat talagang pina-cancel ko na ang meeting kahit magalit pa sya sa akin.."

"We moved her in a private room.. You can visit her now.. Pero paalala ko lang.. wag muna natin bigyan ng stress ang patient.. hindi makakatulong sa pagpapagaling nya.." bilin ng doctor..

Papunta na sana kami sa kwarto nya ng tumigil sa paglalaakd si Leo..

"Ano pang ginagawa mo dito? Hindi mo ba narinig ang sinabin ng doctor? O sadyang nagbibingi bingihan ka lang...?"

"Ano bang problema mo?"

"Mr. Del Vasco, please do not take this personally.. pero alam ko alam mo ang ibig kong sabihin.. Salamat na lang.. We will just re-schedule the contract signing if your are still interested..." napaka pormal ng pakikipagusap nya sa akin.. Alam ko ayaw nya lang din malaman pa ng ibang tao kung ano ang nakaraan namin ni Iska.. Pero alam ko gulong gulo na si Chard sa nangyayari..

"Aba!! Wag daw personalin ...kung makaasta ka parang ikaw ang----" pinigil ko na si Chard baka kung ano pa masabi nya..

"Sorry Mr. Leonard.. I will just wait for your call.. See you.. Goodnight.. and... take care of her.." sabay talikod ko kay Leo..

Hinabol naman ako ni Chard at bakas sa mukha nya ang pagtataka sa inasal ko sa harapan ni Leo.. Alam ni Chard na pag mga ganoong sitwasyon ay hindi ko pinapalagpas.. Hindi din ako yun tao na maghihintay para sa isang kompanya..

"Boss.. akala ko ba 'TAKE IT OR LEAVE IT' ang rule mo sa business.. walang re-schedule.. walang next time.. A-anong nangyari kanina? ba-bakit bigla ka nag break ng sarili mong rule?"

"Sumakay ka na.. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat..." sabi ko sa kanya habang inaaya na sya sumakay sa sasakyan...

Chard's POV

Naguguluhan ako sa inaasta nitong si Ralph..

Akala ko ba wala naman sya pakialam kay gandang binibini...

Anong nangyayari???

"Chard.."

anak ng patuka sa manok.. Napaka misteryoso naman nitong boss ko!!

"Ano ba RALPH!! TANG*NA NAMAN OHH!! kanina pa ko gulong gulo!!!" sabi ko habang napapakamot na ako sa ulo ko..

Huminto kami sa isang bakanteng lote..

At dito nya ako kinausap..

Kumuha muna sya ng alak na nasa cooler nya sa likod ng sasakyan, saka ibinato sa akin..

Kakaiba na 'to.. Iinom ehh..

"Chard.. si Frances.. Sya si Iska..."

"Si-sino??? Iska???"

"Oo.. sya ang babaeng nagpabago sa buhay ko" sabay inom ng alak..

"Te-teka... di ba si--- Celine.. Ano mo si Celine?"

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon