Chapter 44

58 2 0
                                    

Nanlaki ang mga mata ni Celine kay Steve..

"Anong pinagsasasabi mo Steve??"

"Tama na.. Hindi pa ba sapat na halos patayin mo na silang dalawa dahil sa pansarili mong kagustuhan.. Celine.. Hindi na ikaw yan!"

"Talagang hindi na ako 'to Steve.."

"Hindi na ikaw ang babaeng minahal ko.."

"Steve naniniwala ka talagang minahal kita??? Such a stupid guy!!! i didn't know na tinalaban ka ng karisma ko!!!" sabay tawa nya ng malakas

"Oo! Minahal kita.. Noon pa.. Bago pa man dumating sa buhay mo si Ralph!! Minahal kita... pero---"

"TAMA NA STEVE!! WALANG KWENTA YANG MGA SINASABI MO AT HINDI YAN ANG MAKAKAPIGIL SA AKIN PARA MAKAGANTI SA KANILA!!!"

sabi nya at nilabas nya ang baril at itinutok ito sa akin...

"Ce-Celine.. Wag..." pagmamakaawa ko sa kanya..

Nakita ko napatingin lang si Ralph at nagulat na aabot sa sukdulan ang galit sa amin ni Celine..

*BANG!!*

"Mga parak!!!" sabi ng mga tauhan ni Celine...

Nagsimula magputukan .. agad naman ako pinuntahan ni Ralph at tinanggal ang pagkaka gapos ko.. Inalalayan namin ang isa't isa pero mas inalalayan ko sya dahil alam ko halos hindi na sya makatayo dahil sa mga natamo nyang bugbog sa katawan..

Nagtago kami sa isang sulok habang naririnig namin nagpapalitan ng putok ang mga tauhan ni Celine at ang mga pulis..

Mabilis nakatakbo sila Celine dahil hinila sya ni Steve papalayo...

"Ralph.. kaya mo pa ba?? Bababa tayo.." tumanggo lang sya pero alam kong nahihirapan na sya..

Pag baba namin ay hindi namin inaasahan alna andoon si Chard at Leo..

Tinulungan nya kami.. si Chard kay Ralph at si Leo naman sa akin..

"May tama ka sa braso..." pagaalala ni Leo.. "Wala 'to daplis lang.. bilisan nyo ng makaalis na tayo sa lugar na 'to..."

Mabilis kami umalis pero bago pa man kami makalabas nagulat kami at nagaabang na si Celine at Steve sa daraanan namin..

"At nagbitbit pa kayo ng mga asungot! Ok lang.. damay damay na!!" sabi ni Celine habang nakatutok ang baril sa aming apat..

"Sinasabi ko na kasabwat ka nila" sabi ni Leo habang dinuduro si Steve..

Nakita ko ang mga mata ni Steve na tila gusto na nyang pigilan si Celine sa gagawin nito.. Ramdam ko na mahal na mahal nya si Celine..

"A-ano bang gusto mo!" nanghihinang sabi ni Ralph pero pinilit pa din nyang magsalita...

"Itigil mo na 'to Celine.. Tama na!!" sabi naman ni Chard habang nakaalalay kay Ralph..

Kumawala ako sa pagkakaalalay ni Leo..

"Ako.. Ako ang gusto mo hindi ba? Gusto mo ako mawala sa landas mo.. Para maangkin mo ang lahat pati na si Ralph.. pero ito lang ang sasabihin ko sa'yo.. Kahit patayin mo ko ngayon.. Hinding hindi mo mababago ang katotohanan na ako lang ang mahal nya at hindi ikaw!"

Halos hindi maipinta ang mukha ni Celine sa sinabi ko... Galit lungkot at pagka bigo ang nakikita ko.. Umiiyak sya sa galit..

"Oo! IKAW IKAW ANG PUNO'T DULO NG GALIT KO .. NGAYON... PAGBABAYARAN MO LAHAT LAHAT..!!!"

alam kong ipuputok na nya ang baril kaya naman pumikit ako...

narinig ko ang putok ng baril...

pero...naramdaman ko may yumakap sa akin...

Nang buksan ko ang mga mata ko...

Si....

LEO.....

Nakarinig na naman ako ng isa pang putok ng baril na dahilan para mapaupo ako mula sa pagkakatayo namin ni Leo..

Habang hawak hawak ko ang may tama ng baril na si Leo...

Nakita ko unti unti bumagsak si Celine at may tama ito sa dibdib.. Paglingon ko kung saan nanggaling ang putok.. Sa mga pulis na nasunod sa amin...

Ibinaling ko ang pansin ko kay Leo na may tama ng bala sa likuran nito...

"Leo.. Hold on Please..! Dadalin ka namin sa hospital ..." ramdam ko ang luha na unti unting pumapatak mula sa mga mata ko..

Hinawakan nya ang mukha ko.. At nakita ko na umubo sya ng may dugo..

"Leo...."

"Wag ka nga ... umiyak... ay-oko naki-kita kang.... umi-iyak... puma-panget ka.." pilit na ngumiti sya skin

"Kapit lang ha? Nandyan na un ambulansya..."

Biglang napasigaw si Chard mula sa likuran namin...

"RALPH GUMISING KA!!! RALPH!!!"

Ano bang nangyayari... ang dalawang taong mahal ko.. ang dalawang taong nag buwis ng buhay nila para sa akin.. nasa panganib ngayon..

Anong gagawin ko...

sa hospital

Parehong nasa operating room sila Leo at si Ralph..

Wala akong magawa kundi ang maghintay..

Nakaalalay naman sa akin si Chard.. Pumunta na din ang pamilya ni Leo dito at ang mga Inay..

1...

2...

3....

4....

5....

Limang oras na kami naghihintay pero bakit hindi pa lumalabas nag doctor..

6 na oras.

Sa wakas...

"Sino po ang pamilya ng mga pasyente?"

"Ka-kami po doc..." halos sabi naming lahat

"Tatapatin ko ho kayo.. Ang dalawa po ay nasa malubhang kalagayan.. Ang isa (si Leo) ay natanggalan na ho namin ng bala kung saan ito ay tumama sa kanyang baga..Napuno ng dugo ang baga niya kaya naman kailangan namin syang lagyan ng tubo upang mailabas lahat ng dugong naipon doon kung hindi ay mag cacardiac arrest ang pasyente na pwede niyang ikamatay.."

"Ang isa naman ho (si Ralph) ay inatake ng kanyang sakit sa puso.. Matagal ko na ho pasyente si Mr. Del Vasco at noon pa man ay pinagbilinan ko sya na huwag abusuhin ang katawan dahil baka hindi kayanin ng puso nya.. at ito pa ang maging dahilan ng pagkamatay nya.. Sa ngayon ho, hindi stable ang lagay nya dahil anytime pwede huminto ang tibok ng puso nya... Sa ngayon, ang tanging paraan na lamang para humaba ang buhay nya ay ang isnag heart transplant"

Ikinagulat ng lahat ang sinabi ng doctor..

Ako ay napaupo sa may gilid ng operating room.. dahil hindi ko matanggap na dahil sa akin.. maaring mawala ang isa sa kanila.. o ang masakit mawala sila pareho sa buhay ko...

*********************************

Itutuloy

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon