Ralph's POV
"Boss.. Nagdinner ka na ba?"
pag tatanong sa akin ni Chard.. Bagong sahod na naman kasi kaya alam ko may pinaplano nanaman sya!
"Busy ako!" salungat na sagot ko sa kanya..
"Boss.. ang labo mo!! Nagdinner ang tinatanong ko sasagutin mo ko ng busy ka!! Niyaya na ba kita?"
Aba! Sira ulo talaga 'toh.. Kundi lang kita buddy buddy, nasigawan na kita..
"Kung ayaw mo masigawan kita.. Umalis ka na.. kung may date ka.. wag mo na ako idamay!"
"Boss..(sabay upo sa upuan na nasa harapan ng table ko).. Ano ka ba!! Weekend naman!! Buong linggo na tayo nagtatrabaho.. Happy happy din pag may time..!!"
Tumahimik na lang ako.. Parang wala ako narinig..
"Boss , daig mo pa matandang binata nyan!! Ang KJ mo naman.."
konti na lang masasakpak ko na 'toh!
"Hindi ako iinom.."
"Sino ba may sabi na iinom tayo!! Yayayain lang kita kumain dyan ohh (tinuturo nya ang malapit na kainan sa opisina namin!).Bagong bukas yun! Tiyak madami promo.. Makakatipid tayo!! Lika na!!"
Hilig talaga nito sa mga ganoon.. Para lang makatipid.. Bilib talaga ko dito pagdating sa pagkain.. Lahat alam nya..
"Oh..sya,sige sige.. pero sandali lang tayo ha!" sabi ko naman habang inaayos ko na ang mga papeles ko sa table..
"Yes Boss!!" sabay saludo sa akin.. May tama talaga utak nito..
Lumabas na kami ng opisina.. Maganda nga ang lugar,refreshing..
Para ka lang nasa probinsya.. Mukha syang kubo pero kahit papaano ay may semento din..
"Welcome to Carinderia"
pagkabasa ko noon, may nahagip ang mga mata ko..
Bago ko pa sabihin kay Chard.. Napansin na pala nya...
"Boss .. sila yung ka-meeting natin noon di ba?"
Nakita ko sila Frances at Leo..
Bakit sila andito?
"I don't care.. Umorder ka na! Dami mo napapansin! Madami pa kong trabaho.." sabi ko sa kanya sabay kuha ng menu
May lumapit na babae sa amin palagay ko sya ang manager..
"Welcome to Carinderia,Opening po namin ngayon. May live band din po kami maya maya.." nakangiting sabi nya sa akin..
Tumango na lang ako at ngumiti din sa kanya..
"Ate.. Isang sisig.. 2 Kanin.. saka.. 1inihaw na pusit!" order ni Chard.. Akala mo namang hindi sya kumain ng 1 araw!!
"Maimpatcho ka sa inorder mo!!"
"Tsk! Inggit ka naman.. Ikaw kasi madaming bawal.. At isa pa nag gi-gym ka kasi.. tignan mo ko.. kain dito kain doon.. walang pinipili!"
"Maglubay ka dyan... (tumingin ako kay ate na kumukuha ng order) pasensya na po.. 1 rice at isang sizzling tenderloin"
"Ang sosyal naman umorder!! Try mo yung tokwa baboy nila , the best!!"
"Saka po isang tokwa baboy.."
sinunod ko na alok ng isang 'to baka kulitin pa ko..
"Wala pa ho kayong drinks,Sir"
biglang sumingit si Chard..
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...