ISKA'S POV
Dahil sa nangyari. Nagpasya muna ako humingi ng bakasyon kay Maam Eunice. Kahit ilang araw lang. Para naman mawala wala yun pagka badtrip ko sa magaling kong Amo. Hindi ko ma-take yun mga sinabi nya sa akin..
Hello!!! Virgin pa kaya ako noh!! Ano akala nya mabilis kong ibibigay ang pagkababae ko!! NO WAY!!
Nagimpake na ko at mabuti na lang pumayag si Maam Eunice.. Itinaon ko kasi Semestral break.. at alam ko hindi naman gaano lalabas sila Maam dahil ngayon uuwi ang Daddy nila.. Dito siya mag papasko kasama ang pamilya.. Kaya naman hiniling ko muna na magbakasyon kahit 1 Linggo lang.. Papalipasin ko na muna ang mga nangyari..
"Manang mauuna na ho ako.. Wag ho kayo masyado magpapagod ha! Yun vitamins po ninyo baka makalimutan ninyo..." pagbibilin ko sa Nanay nanayan kong si Manang Flor..
"Asus kung makapagbilin naman ito kala mo hindi na babalik..Halika nga payakap.. Mamimiss kitang bata ka!" paglalambing ni Manang sa akin..
"Haay nako Manang wag mo na ako paiyakin.. Ilang araw lang ako mawawala.. Alam nyo naman ho.. kailangan din naman makalimot ng pusong nasaktan!"
"Ano kamo? puso?? Bakit? Mahal mo ba si Sir Ralph??" pagtatanong ni Manang sa akin.."Nako Manang.. Hindi ho!! Ibig ko ho sabihin lahat naman ho tayo may hangganan ang pasensya.. may puso tayo.. nasasaktan din.. tao lang.. ganoon lang Manang.. Anong mahal mahal kayo dyan.." pagkakaila ko kay Manang...
Mahal?? Hindi ako magmamahal nang isang walang modo katulad ni Sir Ralph.. Parang walang puso..
Umalis na ako ng maaga aga ng hindi na ako makita ng kambal.. Baka kung ano pa tanungin ng mga yon sa akin..
Inihatid ako ni Manong Edy sa terminal.. Medyo trapik kahit na maaga na kami umalis ng bahay.. Week days kasi.. pero okay lang.. hindi naman ako masyado nagmamadali.. kanina lang un para hindi ako abutan ng mga bata.. at ng Sir ko na antipatiko.. Maaga papasok yun dahil alam ko na sa bahay sya mangagaling papunta trabaho at saka uuwi sa Condo after work..
Haay nakoo ayoko na sya isipin.. Bahala na sya sa buhay nya.. Tutal ayaw din naman nya ng pinakikialaman saka tulad ng sabi nya KATULONG NYA LANG AKO.. ano nga ba karapatan ko na kwestyunin sya di ba?!
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa paguwi ko.. Excited na ako makita sila Inay.. Hindi nila inaasahan ang pag uwi ko.. Saktong sakto at piyesta ng lugar namin sa makalawa!
text messaged received
Leo : iska. uuwi ako ngayon .. makikipyesta ako sa atin. Sayang at hindi ka makakarating.. Magluluto pa naman ng masasarap na kakanin si Inay..
Iska : Leo. hello. Uuwi ako.. nagpaalam ako kay Maam at pinayagan naman nya ako.. Papunta na ako sa terminal ng bus ngayon.. Kita na lang tayo sa Baryo..
Leo : Talaga Iska?? Saktong Sakto pala.. Nasa terminal na ako.. Hintayin na kita ng sabay tayo makauwi..
Iska : Sige Leo malapit na ako
Matapos namin magusap sa text ni Leo ay nakita ko nga sya naghihintay sa may terminal ng bus..
"Manong.. dito na lang ho.. Magiingat ho kayo pabalik ng bahay.." saka ko bumaba at isinara ang pintuan ng sasakyan..
Kinawayan ko si Leo at nakita naman nya ako.. Inabot nya ang dala dala kong bag at isinakay na sa bus..
Mabuti at umabot kami sa first trip ng bus..
RALPH'S POV
Maaga ako gumayak dahil maaga ang meeting ko ngayon.. Unang araw.. Lunes.. sana maging maganda ang week na ito..
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...