Chapter 9

142 1 0
                                    

"AAAAHHHHHHHH!!!" sigaw ko at bigla ako nagising...

Biglang pasok naman ng Inay at ni Bernard sa kwarto ko

"Bakit ate??" sabi n Bernard sa akin...

"Inay nanaginip ako. Bumalik daw si Ralph dito.. ung... ung amo ko... "

Napangiti na lang ang Inay... at si Bernard naman ay napasandal sa pintuan ng kwarto ko...

"Ate naman akala ko kung napaano ka na dyan!!! Kumain na nga tayo.. Masarap ang almusal!"

at bumaba na nga kami...

Ang BANGOOOOO!!!!

sabi ko sa isip ko habang inaamoy sa hangin ang masarap na amoy ng pagkaing naamoy ko

"Inay .. ang bango naman ng-----"

napatigil ako sa pagsasalita ko ng makita ko si Ralph na nagaayos ng lamesa at naka --- pambahay????

"Kain na tayo???" pag anyaya nya sa akin..

Sunny side up na itlog.

Hotdogs (yes naman may 'S' talaga dahila ang dami).

Tinapay.

Fried rice na may mixed vegetables.

Longganisa.

Ang dami ng nasa lamesa. ano 'toh fiesta???

"Wow!!!" sabi ng dalawa kong kapatid na parang ngayon lang nakakita ng ganito klaseng almusal.. pwes.. Oo nga.. ngayon lang kasi ang lagi namin almusal ay tuyo at gatas ng kalabaw.

Natahimik ako habang kumakain kami..

"Ang sarap mo pala magluto Ijo.." bati ng aking tatay sa luto ni Ralph

"I-ikaw ang naghanda ng lahat ng 'toh?" pagkakasabi ko sa kanya with nagtatakang-mukha looks

"Oo.. bilib ka na? Sabi ko sayo.. 'YOU'LL SEE" at naalala ko un time na yun..Oo nga.. masarap nga sya magluto..

"Sa totoo lang Ijo.. ngayon lang kami nakakain ng ganito klase ng almusal. kaya naman manghangang mangha ang dalawa kong anak ng makita nila punong puno ang lamesa namin" nahihiyang paliwanag ng Inay sa kanya

Tahimik lang sya at alam ko tumitingin sya sa akin ng palihim

"Kuya.. ay este Sir...!!!" sabi ni Bernard sa kanya

"Kuya Ralph na lang" nakangiti nyang sabi

"Kuya Ralph... ang sarap po ng luto nyo.. Alam nyo po.. Napaka dalang po namin kasi makakain ng ganito.. Madalas po .. Tuyo lang ulam namin.. Minsan lugaw pag may kaning lamig.." nakayukong sabi ni Bernard na tila nahihiya..

Hindi kami sanay sa ganitong klase ng putahe lalo na pag pagkain lang sa umaga..

Te-ka nga pala sino saan at paano nakabili ng ganito sila Inay? Wala nman kaming pera... pang maghapong ulam na namin un niluto nya!!!

"Inay. Saan kayo kumuha ng pera pambili nito?" pabulong na sabi ko sa Inay

Napatingin sya kay Ralph..

"Inay naman!" napatayo ako bigla sa kinauupuan ko at lumabas ng bahay namin.. Alam ko susundan ako ng Inay..

Nang makasalubong ko si Leo na may dalang gatas ng kalabaw.. magsasalita na sana sya ng nilagpasan ko sya at tuloy tuloy ako lumabas..

Feeling ko .. lulubog ako sa kahihiyan..

Nasa may bakuran lang ako..

"Francisca..." alam ko sya lang ang tumatawag sa buo kong pangalan..

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon