1 Linggo na ang nakakalipas ng sumalanta ang Bagyong Tony.
1 Linggo na din simula ng hindi kami nagkikita ni Sir Ralph simula nang nangyari sa bahay.. hindi namin napaguusapan iyon.. .. Busy sya sa Opisina at madalas ay hindi na sya umuuwi dito sa Condo.. Madalas ay tumatawag si Maam Eunice pero hindi nya naaabutan na andito si Sir Ralph..
12mn na.. Lumabas ako para magCR ng makita ko si Sir Ralph na nakahiga sa couch..
Parang pagod na pagod sya.. May hinahabol yata syang papeles na kailangan maisaayos bago matapos ang buwan..
Naka damit pa rin sya na pang opisina.. Iniayos ko ang higa nya.. At inalis ko ang sapatos na suot suot nya.. Inalis ko din ang coat nya at necktie..
"Celine..."
pabulong na tawag nya .. napatigil ako dahil akala nya ako si Celine.. May kumurot sa dibdib ko.. Napalunok na lang ako at patuloy na lang inalis ang mga hawak hawak pa nyang papeles..
Kinuha ko ang kumot nya at unan.. Para maging komportable sya sa pagkakatulog nya..
KINAUMAGAHAN...
Araw ng sabado..
Pagkagising na pagkagising ko ay wala si Sir..
Naiwanan naman na nakaayos ang kumot at unan..
May Note pa syang iniwanan..
"Salamat ... From : Ralph"
Hindi Sir???.. Ralph lang talaga??..
Napangiti naman ako ng makita ko iyon.. Tinago ko at idinikit sa may ulunan ng kama ko..
Word of appreciation.. pwede itabi ito.. remembrance na minsan naging mabait sa akin ang masungit kong amo..
Aba may luto pang pagkain sa lamesa...
Kakain na sana ako ng may mag doorbell..
Pagkita ko ay si Maam Celine.. Bakit sya andito??
"Good Morning Maam... Wala po si Sir Ralph.. Maaga po sya umalis.." pag bati ko kay Maam Celine..
"Kararating ko lang,mukhang gusto mo na ako paalisin.." sagot nya habang tinitignan nya ko mula ulo hanggang paa...
"Hindi naman po sa ganoon Maam.. Kaya lang po sya lang naman po ang pinunta nyo dito hindi po ba??"
Pagtatanong ko habang inaayos ko ang sarili ko.. Naconcious ako sa itsura ko ng tignan nya ko mula ulo hanggang paa ...
"Ikaw ang pinunta ko dito.. Ambisyosa ka din noh?! Palagay mo nababagay kayo ni Ralph?.."
"Maam mukhang nagkakamali po ata kay---"
"Shut up!! Alam ko nilalandi mo ang boyfriend ko.. kaya hanggang ngayon hindi nya ako binabalikan.. Alam ko din na pera lang ang habol.mo sa kanya..Alam ko kung gaano kahirap ang pamilya nyo..
Nag init ang punong tenga ko ng idinamay nya ang pamilya ko dito..
"Maam wag nyo naman po sana idamay pati ang pamilya ko dito. Wala naman po sila kinalaman sa paghihiwalay ninyo ni Sir Ralph"
"Aba at sumasagot ka pa ha!" sabay sabunot nya sa akin.. "Ano akala mo.. magpapatalo ako sayo? pwedeng pwede kong sirain ang buhay mo sa isang iglap lang!!"
wala ako magawa kundi ang pigilan sya.. kinakalmot nya ako.. halos mawala na ng buhok ang anit ko..
"Maam tama na po!!" sigaw ko ...
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...