Leo's POV
Simula ng umamin ako sa nararamdaman ko sa kanya, nangyari na ang kinakatakutan ko..
Naging cold na sya sa akin..
Halos hindi na din kami naguusap sa loob ng opisina..
Kung kaya ko lang ibalik ang oras, siguro hindi ko na lang inamin sa kanya..
Siguro ganito din ang naramdaman ni Ralph, kaya hindi nya inamin na mahal nya si Iska.. Pero ako? Kahit alam ko na maraming magbabago, I took the risk..
Atleast ngayon, wala na akong tinatago sa kanya..
Habang nag ka-kape ako.. Nakita kong bumaba sa kotse ni Steve si Iska..
teka? NI STEVE? bakit sila magkasabay?
Dali dali ako naglakad.. Patay malisya..
"Good Morning Sir Leo.." pagbati ni Steve ng mapadaan ako kanya..
"Go-good Morning..." sabay ngisi na may kasamang bakit-kayo-magkasama look..
kakamayan pa sana ni Steve si Iska ng hinarang ko ang kamay nya at ako ang humawak sabay sabi "Sa-salamat din.. Wag mo na uulitin ha?" Grabe naman ata ako doon..
"Po?"
"sabi ko, sa UULITIN !" sabay bigay ng sarcastic smile..
"Leo!!" pabulong na sabi ni Iska pero hindi ko na lang pinansin..
Pumasok na kami sa loob ng building at sinabayan ko sya papasok ng opisina..
"Leo, nadaanan nya lang ako kaninang papasok,dahil nasira na naman ang kotse ko."
hindi ako kumikibo..
"Leo naman kausapin mo nga ako!"
Lq sila Maam..
Baka nagkatampuhan..
Kaya siguro hindi sila palagi magkasabay ni Sir Leo
Haaay sana magbati na sila bagay na bagay pa naman sila
Mga tsismosa talaga!
Nag pout si Iska sabay talikod sa akin ng dumating na kami sa may opisina nya..
"Nag seselos ako ,pag may ibang lalaking umaaligid sa'yo" sabi ko sabay alis dahil alam ko haharap sya para magtanong.. Medyo nabigla din ako sa nasabi ko..
Nakita ko (peripheral view) na napatigil sya sa sinabi ko..
Halata naman kinikilig ang mga staff nya sa sinabi ko.. Nagngingitian at ang iba ay nagbulungan..
Hindi ako marunong manligaw.. Basta gusto ko i-express kung ano sinasabi at nilalaman ng puso ko..
Siguro mas importante yun kaysa sa mga tsokolate at bulaklak..
Buong araw hindi ko na nakita si Iska.. Si Steve naman ang sya pinamamahala ko sa mga dapat gawin pa sa opisina.. Mukhang naging master na din nya ang mga dapat nyang gawin bago pa man sya mag isang buwan sa trabaho..
Paalis na ako ng opisina ng biglang namatay ang lahat ng ilaw..
Black out?
Tinawagan ko ang security para icheck pero hindi sila sumasagot..
Si... Si Iska...
Bigla ko sya naalala.. Alam ko hindi pa sya umuuwi ng ganitong oras..
Hindi ko sya makontak.. Pati ang CP nya..
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...