Leo's POV
Hindi ko alam kung paano ko sya iko-comfort about sa nangyari..
Parang hindi yata naging mabuti ang paguwi nya dito.. Nagulo na naman ang buhay nya..
Naisipan ko tumawag kila Tito George sa ibang bansa..
And I opened everything to them.. Alam din naman nila simula't sapol ang mga nangyari kay Iska.. Para na nilang anak ito..
And as much as they wanted na pabalikin si Iska.. Naisip naman nila ang Pamilya nito.. They just gave me a piece of advise to let Iska have her vacation for a while.. And during her vacation.. Doon namin sisimulan ang imbestigasyon sa nangyaring insidente..
No one will know her vacation leave.. We will just make a drama na may sakit sya kaya hindi sya makakapasok..
I arranged everything for her..
Sa Baler,Aurora.. A place wherein she can reflect and have sometime for herself.. Gustuhin ko man sya samahan.. Mas magiging okay na mapag isa sya.. at alam ko na yun din ang gusto nya..
I contacted Iska,and asked her to meet me sa paborito naming kainan.. sa Carinderia..
"Order na po kayo?"
"Umm. 2 rice.. Isang sinigang na hipon and isang chopseuy.. May gusto ka pa ba ,Iska?" pagtatanong ko sa kanya.. at umiling naman sya..
Tahimik lang sya at alam ko na iniisip pa din nya ang mga nangyari.. Hindi pa din humuhupa ang mga usap usapan sa kompanya,kaya naman apektadong apektado sya.. Pina cancel nya lahat ng mga meetings nya dahil sa nangyari.. Dinahilan nya na she will be out of the country for sometimes.. Parang sumasang ayon nga sa plano ko..
"Here..." at inabot ko sa kanya ang hotel reservation and tour package for 2 weeks in Baler,Aurora..
"A-ano 'to?" at binuksan nya nag sobre.. "Vacation for 2 weeks?"
"Oo.. Alam ko kasi na kailangan mo 'yan.."
"Hu-h.. umm thank you pero hindi ko matatanggap 'yan.." sabay abot sa akin ng sobre
"Alam ko magagalit ka,pero.. sila Tito George ang nag suggest nyan.."
"You told them? Leo naman!!"
"Sorry Iska.. They have the right to know.. The company is in your hands and alam ko minomonitor din ni Tito kung ano man ang nangyayari sa kompanya nya.. May karapatan sya malaman.."
Natahimik sya sa sinabi ko..
Alam ko nahihiya sya dahil dinadala nya sa loob ng kompanya ang personal nyang problema..
"Leo.. I'm sorry.. Hindi ko na din alam kasi kung paano ko pa lilinisin ang pangalan ko sa kabila ng nangyari.. Halos ako na ang usapan sa loob at labas ng kompanya.." nangingilid ang luha nya..
Hinawakan ko ang kamay nya..
"Lahat gagawin ko.. para sa'yo.. Basta palagi mo lang tatandaan.. Nandito ako.. at mahal na mahal kita"
"Leo.. Hindi ka mahirap mahalin.. You are an ideal man..Mahalaga ka sa akin.. Pero, sa ngayon.. hindi ko pa kaya suklian ang binibigay mong pagmamahal."
"Hindi ako humihingi ng kapalit,hayaan mo lang mahalin kita.. Protektahan at alagaan.. Nandito lang ako Iska.. Naghihintay hanggang sa kaya mo na ulit magmahal.."
"Salamat Leo.." at niyakap nga ako..
Okay na sa akin 'yon.. Okay na ang mga binitiwan nyang salita.. Sapat na sa akin 'yon para masabi ko na kahit papaano napapansin nya ang mga ginagawa ko para sa kanya.. Na may halaga din ako sa kanya..
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...