Chard's POV
"Anak ... ayos ka lang ba?" pagaalala ng Dad ni Ralph sa kanya..
"Opo..kayo po ng Mom?" tanong ni Ralph
Tumango naman sila...
"Anak.. puntahan nyo si Francisca.. Baka saktan sya ni Celine.. Magmadali kayo!!" utos ni Tito Dave..
"Halika na Ralph.. Baka mahuli tayo!!!" pag yaya ko sa kanya..
Dali dali kami sumakay sa kotse at pinuntahan sila Francisca sa bahay nila pero wala daw sya doon.. Binilinan namin ang lahat sa kanila na wag magpapapasok ng kahit sino maliban sa mga taong kakilala talaga nila.. Mahirap na baka ang pamilya nya ang balingan ni Celine..
"Nasaan sya? Hindi sya sumasagot sa mobile..." sinusubukan ni Ralph na tawagan si Iska pero hindi sya sumasagot nagsimula na kami mag alala..
"Si Leo!!! Baka magkasama sila!!!" sabi ko kay Ralph.. Nagdadalawang isip pa ito na tawagan si Leo pero pinilit ko na sya "Ano ba Ralph.. Oras ang hinahabol natin!!! Wag mo muna pairalin yang selos mo!!"
Tinawagan nya si Leo..
"Chard.. Bakit?"
"Si,,,si Ralph to.. Kasama mo ba si Francisca?"
"Ha-h?? Hindi kakaalis lang nya ng bahay...Bakit?"
"Kailangan ko sya makausap..."
Tangina naman ni Ralph.. Life and death situation .. di pa diretsuhin si Leo.. Hinablot ko ang celphone kay Ralph..
"Hello Leo makinig ka.. Si Chard 'to!! Magkasama kami ni Ralph.. Si Celine.. may pinaplano syang masama kay Francisca kaya kailangan namin sya makita!!! Kung kakaalis lang nya baka mahabol mo pa sya wag mo sya paalisin sa tabi mo!!!"
"Ano!!!! Sige hahanapin ko na sya!!!"
"Iupdate mo kami pag kasama mo na sya!"
Saka ko binaba ang telepono.
"Ralph.. Ano ba!!! Wag mo muna ilabas ang issue sa inyo ni Leo.."
"Pasensya na.. Hindi ko napigilan.. Di ko talaga makuhang kausapin sya matapos ang mga nangyari saming tatlo"
Hindi ko naman sya masisisi...
makalipas ang ilang minuto.. paikot ikot kami para matyempuhan ang sasakyan ni Francisca.. Nang biglang tumawag si Leo..
"Leo ano balita?"
"Chard.. Hindi ko inabutan si Iska! Hindi ko din makontak ang # nya..."
"Wala pang 24 hours di pa natin ppwede ireport sa pulis ang pagkawala nya.."
Binaba ko ang phone at tinatawagan pa din namin ang mobile ni Iska..
"Wait Chard... Ihinto mo ang sasakyan!" pag sabi ni Ralph ay nagtaka ako kung bakit pinatitigil nya ako..
"Kotse ni Iska yun,di ba?!" mabilis na tinabi ko ang sasakyan at ipinarada malapit sa kinaroroonan ng sasakyan ni Iska..
Pero pag baba namin at syang pag check sa sasakyan nya.. WALA SI ISKA! gulo gulo ang loob ng kotse..
Pero may nahagip ang mata ko ang celphone ni Iska sa ilalim ng driver's seat..
"Please help me"
she is about to send it to....
RALPH????
"Bro... ikaw ang hinihingan nya ng tulong..."
Hindi maalis ang tingin ni Ralph sa message na hindi na naisend ni Iska sa kanya,at ang ikinagulat namin... May bahid ng dugo ang celphone nya...
"Chard...May nangyaring masama sa kanya...."
Nagtanong tanong kami sa mga kalapit na bahay at mga tindahan sa lugar..Wala makapagsabi sa amin kung ano ang nangyari.. nang may lumapit sa amin na nagtitinda ng balot...
"Sir..Nakita ko ho kanina may binubuhat na babae papalabas ng kotse na yan.. 3 lalaki ho ang bumuhat sa kanya.. May tama nga ho ng baril ang babae.."
Kaya siguro may bahid ng dugo ang celphone nya dahil nagbalak pa itong imessage at ipaalam kay Ralph kung nasaan sya...
Napakuyom ng kamao si Ralph at kitang kita ko ang galit sa mga mata nya...
"Pare.. Chill ka lang makakasama sa'yo 'to..." hindi sya kumikibo nagpasalamat kami sa nagbigay ng impormasyon at inabutan sya ng 5,000... pero hindi naman nyabito tinanggap..
Umalis kami nang may tumawag kay Ralph..
"Ano Ralph? Litong Lito ka na ba sa paghahanap sa Prinsesa mo???"
"CELINE WAG MO IDAMAY SI ISKA!"
"Dahil sa babaeng ito... Hindi ka na muling babalik sa akin...Dahil sa kanya nasira ang buhay ko..."
"Nasaan siya!!! Nasaan SIYA CELINE!!!" sumisigaw na si Ralph sa sobrang pagaalala kay Iska..
Ralph wag mo syang pakinggan okay lang -----
"Ano Ralph... Narinig mo ba ang Prinsesa mo? Ayaw ka pa nya mapahamak... nakakakilig naman kayong dalawa!!!"
Ralph. Makinig ka.. Wag ka susunod dito madami sila mapapahamak ka. Please wag ka-----
Bakit napuputol sya magsalita ano bang ginagawa ni Celine
"Konti na lang.. Makikita mo ng bangkay ang Prinsesa mo.. Ang hirap pa naman huminga sa tubig..!!"
"TIGILAN MO NA 'TOH CELINE! WALA SYANG KINALAMAN DITO!!!!"
Pinatay ni Celine ang telepono...
"CELIIIIINNNE!!!!!" sigaw ni Ralph sa loob ng sasakyan...
"Bestfriend..."
"Hahanapin ko sya.. Kahit na itaob ko ang buong mundo makita ko lang sya!!!"
Nag beep ang phone ni Ralph
sa dating slauter house na pagmamay ari ng mga Del Vasco may abandonadong building,nandoon si Francisca kung gusto mo pa sya maabutang buhay wag na wag ka magsusumbong sa pulis at IKAW LANG ANG GUSTO KO MAKITA!!
From : unknown number
********************************
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...