Chapter 8

145 1 0
                                    

Ang bilis ng tibok ng puso ko...

Lahat kami andito sa conference room ng pamilya..

Manong Edy.. Ako.. Manang Flor..

Ang kambal.. Si Sir Ralph.. Si Maam Eunice at Si Sir Dave..

"Sinadya ko na malaman ninyo lahat ang naging desisyon namin mag asawa.. kailangan ng Sir ninyo ng mas tutok na pag ttherapy.. Hindi nya nakukuha iyon dito sa Pilipinas.. kaya naman naisipan namin na.. sa ibang bansa na sya ipagamot.. Mas mapapadali ang paggaling nya doon.."

Nagulat kami sa desisyon iyon ni Maam Eunice..

"Paano po ang kambal??" pagtatanong ni Manang Flor..

"Manang kaya ko kayo isinama sa usapan na ito dahil.. balak ko isama ang kambal..at ikaw, manang flor para magalaga sa kambal.."

Hindi na nakasagot si Manang Flor dahil napamahal na sa kanya ang kambal. alam naman natin na hinahanap hanap nya ang anak nya kaya naman naituon na nya ang pagmamahal nya sa dalawa..

"At ikaw bilang panganay , Ralph.. ikaw ang hahawak ng kompanya.. ikaw ang mangangasiwa sa lahat na dapat asikasuhin ng Dad mo.. Sana sa ganitong paraan ay makabawi ka naman sa kanya" tila masama pa din ang loob ni Maam Eunice kay Sir Ralph..

Hindi na ito kumibo.. Tahimik at nagiisip.. Tinitignan nya lang ang Dad nya.. at batid ko na ayaw nya mapalayo muli ang magulang nya sa kanya..

"Iska.. Alam ko alam mo kung ano ang mga binilin ko sayo noon.. Sana ay mas asahan kita sa pagkakataong ito.. Ikaw na ang bahala muna sa bahay.. gayon na din sa anak kong si Ralph.." napalunok ako sa sinabi ni Maam Eunice..

at nagkatinginan kami ni Sir Ralph...

Shit naman oh!!! kung kailan naman talaga kailangan umiwas.. !! pagkakataon naman ang naglalapit sa amin..

"Manong Edy.. ikaw na bahala sa bahay.. sa garden .. pati na din sa pagpapanatili ng security.. Tumawag na ako ng 2 Guard na maari nyo makasama.. Ang mga sasakyan alam mo na ang dapat mong gawin.." pagbinilin ni Maam kay Manong Edy..

"Bukas na ang flight namin.. Sana ay maasahan ko ang lahat sa pagkakataong ito.."

Papalabas na sila Maam ng conference room ng biglang hawakan ni Sir Dave ang kamay ko.. Kamay nya na hindi naman naapektuhan ng pagkaka stroke nya.. Para bang sinasabi nya sa akin na "AASAHAN KO AALAGAAN MO ANG ANAK KO TULAD NG PAGAALAGA MO SA AKIN"

Kinabukasan...

Inihatid na ni Manong Edy sila Sir Dave sa Airport..

At sigurado sa mga oras na ito ay nasa eroplano na sila...

Nakakabingi ang katahimikan sa Mansion..

Nakakapanibago..

Hindi ko na nakita si Sir Ralph pagkatapos umalis kasabay nila Maam Eunice..

Uuwi kaya sya dito pagkatapos nya sa opisina?

O baka sa condo?

Hindi ko pala nakuha ang number nya para kahit papaano ay makausap ko sya kung uuwi ba sya o hindi..

Tinignan ko ang directory namin sa bahay at nakita ko ang number ng opisina nila..

Tatawagan ko lang sya.. gabi na kasi.. hindi ko alam kung dito ba sya uuwi o hindi..

*Ring Ring****

*He-hello???

Yes hello..

(ang ganda ng boses ni Sir sa phone!! Shemai!!!)

Hello??

*Ahm Si-Sir.. si- Iska po ito.. ahm dito po ba kayo kakain ?

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon