Bonfire
Ang daming tao..
Lumakad lakad lang ako.. Plano ko kasi sa may gilid na lang ako.. Para madali lang din nya ako makita kung sakali..
Hindi na kasi sya nagmessage mula kanina..
May nagsasayaw at may mga nagkakainan din sa amy gilid ng bonfire..
May stage na ginawa sila.. I think may live show mamaya.. (not the sexy type na show na iniisip nyo readers)
Ladies and Gentleman...
Nagsasalita na ang Emcee ng show.. dali dali ako pumunta malapit sa may stage..
Nakita ko sya nakaupo sa harapan.. Bakit di man lang nya sinabi sa akin na dito kami uupo.. (assuming ako!)
Excuse me
Excuse me
Ano ba 'yan.. siksikan na nga may nakikiraan pa..
Teka ... parang kilala ko 'yun nagdaan ahh...
Pero... bakit naman sya mapupunta dito..
Lumapit sya kay Ralph at umupo sa tabi nito.. SYA NGA! Si CELINE..
Pero bago pa ako umalis.. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang tingin namin..
Nabigla ako ng nagsalita sya "Iska???"
sa paglalakad ko paalis ng show.. Ayoko magkita kami sa ganitong sitwasyon.. hindi ko namalayan na nasundan na pala nya ako.. at mas kinabigla ko.. kasama sya ni Ralph..
Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero parang punagtaksilan ako ni Ralph..
Hindi kayo ,okay???
"Hi Iska..." nakangiting bati nya. Ano sumapi dito at feeling ko may anghel...
"He-hello..." pagbati ko naman bilang respeto ...
"So. Your here pala.. Kailan ka pa nasa Pilipinas?"
"Ahhh.. matagal na din.. May business kami minamanage ko.. .. ikaw?"
Lumapad naman ang ngiti nya at tumingin kay Ralph then tumingin sa akin ulit...
"Ohh really.. Big time ka na pala.. magka level na kayo ni Ralph.."Hindi pa din nagbabago!!!
"Ohh.. by the way... Here.. please come hah?" at may inabot syang parang invitation sa akin..
"Ralph and Celine's Engagement"
Napatulala ako...
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko...Kailangan makita nya na hindi na ako apektado.. Pati na din ni Ralph na sinungaling..
"Celine!!!" pabulong pero may autoridad na pagsasabi ni Ralph nang mapatingin sya kay Celine ng iabot ang sobre..
"Baby.. there's no reason para hindi sya umattend.. di ba,Francisca??..Hindi sya naka attend noon dahil sa nangyari pero past is past.. am i right,Francisca??"
Talagang -----
"I hope.. we can now be FRIENDS"
ano daw??? Nahihibang na ba sya..? Kanina invitation... Ngayon pakikipagkaibigan...???
Un totoo.. Prank ba 'To??
Tsh,!
Umalis bigla si Ralph.. at halata ko sa kanya ang pagka inis sa ginagawa ni Celine..
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...