Chapter 41

46 1 0
                                    

Leo's POV

Nakauwi na ako ng bahay sa tulong na din ni Iska.. Buti at isang gabi lang ako na admit.. Ayoko sa hospital.. parang preso... May TV nga.. pero nakahiga ka pa din.. May nakatusok pa sayo na dextrose na kahit saan kasa-kasama mo!!

Pero ang sarap pala alagaan ng taong mahal mo.. inaalala ka nya at higit sa lahat, nandyan sya para sa'yo...

Nasa Condo lang ako nagpapahinga ng may nag doorbell..

Pinagbuksan iyon ng kasama ko sa bahay na si Manang Helen..(kamaganak namin na taga Baryo Masagana din)

"Sir.. Si Iska po!"

Wow! Hindi pa pala tapos ang duty ng mahal ko...

"Ohh.. pinagdala kitang prutas para mabilis ka makarecover.. Hinahanap ka na ng staffs mo.." nakangiting sabi nya..

"Ikaw? Di mo ba ko namimiss?"
Napatingin na lang sya sa akin at ngumiti..

Kung nakakamatay ang ngiti ni Iska baka kanina pa ko duguan dito..

"Kumain ka na lang.. ipagluluto kita ng sopas..." ... sopas?? Teka...???

"Hindi ako si Ralph..." malungkot na sabi ko sabay bukas ng TV..

Lumapit sya sa akin..

"Hoy! Leo.. wag ka nga umarte ng ganyan.. Sya lang ba pwede kumain ng sopas? Saka di ba kinakain mo naman talaga yun?"

"Oo.  Noon.. Ngayon,Hindi na...!" pagdadabog ko.. Tsk para kong bata ahhh... Ano to selos???

"Seselos ka??"
ahh nangaasar ka pa talaga..

"Hindi noh!!"

"Whooooh Selos.. Selos...!"

"OO NA!!!" napalakas ata ang sigaw ko dahil nagulat sya..

"So-sorry.. Hindi ko naman intensyon na pagalitin ka.. Bakit ba kasi kailangan mo pa magselos!!!" naiinis na ang isnag 'to.. Nakakunot na noo at tumalikod sa akin sabay naghihiwa ng carrots..

"Ayoko lang na pag may ginagawa kang isang bagay.. sya ang maaalala mo.. Nasasaktan ako Iska.. Masakit sa akin na naaalala mo pa din ang nag iisang taong nanakit sayo.. Na naaalala pa din ng taong mahal ko ang taong mahal nya na walang ginawa kundi ang saktan sya.."

Natahimik sya.. Alam ko na kahit hindi nya sabihin.. si Ralph pa din hanggang ngayon ang nilalaman ng puso nya..

"Iska.. give me a chance to prove to you.. that you are worth fighting for" napatingin sya sa akin.. at ngumiti sya..

"Ayokong umasa Leo.. Baka masaktan na naman ako.. Takot na takot ako sumubok Leo dahil sa mga nangyari sa akin.. Natatakot ako na baka pag nagmahal ako ulit, hindi naman din ako makakaramdam ng pagmamahal na nararapat para sa akin.. Natatakot ako magmahal ulit.. pero dahil sayo.. susubukan ko ulit buksan ang puso ko.."

Bigla ako napayakap kay Iska dahil sa sinabi nyang iyon..

Kumalas sya sa pagkakayakap at...

"Wag mo sana asahan na maibibigay ko lahat lahat sa'yo.. Let's take it slowly.. Wag natin madaliin ang lahat.." sabi nya nang nakangiti sa akin..

"Masaya ako.. Masaya ako sa pagakakataong binigay mo Iska.. Salamat.. Hindi ka magsisisi.. Sana pagtiwalaan mo lang ako..."

at niyakap ko sya ulit..

Ang saya ng araw ko ngayon ..

Iska.. hindi ka magsisisi sa ginawa mong desisyon..

Mamahalin kita higit pa sa inaakala mo..

Celine's POV

Ilang araw na ng magkaharap harap kami ng nga Del Vasco..

Pinaplano ko puntahan ang pamilya ni Ralph dahil alam ko hindi nya papabayaan na masaktan ang pamilyang kinalakihan nya..

Flashback

"Oohhh!! well well.." sabi ko habang pumapalakpak ako papalapit sa kanila..

"Celine...!" gulat na gulat si Ralph nang makita nya ako.. parang preso na tumakas mula sa kulungan ang pagmumukha nya..

"Oh Baby .. Your Here.. at alam ko sinabi na sayo ng magaling mong Ama ang buong katotohanan!" pinanlisikan ko ng mata si Dave Del Vasco...

"Celine.. Sya ang Ama mo kaya wag mo syang kausapin ng ganyan!!" pagsigaw naman ng magaling na asawa nya..

"Oooh ang mangaagaw ng pamilya.. sumasabat!!!"

"Celine.. Sumosobra ka na!" pag babawal ni Dave sa akin..

"Hindi pa ako nagsisimula Dave.. Kaya hindi pa ako sumosobra.. Patikim pa lang ang lahat Ralph!!!" nagagalit na ako dahil nasira nag mga pinaplano ko..

Inilabas ko ang baril sa loob ng bag ko.. at mabilis naman lumapit si Ralph kila Dave at Eunice..

"Tignan mo nga naman.. Ang ampon.. Sya pang magpapaka bayani!! Hanggang sa huli.. talagang kinukuha mo ang lahat.. pati ang simpatya ng lahat!!!"

"Itigil mo na yan Celine.. Maawa ka kay Dad.. May sakit sya sa puso.. Maawa ka Celine.. Bitawan mo ang baril!!" pakiusap sa akin ni Ralph..

"Maawa??? Ako??? Nuon bang kami ang nahirapan.. Inintindi ba kami ng magaling mong AMA!!" at tinignan ko sya.

"Hindi ko sinasadya anak. patawarin mo ako" nakikiusap na sabi ni Dave..

Ang dadrama nyo!! Mga buset!!

Nagpaputok ako ng isa..pataaas..masyadong mabilis ang paghihirap nila pag tinuluyan ko sila..

"Ano Ralph!!???"

"Ano bang gusto mo? ito?(tinuro nya ang buo bahay..).. ang kompanya.. pera? Ano sabihin mo lang Celine. ibibigay namin.. Wag mo lang saktan ang pamilya ko.."

Para ko sinaksak paulit ulit ng sabihin nyang PAMILYA NYA...

Ako dapat ang nasa posisyon nya ngayon...!!! Ako dapat..

Naiiyak ako sa galit ko sa kanila..

"Ralph.. Lahat lahat ng na sa'yo.. dapat lahat yan ay para sa akin..!! Kaya sinasabi ko sa inyong lahat..!!
Kayo ni Francisca ang sumira ng buhay ko!!!"

"Celine please wag mo idamay si Francisca! Nakikiusap ako sa'yo wag mo sya sasaktan! Ako na lang.. di ba sa akin ka naman galit.. ako na lang...." pakikiusap nya sa akin..

Umalis ako .. at hindi na sya pinakinggan.. Hindi kita makukuha Ralph kundi ko gagamitin si Iska.. Kaya kahit wala syang kinalaman dito may kasalanan sya dahil minahal nya ang nagiisang lalaking minahal ko ng totoo..

End of Flashback

Ang pagkakamali lang ninyo.. Winasak nyo ako.. Sinira nyo ang buhay ko.. Nawala na ang dating Celine na kaya pang magpatawad.. Ang Celine na kaya pang maging masaya at magmahal..

******************************

Itutuloy

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon