Chapter 18

110 1 0
                                    

Leo's POV

Isang linggo na din bago kami huling nagusap at nagkita ni Frances..

Feeling ko ang laking impact sa kanya ng makita nya ulit si Ralph..

Si Ralph na una nyang minahal..

At patuloy na minamahal..

Masakit,Oo.

Hindi naman ako manhid.

Ilang taon ko na din tinatago ang nararamdaman ko para kay Frances.

Sana nga totoo na lang na wala na syang nararamdaman pa kay Ralph..

Habang papasok ako sa opisina,tumigil muna ako sa isang coffee shop..

"Pwede ba ako maki-upo?"

Si Frances..

Bakit nandito sya? Alam ko late sya makakapasok ngayon..

"Sure." plain na sagot ko..sabay inom ko ng kape.

"Ahm"

Napatingin ako sa kanya.. Halatang gusto nya ako makausap.. Ano naman kayang sasabihin nya..?

"Kung may sasabihin ka.. Sabihin mo na kasi mukha ka ng ewan dyan.." nakikita kong hindi sya mapakali sa kinauupuan nya.. Malikot sya.. Lalo na ang mga kamay nya,pag ganito na ppressure sya.. kilalang kilala ko na sya..

Hinawakan ko ang kamay nya na nakapatong sa table at natigilan sya..

"Frances.. Okay lang.. Wag ka magalala.."

"A-ano ahm..im..So-sorry.." tapos bigla sya yumuko..

"Ayos lang..Alam ko naman kung bakit.. Naiitindihan kita.. Sino pa bang ang iintindi sa'yo? May sapi ka..!" sabay ngisi ko saka ako uminom ng kape..

"Kung ibuhos ko kaya yang kape na yan sa'yo? Mas may sapak ka kaya sa'kin!"

"Oo may tama ako sa'yo .." pabulong kong sabi...

"Ano?"

"Wala. Sabi ko 8:00am na late ka na sa meeting mo! Tara na..." at hinila ko na sya palabas ng coffee shop..

Kakaiba talaga 'toh..

Magsosorry na lang.. wala pang sincerity..

Tsk! Kundi lang kita mahal.. Nakooo!! >___

Uyy tignan mo sila Maam ohh.. saka si Sir Leo.. Bagay na bagay talaga sila..

Gwapo at Maganda

Sana sila na lang magkatuluyan

Kay Aga aga.. Tsismis nanaman sa amin naririnig ko..

"Hoy Leo.." bulong sa'kin ni Frances..

"Bakit?"

Sabay nguso nya sa kamay namin na magkahawak..

Anak ng!! Kaya pala ang mga tsismosa kay aga aga kami pinaguusapan!!

"Pasensya naman..!!" saka ko tinanggal ang kamay nya sa pagkakahawak ko..

Tsk! Da moves na nga! Napurnada pa! >__

"Para paraan hah!!!" sabay ngisi nya sa akin...

"Para paraan ka dyan.. Hinila kita kaya nahawakan ko 'yang kamay mo na magaspang!!"

"EXCUSE ME!!!" napasigaw sya.. Napagtinginan tulog sya ng mga tao sa loob ng elevator..

"Tsh! Mahiya ka nga!! Ang ingay mo!!"

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon