Chapter 32

60 0 0
                                    

Kinaumagahan..

Sinunod ko na lang ang Itinerary na binigay ni Leo sa akin..

Buti na lang may nadala akong swimsuit ...

Two piece ...

"Panget pala ng legs mo"

Aist! Bakit ba naaalala ko ang sinabi nyang 'yon sa tuwing mag susuot ako ng maiikling damit..

Sana di ko na sya makita dito..

Kumain muna ako ng breakfast pagkabihis ko ng swimsuit .. Nakadamit pa naman ako pero short and loose tshirt ang suot ko.. tatanggalin ko din naman ito mamaya kapag nag swimming na ako..

"Maam.. here's your breakfast.. Your coffee and pancake.."

good service sila dito hah infairness...

Sa di kalayuan.. May masamang hangin na naman akong nakita at nasa may gilid sya ng kainan at nag babasa ng news paper ..while having his coffee..

Nang mapatingin ako sa kanya, na tyempo na bigla syang tumingin sa side ko.. Bigla ako napayuko dahil ayoko ng magtama pa ang mga mata namin..

Maya maya lang ay umalis na sya..

Naka board shorts sya and white sando..

Macho talaga.. Naaalala ko ng makita ko syang naka topless noon sa kwarto nya..

Tsk! Bakit ba inaalala ko pa..

Umalis na ako at sinunod ko na ang nasa itinerary..

1st stop : SNORKELING!!!

My favorite.. Alam na alam talaga ni Leo.. Ginagawa namin ito dati sa may Baryo.. Hindi nga lang snorkling 'yun.. Sisid lang.. Naninisid kami ng mga kabibe at mga kakaibang bato sa ilog..

Mas masarap din maging bata kung minsan,parang walang problema..

"Maam,ready na po kayo?"

may iba't ibang tao din akong kasama sa bangka.. Grupo kami.. Iba't ibang lahi din.. may German.. Chinese.. at koreans.. at.... teka???.. si------

"Maam.. Let's go.." Pag yaya sa akin ng diver instructor.. at sumunod na lang ako..

Kakaisip ko kung bakit namin sya kasama.. Nakalimutan ko ilagay aa bibig ko ang mouth piece para makahinga ako sa ilalim.. Nabigla ako ng ahon.. At nakita ko.. Nasa tabi ko.. si Ralph..

"Next time bago ka tatalon, siguraduhin mo na hindi lumilipad ang utak mo..." sabay sisid nya..

Aist! Kapal ng mukha..

Teka? Marunong pala sya mag langoy.. Bakit noon sa pool nila?? Ibig sabihin.. SINADYA NYA NA LANG 'YUN AT HINDI SYA TALAGA NALUNOD!!!

Patay ka sa akin Ralph makakaganti din ako sa'yo...

Sumisid ako sa ilalim at nakita ko ang ganda ng dagat.. Nakakatuwa at nakaka relax makita ang ilalim ng dagat..

Madami dami din kami sumisid... medyo malayo ang bangka mula sa amin para maenjoy din daw namin ang view..

After namin sa activity na 'yon.. We went to the shore at nag pahinga ng konti.. Uminom muna ako ng buko juice at naupo sa tabi ng dagat..

"Bakit kaya yun andito?" para kong baliw kinakausap ko na ang sarili ko..

"Ayos suot mo ahh.. Mababastos ka na naman.."

paglingon ko ay nakatayo sya with his arms crossed..

"So?" sabay tayo ko at pumunta na ako sa next activity ko..

2nd stop : BANANA BOAT!!!!

Pumwesto ako sa gawing gitna ng banana boat para medyo safe..

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon