Chapter 40

53 1 0
                                    

Ralph's POV

"Walanghiya ka Celine.. Talagang hindi mo ako tatantanan sa mga kalokohan mo!!" sabi ko habang nagmamaneho ako papunta sa condo nya..

Tinawagan ko si Chard...

"Saan ka?"

"Nasa hospital..."

"Ha!!! Bakit ano nangyari sa'yo? Iniwan pa lang kita sa opisina kanina at okay ka naman...!!!"

"Ang best friend ko nagaalala.. Kakakilig naman.."

"Puta! Wag mo ko biruin ng ganyan Chard!"

"Hindi ako nagbibiro nasa hospital ako.. Kasama ko si Iska at si Leo.."

"Ba-bakit?"

"Nakipag ---- wait lang 'tol tawagan na lang kita ulit lumabas na ang doctor galing sa E.R .. Bye!"

Tignan mo yun! Hindi man lang sinabi skin kung ano nangyari at ano ang pangalan ng hospital!!

Saka bakit kasama nya yun dalawa? May nangyari kaya kay Iska...??

I used my GPS to locate where are they...

Boom!!!

Saint Peter Hospital..

Tumakbo ako sa may nurse station...

"Nurse. May naadmit ba na Leo---?" bago pa ko matapos nay sumigaw na sa pangalan ko..

"Ralph! Dito...." si Chard...

nilapitan ko sya...

"Ano nangyari? Nasaan si Iska? Okay lang ba sya?"

"Okay lang sya.. Si Leo.. May nakasuntukan sa opisina.. Naaalala mo ba nun nakita natin sya kasama nya isang lalaki .. pangalan Steve?"

"O-oo.. Ano naman koneksyon?"

"Slow? Paganahin mo nga yang talentado mong utak!! May kinalaman sya sa pagsesend ng litrato nila ni Leo... Siya lang ang pumasok sa opisina nuon time na nadatnan nyang --- "

"Wag mo na ituloy..."

"G*Go !!! Makinig ka nga muna!!! Wala silang ginagawang masama... Pinaliwanag sa akin lahat ni Iska... Hawak ni Leo ang invitation ng engagement nyo at pilit nya yun kinukuha kay Leo.. pero na out of balance silang dalawa kaya sila nahulog..At naging ganoon ang position nila!"

Tahimik lang ako habang pinaliliwanag ni Chard ang lahat.. Hindi nya alam nasa likuran na nya si Iska.. at nakatitig lang ako sa kanya.. at kitang kita ko ang lungkot sa mukha nya..

"Nakikinig ka ba?" napansin nya siguro hindi ako nakatingin sa kanya kaya sinundan nya ang tingin ko..

"Oh ! Sorry Iska.. Pinaliwanag ko lang naman sa kanya kasi itong si bestfriend.. masyadong malisyoso akala mo naman --- "

pinigil sya ni Iska.. "No Chard! It's okay.. wala naman ako dapat ipaliwanag sa kanya.." sabay talikod nito pero pinigilan ko sya..

"Bitawan mo ako..."

hindi ko sya binibitawan... mas lalo ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya..

"Bitawan mo na ko sabi Ral---" bago pa sya matapos.. Napahinto sya ng may biglang nagsalita mula sa likuran namin..

"Sabi nya.. BITIWAN MO NA SYA.." may autoridad na sabi ni Leo.. Na may sugat sa noo.. at dahan dahan naglalakad papalapit sa amin..

"Leo.. Bakit ka tumayo..? Okay ka na ba? Bumalik na muna tayo doon.. kailangan mo magpahinga.." pagaalala nyang sagot..

Naaalala ko tuloy noong ako ang inaalagaan ni Iska.. Kung ako kaya ang maospital? Aalagaan din kaya nya ako? Aalalahanin din kaya nya ako??

Lalapit pa sana si Leo pero pinigilan na ito ni Iska at pumasok na sila sa isang kwarto kung saan sya naka admit..

"Palagay ko.. hindi na dapat ako nagpunta dito.." at umalis ako sa hospital na parang gusto ko sumigaw sa sakit na nararamdaman ko..

Di ba ginusto ko ito? Dapat alam ko ang consequences.. Pero ang sakit naman.. Masyado masakit na parang hindi ka na nya kilala.. Na parang nagiging ordinaryong tao ka na lang sa kanya..

Sinamahan ako ni Chard at pinaliwanag nya ang lahat sa akin tungkol sa nangyari kay Leo at Steve...

Nasa isang bar kami..

"Ibig mong sabihin? Magkakilala si Celine at Steve?"

"Oo.. ! pero ang di ko maintindihan bakit kailangan gawin ni Celine 'to? Isipin mo ... di ba nakukuha naman nya ang gusto nya sa'yo? Nababayaran mo naman sitmya sa pagkakautang ng kompanya ninyo,hindi ba?!" pagtatakang tanong ni Hard sa akin at uminom ito ng alak..

"Chard palagay ko.. Kailangan na malaman nila Mom at Dad ang nangyayari.. Baka pati sila idamay ni Celine.."

Hindi ako makakapayag na pati ang pamilya ko madamay..

Madali kaming pumunta sa bahay ni Chard..

"Mom Dad!!!"

tawag ko sa kanila..

"Ijo.. ano at parang hingal na hingal ka...?" pagtataka ni Dad.. humingi sya ng tubig kay Manang at pinadala iyon sa may dining namin..

Doon ko sila kinausap...

"Dad..Mom.. I 'm sorry kung ngayon ko lang ito masasabi sa inyo.. Akala ko mas makakabuti na hindi nyo malaman dahil sa kalagayan nyo Dad.. Inilihim ko at pilit ginagawan ng paraan.. Noong nasa ibang bansa kayo ng Mom.. Nalagay sa panganib ang kompanya.. May nagnakaw sa kompanya natin at dahil doon muntik na ito bumagsak.. Wala ako ibang choice kundi kagatin ang alok ni Celine..kapalit nito ang pag sstay ko sa buhay nya.. at ang... ikasal sa kanya.." napatigil ako dahil napayuko ang Dad..

As expected.. alam ko disappointed sila sa akin.. I'm Sorry Dad..

"Anak.. Nalaman na namin ng Mom mo ang lahat noong magbakasyon ka sa Baler.. Dahil sa ako ang namahala noon.. Napagalaman ko ang lahat lahat.. Si Chard.. sinabi ko sa kanya na wag sabihin sa'yo na alam na namin dahil alam ko darating ang panahon na ito na sasabihin mo sa amin ng Mom mo ang katotohanan.. At hindi ako nagkamali..Kilala ko si Celine anak.. kilalang kilala ko sya.."

Nabigla ako sa sinabi ni Dad.. All this time akala ko wala silang kaalam alam.. Nag sorry look naman sa akin si Chard.. Painosente.. pero naiitindihan ko sya..

"Si Celine... Anak ko sya Ralph.."

Napatulala ako sa sinabi ni Dad.. Si Celine???A-anak ng Dad???

"Dad?? Anong sinasabi mo?? Hindi ko kayo maitindihan..!"

Ipinaliwanag sa akin ng Dad kung anong nangyari.. Kung paano nya naging Anak si Celine.. Naliwanagan na ako..

"Pero bakit nya gustong ikasal kami?"

"Anak..gusto nya kuhanin ang dapat daw ay sa kanya.. which is ang kompanya at ang position mo..lalo na ang kayamanan na meron tayo..lahat ng ito.. gusto nya kuhanin..dahil sa galit nya sa akin.. nadadamay ka anak.. patawarin mo ako!" at mangiyak ngiyak ang Dad kay Mom..

"Ibig sabihin ang lahat ng pinapakita nya sa akin,planado nya.. Lahat ay isinasaayos nya para mahulog ako sa bitag nya.. at pag nakasal kami ay madali nya makukuha ang lahat lahat bilang ganti na din nya sa inyo Dad.."

Napatango na lang si Dad.. Alam ko nasasaktan sya bilang Ama sa pinaggagagawa ni Celine ngayon..

"Anak,wag mo ipapaalam sa kanya na alam mo na ang lahat bak---" napahinto ang Dad ng napatingin sya sa may pintuan ng bahay..

Lahat kami nagulat sa nakita namin..

SI CELINE....

*******************************

Itutuloy

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon