3rd person's POV
Umalis ng Resort si Iska ng gabi ding iyon.. Hindi na nya hinintay pa ang mag umaga para makaalis.. Ayaw na nya kasi na magkita pa sila ni Ralph matapos ang nangyari kagabi..
Halik na hindi nya inaasahan
Halik na parang walang katapusan
Halik na puno ng pagmamahal
Umalis sya gamit ang sasakyan nya at noon ding hapon ay nakauwi na sya ng Maynila..
Pagod sya kaya naman sa bahay nila sya dumiretso...
Kinausap nya si Leo na babalik na sya sa trabaho bukas...
Leo's POV
"Welcome back!" at niyakap ko sya ng pagkahigpit higpit.. Namiss ko sya.. ng sobra..
"I miss you!" bulong ko sa kanya..
"I miss you too...." kumawala sya sa akin at sabay kami pumasok sa opisina..
Naayos ko na ang naging gusot sa lahat nang nangyari sa opisina noong nakaraang linggo..
Hindi ko muna sinabi kay Iska kung ano ang mga natuklasan ko tungkol kay Steve dahil ayoko masira ang araw nya.. Ayoko din muna syang pagisipin..
Naging normal ang lahat..
Pumasok ako sa opisina nya para bigyan sya ng kape pero nakita ko sya nakatayo sa harap ng hintana ng opisina nya...
"Ang lalim naman ng iniisip mo.. Malulunod na ako...." pagbibiro ko sa kanya..
"Loko loko..." at umupo sya sa coach na nasa opisina nya..
"Bakit? ano na namang gumugulo sa isip mo?"
"Wa-la naman.. Namiss ko lang magtrabaho...Salamat for taking over while I'm not here..." at hinawakan nya ang mga kamay ko.. Para naman may kuryenteng dumaloy sa kamay ko.. Tsk!! Kakabakla!!!
"Ahh wala yun.. Alam mo naman lahat gagawin ko.. para sa'yo" yon ohh! Banat pa!!!
"Sus! Umagang umaga ha!!!" at tumayo sya para pumunta na sa table nya...
"Eto.. Gawa ko yan.. Breakfast mo!"
"Wow.. Nag paborito kong Ham and egg sandwhich!! Thank you!!!" sabay puppy eyes sa akin.. Pa cute pa!!!
Paalis na sana ako ng may mapansin akong sobre sa ibabaw ng table nya..
"Ano 'to?" sabay kuha ko asa sobre
"Ah wala tatapoN ko na din yan!" inabot nyang pilit sa akin pero hindi ko binigay sa kanya.. Buti na lang matangkad ako kaya naman lamang ako sa kanya..
Hinabol nya ako para makuha ang sobre.. Ano ba 'to at kailangan pa nya kasing itago sa akin!!
Itinaas ko at binuksan.. Habang sya naman ay pilit inaabot ang sobre..
Makikita ko na sana ng bigla kami tumumba!
"Aaaahhhh!!!" at ayon.. napahiga kaming dalawa..
Nakapaibabaw sya sa akin.. Tsk! Ang awkward ng itsura namin..
Nakita ko pa din ang nasa sobre.. at engagement nila Ralph ang nandoon..
Habang ganoon ang pwesto namin..
"Kaya ba hindi maipinta ang mukha mo?" humarap sya sa akin na parang may namumuong luha sa mata nya.."Leo...." at bigla naman bumagsak ang luha nya.. Ganoon pa din ang pwesto namin habang umiiyak sya sa akin..
Nang biglang may pumasok.. si Steve!!!
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...