Ralph's POV
Ngayon na alam na nyang nakilala ko na sya.. Handa ba ako sa mga pwede mangyari?
Nandito ako ngayon sa isang bar.. Malapit sa subdivision nila Iska..
Umiinom..
Baka sakali makalimutan ko kung ano ang nangyari kanina..
Kitang kita ko sa mata nya ang galit nya sa akin..
Tsk! Ang dibdib ko..
"Ralph.. pag ingatan mo ang pag sumpong ng asthma mo.. Ngayon naapektuhan na pati ang puso mo.. Bawal ka mastress o magkaroon ng sobrang emosyon.. Sobrang galit..sobrang lungkot.. sobrang pagiintindi.. Pag ingatan mo dahil kung hindi.. malalagay sa peligro ang buhay mo.. Hindi na normal ang tibok ng puso mo.. Pag ingatan mo.."
Naalala ko na naman ang bilin sa akin ng doctor..
Ilang araw na din akong ganito..
Kailangan ko mag relax..
"Sir.. ayos lang ho kayo?" pagtatanong ng bartender sa akin..
"Pwede mo bang tawagan ang number na 'to?"
nagpatawag ako sa bahay para masundo ako nila Dad.. pero nawala sa isip ko na lumabas nga pala sila ngyon ng mga kambal..
Sh*t... Nahihirapan na ako huminga.. Ang gamot ko.. nasa kotse..
Dahan dahan.. at pilit ako naglakad papalabas ng bar.. Sana umabot pa ako sa kotse..
Nanlalabo na ang paningin ko..
Konti na lang..
Iska's POV
"Anak mamimili ba tayo para sa gagamitin bukas?" hindi dapat makita ni Inay na umiiyak ako..
Pinunasan ko dali dali ang mga luha ko at nagpanggap ako na okay ako..
"O-opo Nay.."
"Oh sya.. Tara na.. Andyan na ang pinatawag kong tricycle.."
"Tricycle??"
"Aba Iska?? Na abroad ka lang.. Ayaw mo na sumakay sa tricycle.. Dati rati.. Nagtatatalon ka sa tuwa pag nasusundo tayo ng tricycle at hindi tayo naglalakad mula sa palengke.."
"Hindi naman ho sa ganoon Nay..."
"Pwes..Halika na..."
Paglabas namin ng subdivision..
"Traffic pa..." sabi ko..
Lagi na lang traffic sa lugar na 'to.. Puno kasi ng mga bar at restaurant.. Intersection pa...tsk!
Bigla ako napalingon sa kanan..
Parang pamilyar ang kotseng 'yon..? Pero bakit sya nasa Bar? at bakit parang hirap na hirap sya maglakad?.. Kanina naman ay okay sya..
Haist! Wag mo na sya pakialamanan..
Yun lalaki , Nahimatay...
Bilisan nyo tumawag kayo ng ambulansya!!! Sigaw ng mga nagkumpulang tao..
"Manong ihinto nyo po!!" nagmamadali ako bumaba sa tricycle.. Pinigalan ako ng Inay..
Pero hindi ko sya pwede pabayaan.. Alam ko sya 'yon.. Kargo konsensya ko pa kung may mangyari nga sa kanya..
At hindi ako nagkamali..
"Ralph.. A-anong nangyari.. Gumising ka....!! Tulong po! Isakay natin sya sa kotse..."
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...