Maaliwalas ang kalangitan ng dinalaw ko sya..
"Hello.. Kamusta ka na.. Sana okay ka lang.. Salamat ha.. Habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang ginawa mo para sa amin.."
at inilagay ko na ang bulaklak sa puntod nya..
Salamat Leo.. Dahil sayo nabuhay muli si Ralph..Hindi kita makakalimutan..
"Salamat Leo.. Aalagaan ko mabuti ang puso mo.. at aalagaan ko ang taong pinagaalayan mo ng pagmamahal mo..na mahal na mahal ko din.." sabay tingin sa akin ni Ralph..
Nakalabas na sya ng hospital makalipas ang 1 at kalahating linggo..
Nakarecover na din sya.. Pero may weekly check up pa din para palaging namomonitor ang lagay nya..
Oo.. si Leo ang naging donor nya..Dumating ang pamilya ni Leo ng malaman ang nangyari sa kanya at napagpasyahan nila na idonate ang puso nya dahil na din sa pinirmahan ni Leo bago pa sya mawalan ng buhay..
Pinirmahan pala nya ito bago ko pa man sya makausap ng magising sya..
Siguro ay alam na nyang mawawala sya kaya naman gusto nya maging makabuluhan ang pagalis nya sa mundo..
"Iska..Halika na.. Gumagabi na.." pag yaya ni Ralph sa akin..
Sya ang nagdadrive ng sasakyan at ako naman ay nasa tabi ng driver's seat...
"Let's have diNner.. Where you want?" Galante yata...
"Pwede ba sa Carinderia na lang.. Kung saan kami laging kumakain ni Leo?" napatingin sya sa akin at nabatid ko na bahagya syang nalungkot pero binawi naman nya ito at nginitian ako.. "I'm Sorry.. Memorable lang yung ---"
hinawakan nya ang kamay ko na syang naging dahilan para mapatigil ako ng pagsasalita...
"Naiitindihan ko..Wag ka magalala.." sabi nya habang hawak hawak nya ang kamay ko..
Dumating kami sa Carinderia..
At lahat ng alaala namin ni Leo ay bumalik sa akin.."Oh.. don't cry..." sabi sa akin ni Ralph.. "You want,we can...move to other restaurants..."
Tumingin ako sa kanya.. Mukhang hindi ko pa nga yata kayang puntahan at alalahanin ang mga lugar na pupwedeng makapagpaalala sa akin kay Leo.. Malaking bahagi sya ng buhay ko.. Kapatid..
Bestfriend..
Colleague..
at higit sa lahat.. Isang taong nagmahal sa akin ng walang hinihintay na kapalit..Lumipas ang araw.. at Buwan..
Ralph's POV
Hindi ko alam paano ko mapapasaya si Iska..
Mula ng mawala si Leo.. Parang nawala ang kalahati ng Iska na kakilala ko..
Hindi ko sya masisisi..
Halos buong buhay nYa kasama nya si Leo..Si Leo na nandyan palagi para sa kanya..
Si Leo.. Na syang nagligtas ng buhay ko..
"Ralph...." pagtawag sa akin ni Chard habang papasok sa opisina ko..
"Si Iska na naman?" pang tutukso nya sa akin..
"Hi-Hindi.. Ano bang ginagawa mo dito?" pagtatanong ko para maiba na lang ang topic..
"Umm.. si Celine.. Nahuli na.."
Pinahanap namin si Celine matapos nilang tumakas ni Steve mula sa nangyari noon.. Hindi ako tumigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya si Leo..
"Nasaan sya...?" gusto ko syang makita..
Bago pa man malaman nila Iska.. Ako muna ang pumunta sa kinaroroonan nya.. Doon ay nakita ko ang kakaibang Celine.. Tulala.. and she is totally wasted.. Hindi na sya ang Celine na kilala ko..
"May dalaw ka!!" pag tawag ng pulis sa kanya.. At ng mapatingin sya sa akin nabalot ng ngiti ang mukha nya..
"Ra-ralph!! Sabi ko na hindi mo ako papabayaan...!" kung mayayakap nya lang ako baka niyakap na nya ako..
"Oy! Mamang Pulis. Ito oh yun Fianceè ko!! Sabi ko sa inyo di ako papabayaan nito..!!" pagsigaw nya sa mga Pulis na nakaduty doon..
Tahimik.lang kami ni Chard..
"Dapat sa mental nyo na dinala ang babaeng yan!" sabi ng isang Pulis na nakaupo sa Quarters area..
Anong nangyari kay Celine?
Umalis na kami pero hinahabol nya kami ng sigaw.. "BABBBYYY KO!!! WAG MO KO IWANAN DITOOO!! SASAKTAN NILA KOOO!!!" pagmamakaawa sa amin ni Celine..
Minabuti kong umuwi muna at sabihin kila Mom at Dad ang nangyari.. hindi sila makapaniwala sa nangyari kay Celine..
Tinawagan ni Dad ang Mama ni Celine at alam na pala nya ang nangyari kay Celine.. Balak nya na daw ito dalin sa ibang bansa at doon na ito ipagamot.. Papayansahan na daw nila si Celine ngayon at isasama na sa ibang bansa..
Tinawagan ko si Iska..At sinabi sa kanya ang nangyari kay Celine .. Kinagulat nya ito.. Hindi nya akalain na aabot sa ganito ang lahat..
"I'm sorry..."
"Shhhhh.. hindi mo kasalanan...Walang may gusto nito.." umiiyak sya sa kabilang linya.. Kaya pinuntahan ko sya sa bahay nila..
Malalim na ang gabi pero.minabuti ko pa din na makita syang okay..
Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ng guard nila..
Nakita ko ang Nanay nya habang nagaayos sa kusina..
Nag mano ako at...
"Ijo.. Nasa kwarto sya..." sabi ng Nanay nya na tila alam nya kung ano ang pinunta ko dito..
Nginitian ko na lang sya at humingi ng pahintulot kung maaari ko ba syang puntahan at pinayagan naman nila ako..
Kumatok ako at tinawag ang pangalam nya.. Pinagbuksan nya ako ng pintuan at bigla sya napayakap sa akin..
"Ba-bakit ganito ang nangyari? Hindi ko sya kaibigan.. pero hindi ko din naman gusto na mangyari pa iyon sa kanya..." umiiyak na sabi nya sa akin.. Kumawala.ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang mga luha nya..
"I told you not to cry..." sabi ko sa kanya..
Ang ganda ganda nya..
Ngayon ko lang sya natitigan ng ganito kalapit..
Ngayon ko lang sya.... nalapitan.. nayakap.. at natitigan ng ganito....
****************************
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...