Chapter 12

89 1 0
                                    

RALPH'S POV

Bukas na ang araw ng sintensya ko..

(Hindi ako nakulong!) . isasakal na ako bukas sa babaeng.. hindi ko mahal.. Minahal ko man sya pero nakaraan na iyon..

Hindi ko makalimutan ang gabi na napatunayan ko na si Iska ang mahal ko..

Flashback

Nagpakalunod ako sa alak ng umalis sila Celine.. Hindi ko gusto ang mga nangyayari.. Mas gugustuhin ko pa mamatay kesa ang makasama sya pang habang buhay.. Dahil pag nangyari yun.. araw araw ko mararamdaman na pinapatay ako..

Bumaba ako.. at nakita ko si Iska..

Humingi ako ng kape sa kanya pero hindi naman nya ako pinansin at inaaya nya ako magpahinga na.. Naitulak ko sya ng hindi sinasadya hanggang sa tinalikuran na nya ako at pinagpatuloy nya ang ginagawa nya..

Lumabas ako para magpahangin..

Sa gilid ng pool.. pakiramdam ko ay malaya ako..Ipinikit ko ang mga mata ko.. sabay ko itinaas ang mga kamay ko na para akong lilipad.. malayo.. malayong malayo sa lahat.. hanggang sa wala na ako maramdaman at marinig..

Namalayan ko na lang na basang basa ako.. Ng magising ako dahil sa pagkakasamid ng tubig.. at nakita ko sila Mom na nagaalala sa akin.. Pero hindi ko sila pinansin.. hinanap ko agad si Iska.. at nakita ko syang naglalakad ng mabilis at basang basa..

Alam ko.. walang iba magliligtas sa akin..kundi sya.. at kahit ganito ang sitwasyon namin.. hindi nya ako papabayaan at iiwanan..

Tumakbo ako at hinablot ang braso nya.. sa hindi malamang dahilan.. hinalikan ko sya..

Naramdaman ko ulit ang malalambot nyang labi.. Ang labi na gustong gusto ko mahalikan..

Naramdaman ko ang malakas na pagkakatulak nya sa akin dahilan para magkalayo kami..

Ano bang ginawa ko..

Umiiyak sya ngayon..

Hindi ko sinasadya..

Nadala ako ng nararamdaman ko..

Mahal na mahal na kita..

at alam ko ayokong mawala ka.. Nararamdaman ko palang na hndi kita makakasama ng isang araw..

hindi ko makaya.. hindi ko makaya hndi ka makita.. marinig ang boses mo.. kahit sandali..

Sorry Iska.. Patawarin mo ako..

Wag kang umiyak Iska.. Please.... Wag...

ISKA'S POV

Tumigil ang mundo ko.

Wala ako marinig.

Wala akong ibang maramdaman kundi ang bilis ng tibok ng puso ko..

at ang.....

mga labi ni Ralph....

Pero bigla ako natauhan....

Ikakasal na sya Iska..

Tinulak ko sya... malakas na pagakaktulak..hanggang sa magkahiwalay kami..

Hawak ko ang mga labi ko.. at naramdaman ko ang luha ko tumutulo ng walang tigil..

Nakikita ko sila Manang Flor na papalapit sa amin..

Umalis ka muna Iska.. Tumakbo ka.. Umalis ka.. nakakahiya ang nakita nilang lahat ... Bakit Ralph??? Ano bang pumasok sa utak mo??? kanina lang..hindi mo ako pinakikitunguhan ng maganda.. aNo bang plano mo ... ang paglaruan ang nararamdaman ko ... dahil alam mo hindi kita kayang matiis ??

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon