-----------
Ralph's POV
Dear Ralph,
Alam mo ikaw ang nagiisang taong may sapi sa utak na nakilala ko. Madalas may topak ka. May gamot ba dyan? parang wala na yata. Minsan naiisip ko, siguro may dahilan bakit ganyan un ugali mo.
Sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi pa kita lubusang nakikilala, pinaghiwalay na nya ang landas nating dalawa. Salamat sa ilang buwan nating pinagsamahan.
Alam mo bang ikaw ang FIRST KISS ko? binigla mo ako ng gabing 'yun pero alam ko na nadala ka lang ng nangyari sa inyo ni Maam Celine.. Salamat sa pagkilala sa pamilya ko.. Sa pagpasok sa magulong mundo ko.. Alam ko may dahilan sa kabila ng pagalis ko.. Pero hangad ko ang kaligayahan nyo ni Maam Celine.. Salamat Ralph..
Hanggang sa muli nating pagkikita..
Mahal kita..Nagmamahal,
IskaHabang binabasa ko ang iniabot na sulat sa akin ni Iska ay hindi ko naiwasang mapaiyak..
Mahal ko sya pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sa kanya ang bagay na 'yun..
Dahil.. dahil natatakot ako.. sa pwedeng mangyari sa kanya..
Naduduwag ako dahil kilala ko magalit si Celine..
Hindi ko alam kung kaya ko sya ipagtanggol kay Celine gayong alam ko naman na wala ako magagawa dahil hawak ako sa leeg ng babaeng ito dahil sa nangyari sa kanya..
Wala na ako ginawa kundi uminom. Magpakalasing. Umuwi ng hatinggabi simula ng umalis si Iska..
Ako naman ang may gusto non pero bakit ang sakit sakit..
Hindi ko man lang naipaliwanag sa kanya ang mga nangyari..
Naging sarado ang isip nya dahil sa mga nangyari.. Alam ko napagod na din sya.. dahil sa kakahingi ko ng tawad.. dahil lagi kong sinasabi na hindi ko sinasadya ang nangyari..
Pero.. kung hindi dahil sa akin.. sana nandito pa si Iska..At hindi sya napalayo sa akin..
Makalipas ang 2 taon..
Gumaling na si Celine.. pati na din si Dad ay nakarecover na mula sa pagkakastroke nya.. Hinanap nya agad si Iska pero, nagdahilan na lang kami ni Mom.. para hindi na mag isip ang Dad at hindi na din nya intindihin pa ang mga nangyari.
Bumalik sa normal ang lahat..
Si Celine ay nakalakad na at bumalik sa mga normal nyang ginagawa. Naging okay kami ni Celine.. pero batid nyang hindi ko na sya kaya pang mahalin , kaya naman lahat ay ginagawa nya para lang bumalik ang dati naming samahan..
Sa loob ng 2 taon naging maganda ang takbo ng kompanya namin sa pamamahala ko.. Humarap kami sa isang mabigat na pagsubok kung saan nanakawan ang kompanya ng hindi inaasahan, pero ...nakagawa naman ako ng paraan at hindi ko na ito pinaalam kila Dad.. Baka mastress pa sya...
Wala na ako naging balita pa kay Francisca simula ng umalis sya.. Ang huling nabalitaan ko ay nangibang bansa na sya.. Naisip ko na siguro tama na ang 2 taon ko paghihintay at pag asa na magkikita kami at masabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.. Pero hindi na nangyari iyon.. Kaya naman itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagpapalago ng kompanya at ganoon na din kay Celine..
"WOOOOHHHHHH!!!!!" sigaw ng Dad at nagising kaming lahat..
nagising ako at lumabas ng kwarto... "What's going on?"
"Ralph... your Mom..."
"What happened Dad.. Wag ka na magpasuspense!!!"
"She is PREGNANT!!!"
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...