Nasa magkaibang room ang dalawa..
Hindi ko matignan isa man sa kanila...
Ang daming tubo na nakakabit kay Ralph...
Gayon din kay Leo...
Ilang araw na din ay hindi pa din nagigising ang dalawa...
Hindi pa ako umuuwi ... mula ng maadmit ang dalawa.. Dinadalan ako ng damit at pagkain ng mga Inay.. gusto ko oras na magising ang isa sa kanila.. Nandito ako..
"Iska.. Si Leo.. Nagising na.. Dali ka!" pagtawag ng Inay ay agad naman ako pumunta sa kwarto kung saan nandoon si Leo..
Hinawakan ko ang kamay nya at inialis nya ang oxygen na nakaharang sa bibig nya upang makapagsalita sya..
"Leo.. Salamat sa Diyos at gising ka na.."
Ngumiti sya sa akin..
"Gusto ko kasi bago ako umalis.. Pag nakita kita.. Masaya ka.. Hindi yun umiiyak ka.."
"Leo.. Ano ka ba! Tumigil ka nga sa kalokohan mo na yan... Gagaling ka na.. Magtiwala ka lang , ha?" nangingilid na naman ang mga luha ko
"Oh.. wag ka na umiyak.. Hindi naman kita iiwanan ..Nandito lang ako palagi..Sapat na nalaman ko na kaya mo din pala akong mahalin.."
"Hindi ka mahirap mahalin Leo.. Lahat ng gusto ng isang babae nasa sayo na!"
"Hindi lahat... bakit hindi ako ang minahal mo...?"
"Leo...mahal kita..."
"Pero mas mahal mo sya.. Mahal mo ako ng parang kapatid.. Mahal mo ako bilang kaibigan.. pero hindi mo ako mamahalin tulad ng pagmamahal mo sa kanya..."
nakangisi sya pero may tumulong luha sa gilid ng mga mata nya..
"Tama na magpahinga ka na Leo.. Makakasama sayo ito.. Tatawagin ko lang ang doctor hah..?"
"Iska.. gusto ko maging masaya ka.. wag ka nang iiyak.. at sana.. sundin mo ang nilalaman ng puso mo.. mahal na.. mahal.. kita"
at biglang nag flat line ang machine na nasa tagiliran ko..
"Leo?? LEOOOOO!!!!!!"
nagpasukan ang mga doctor.. at pilit syang nirevive ng mga doctor..
1.2.3... Clear
1.2.3... Clear
No pulse No heartbeat
1.2.3 Clear
1.2.3 Clear
No pulse No heartbeat
Napailing na ang doctor..
Time of death 3:45 pm ..
Hindi..
Hindi to totoo..
Hindi to nangyayari!!!!
Makalipas ang ilang minuto...
Tinakpan na ng kumot si Leo..
Palapit na ako sa kanya nang...
Biglang pumasok ng kwarto si Chard..
"Iska... si ... Si Ralph... Nag arrest ... Ka-kailangan ka nya... "
hindi pa ako nakaka recover mula sa nangyari.. si Ralph naman ngayon..
"Mr. Del Vasco.. Narevive po namin ang pasyente.. pero pag naulit pa po ito baka hindi na ho kayanin ng puso nya.. Kailangan na ho natin makahanap ng heart donor para sa anak ninyo..." pagpapaliwanag ng doctor ng dumating ako sa room nila..
Lumapit ako kay Ralph..
"Ralph... Lumaban ka... Wag mo naman akong iwanan.. Hindi ko kakayanin mawala ka.." umiyak ako ng umiyak hawak hawak ang kamay nya..
May pumasok na Nurse sa loob ng kwarto at kinausap sila Maam Eunice.. Nakita ko nabuhayan sila..
Ba-bakit??
Lumapit sa akin si Maam at may iniabot na isang maliit na papel..
Heart donor ...
Si... Leo???
Agad agad na isinagawa ang heart transplant kay Ralph..
7 oras ang itinaggal ng operation..
Kailangan pa imonitor kung maganda ang magiging response ng katawan ni Ralph sa transplant na ginawa sa kanya..
Naghintay kami.. at sa wakas.. nagising din si Ralph..
"Ra-ralph???" sabi ni Maam Eunice..
"Mom..Dad.." at pilit sya ngumiti..
"Si... Francisca po? Na-nasaan sya?" pagtatanong nya habang ako naman ay papalapit na sa kanya..
hinawakan ko ang kamay nya at.. "Nandito lang ako.. Hindi ako umalis sa tabi mo.." nangingilid ang luha ko.. "Salamat sa Diyos.. Nagising ka na.. Wag mo akong iiwanan"
Nakangiti sya.. "Hinding hindi na.."
Hinalikan ko ang kamay nya na hawak hawak ko.. Habang tumutulo ang luha ko.. Luha ko sa sobrang saya dahil nagising na din sya..
******************************
Itutuloy
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...