Chapter 43

49 1 0
                                    

Iska's POV

Umalis na ako sa bahay nila Leo nang matapos kami magusap. Medyo gabi na din...

Habang nagmamaneho ako ay may napapansin akong sasakyan sumusunod sa akin..

Pinaandar ko ng medyo mabilis ang sasakyan pero na-cut ako nito sa kalagitnaan ng pagdadrive ko..

Kinabahan na ako..

Kinuha ko ang celphone at itetext ko na si Ralph.. Hindi ko alam bakit sya ang pumasok sa isip ko para hingan ng tulong ng bigla na lang ako paputukan ng nasa loob ng sasakyan dahilan para mabitawan ko ang celphone ko at napahawak ako sa braso ko na nadaplisan ng bala..

Pinulot ko iyon kahit na may dugo ang kamay ko ng bigla na lang ako hilahin papalabas ng mga lalaking naka bonet ng itim kaya naman hindi ko sila makilala... Tinakpan nila ang bibig ko hanggang ilong ng panyo na tila may pampatulog kaya wala na ako maalala matapos ang lahat...

Nagising ako pero may nakalagay na piring sa mga mata ko.. Masakit pa din ang braso ko sa daplis ng bala.. Medyo groggy pa ko siguro dahil sa pampatulog kanina..

"Kamahalan... Nagkita ULIT tayo!"

sabi ng boses na pamilyar sa akin.. Hindi ako magkakamali..

Si Celine ang boses na yun..

"Celine.. Anong kalokohan 'to!!"

Clap clap clap

"Magaling!! Napakagaling mo talaga Francisca!!" at naramdaman ko ang lapit ng mukha nya sa mukha ko...

Tinanggal nya ang piring ko sabay sabunot sa buhok ko...

Aray ha!!! Matanggal tanggal ang anit ko!!!

"Ang tagal ko hinintay ang pagkakataong 'to Francisca..."

hawak hawak nya pa din ang buhok ko.. Buset ka!! Kaka parebond ko lang!!!

"Celine.. Wala akong ginagawang masama sayo!!!"

"Wala?? Sigurado ka?? Alam mo ba kung ano ang nawala sa akin?? Yun taong pinakamamahal ko!!!"

"Hindi ko hawak ang puso nya kung hindi ka nya magawang mahalin matapos mo syang lokohin!!!"

"SHUT UP!! YOU SLUT!!!!" sabay bitaw nya sa buhok ko at sampal sa akin ng malakas...

Nagdugo ang labi ko sa lakas ng pagkakasampal nya.. Tinignan ko sya at nginisihan..

"Yun lang ba ang kaya mo??"

at nakita ko nagalit sya lalo sa sinabi ko...

Itinayo ako ng isang lalaki at sa paglingon ko sa kanya...

"St-Steve???" ba-bakit sya nandito? Ano kinalaman nya sa lahat ng 'to??

"He is my Fianceè,Francisca..." nakangiting sabi ni Celine...

"Niloko mo si Ralph noon.. At hanggang ngyon niloloko mo sya!!! Walanghiya ka.. Pinaubaya ko sya sa'yo dahil akala ko tama ang ginawa ko.. Yun pala ... wala kang kasing sama Celine!!!" nanlaki ang mga mata nya..

"Ako??? O sila ng wala nyang kwentang ama amahan!!! Alam kong hindi lingid sa kaalaman mo na AMPON lang si Ralph!!! Ako!Ako ang totoong DEL VASCO!!!" ano daw?? Sya?? Pero paanong???

"Kami dapat ng Mama ko ang nasa posisyon ngayon ng pamilya ni Ralph!!! Ako dapat ang nagmamayari at magmamana ng lahat lahat ng meron sya ngayon!!! Aaminin ko sayo... Minahal ko si Ralph at hanggang ngayon mahal na mahal ko sya!! Hindi kami makakapagpakasal dahil legally adopted sya ng DAVE na yon!!! Sya.. sya na walang panindigan at duwag ... Sya ang AMA KO!!!" umiiyak sa galit si Celine..

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon