Chapter 3

101 1 0
                                    

Ilang araw na kami hindi nagkikita ni Sir kahit kasama ko sya sa iisang bubong.

Lagi na lang sa note kami nag uusap.

Lalagay sa ref at ididikit doon.

"Umalis na ako. Late na ako makakauwi."

"nasa ibabaw ho ng lamesa ang pagkain"

"Salamat sa pagkain"

"Baka hindi ako umuwi ngayon. Doon na muna ako matutulog kila Celine"

ang Huling note ang inulit ulit ko..

Doon na muna ako matutulog kila Celine..

Doon na muna ako matutulog kila Celine..

"Ano!!!" okay.. exaggerated ka Iska. Gf nya yon!!! Wag OA..

Hindi na ako nagluto pa. Ininit ko na lang ang natirang ulam kagabi dahil hindi naman pala uuwi si Sir. Saka ako nanuod ng TV.

Parang ako may ari ng Condo..

Kumakain pa ako ng chichirya sa harap ng TV habang nanunuod ng biglang..

*binubuksan ang pintuan*

"Teka. Sino toh? Di ba hindi naman uuwi si Sir?" pabulong na sabi ko.. pumunta ako sa likuran ng pintuan. Pinatay ko ang TV at ang lahat ng ilaw. Baka magnanakaw..

Kinuha ko ang isang upuan at nakaabang na ako sa likod ng pintuan para pagbukas nya hahambalusin ko sya ng palo!

*Bumukas ang pintuan!!*

"AHHHHHHH!!!!" sabay taas ng silya pa papalo na sana ako ng makita ko si... Sir RALPH?????

"OY!! RELAX AKO TOH!!!" sigaw nya habang nakaharang ang mga kamay nya sa sarili nya...

Binuksan ko ang ilaw...

"Nako naman Sir kayo po pala yan! Hindi ko po kasi alam sabi nyo ho kasi doon kayo matutulog kila Maam Celine! Kaya naman hindi ko expected na uuwi kayo!!!" pagpapaliwanag ko..

Tahimik lang si Sir. Umupo sya at kumuha ng tubig.

"Nakita ko nanaman sya"

"Po?"

"Nakita ko sya.. kasama ang lalaki nya.. sa loob ng bahay nila. Hinahalikan sya at gustong gusto naman nya!" naka kuyom ang mga kamay ni Sir na parang manununtok na sya..

"Sir... Ano po ginawa nyo?"

"Sosorpresahin ko sana sya dahil ANNIVERSARY namin ngayon pero ako ang nasorpresa! Manloloko sya!" mangiyak ngiyak na sabi ni Sir Ralph...

Biglang may abbaeng sumugod sa Condo..

"Ralph.. Baby let me explain!! Mali ang nakita mo!!" dumating si Ms. Celine sa Condo.. At hindi iyon inaasahan ni Sir Ralph..

"Ano pa kasinungalingan ang sasabihin mo Celine. Tama na ang nakita ko!!! Wala ka na dapat ipaliwanag!!!" sigaw na sabi ni Sir Ralph kay Celine..

Sa pelikula ko lang nakikita ang mga ganito eksena. Totoo palang nangyayari ito sa totoong buhay.. Hindi ako mkagalaw sa kinatatayuan ko..

"Umalis ka na Celine! Get out!!!" pagtataboy ni Sir Ralph kay Maam Celine..

Wala nang nagawa si Maam Celine kundi ang umalis.. Umiiyak sya.. pero sa palagay ko ay kasalanan naman nya ang nangyari..

Tahimik lang ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko approach kay Sir Ralph. Punong puno sya ng galit. Nasuntok pa nya ang pintuan ng Condo na naging dahilan para magdugo ang mga kamay nya..

Maid for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon