Continuation of Iska's POV
"Ano bang sinasabi mo Ralph?"
pilit ko sana iibahin ang usapan pero.. corner na ako.. dito na yata namin mapaguusapan ang kanya kanyang sama ng loob ng bawat isa..
"Yung sulat... Na binigay mo sa akin bago ka umalis.. Un binasa ko noon sayo sa Baryo.. Itinago ko 'yon..Sabi ko sa sarili ko.. Oras na magkita tayo.. babasahin ko ang suat na yun sa harapan mo.. para ipaalala ko sayo kung gaano mo ako kamahal.."
Kinalimutan ko ang tungkol sa sulat na 'yon simula nang magkapamilya ka Ralph..
"Pero ng makabalik ka.. Hindi ko inakala na malaking pagbabago ang mangyayari.. Akala ko ---"
"Akala mo ako pa din yun dating Iska.. Na kinakaya ng lahat.. Na hindi lumalaban.. Na maliit ang pangarap.. Na walang mararating.."
"Nagkakamali ka.. Alam ko lahat ng tao nagbabago... pero iisa lang ang sigurado ko.. alam ko na ako pa din ang mahal mo.."
"Wow lang ha.. Ang lakas naman yata ng hangin.. Masyado naman yatang mataas ang tingin mo sa sarili mo..." sabay tayo ko sa pagkakaupo namin..
"Kung hindi mo na ako mahal, sabihin mo yan ng harapan sa akin"
Tumayo sya.. at ... humarap sya sa akin.. Ang mata nya.. bakit puno ng sakit.. hindi ganyan ang mata ng Ralph na kakilala ko..
"Sabihin mo...."
Bakit ayaw bumukas ng mga bibig ko para sabihin 'yun sa kanya..
Iska ito na 'yun pagkakataon na hinihintay mo.. di ba nakamove on ka na sa kanya..?
"Hindi na .. kita ... ---"
Aist .. ano ba Iska...
"Pwede ba Ralph.. Tumigil ka na! Tama na!! Wala na patutunguhan yun paguusap natin..Bumalik ka na sa pamilya mo!! Sa asawa at anak mo!!!"
sabay talikod ko sa kanya..
"Anong sinasabi mo?"
wow! in denial.. sige.. mag sinungaling ka pa..
Humarap ako sa kanya... at bigla sya nagsalita..
"Asawa? Anak? Nagpapatawa ka ba?"
"Ano? In denial ka lang?"
"Kung si Celine ang sinasabi mo.. Hindi naman kami ikinasal.. At anong anak?"
"yung--- yung baby... sa... sa wallet mo!"
"Kapatid ko 'yon.. Si CM.. bunso namin..."
Nagulat ako sa sinabi nya..
All this time pinaniwala ko ang sarili ko na sila ni Celine ang nagkatuluyan at may anak sila..
"Ka-kasi ng magkita kami ni Manang Flor noon.. nakita ko kasama mo yun baby kaya akala ko... baby nyo..." napayuko ako sa hiya..
Natatawa si Ralph sa akin
Kahit ako parang nahihiya sa mga rebelasyon ko sa pag rereact ko sa mga bagay na mali pala..
"Anak sila ng Mom at Dad.." bigla lumungkot ang mukha ni Ralph..
"Anak nila? bakit parang you are excluding yourself from the family.. Akala ko okay na kayo?"
Pagkasabi ko noon ay bigla napayuko si Ralph.. natahimik sya at nakita ko na lang na umiiyak na pala sya..
Ano na naman ang ginawa ko?
"Ba-bakit ka umiiyak dyan...!! kalalaki mong tao!! Umayos ka nga!!" pagtapik ko sa balikat nya.. Tumingin sya sa akin.. Ang sakit na nakita ko kanina sa mga mata nya ay lalong lumalim.. Nakikita ko na gusto nya may masandalan sa oras na 'to..
BINABASA MO ANG
Maid for Love
Teen FictionPaano ba maiinlove ang magkaibang tao na may magkaibang mundong ginagalawan. Maraming pagkakaiba. Maraming hadlang. Maraming doubts. Paano mo masasabing mahal ka nya kung iisa ka lang sa mga ordinaryo sa mundo nya? Cast: Yoon Eun Hye - Francisca "Is...