Lance P. O. V
Andami ko ng naiisip na ikwento kila tatang pagdating ko, kaunti narin ang mga taong nakakasulbong ko dahil nag aagawan na ang dilim at liwanag, unti unti naring nagsisiilawan ang mga bumbilya sa bawat poste ng dinaraan ko
Bahala na kung san man ako tutuloy...
Bulong ko sa kawalan saka pinagpatuloy ang paglalakad
Natanaw ko naman agad ang puntod nila tatang at lumapit dun, napatigil na lang ako ng tuluyan kong nakita ang lapidang may naka ukit na pangalan nila
Unti unting lumabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha sa mata ko, nakatayo lang ako at hindi ko alam ang susunod kong gagawin.
Nakailang minuto pakong nanatili sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko, kumawala narin ang luhang nagbabadya ng tumulo at tanging hikbi narin ang maririnig sa nakakabinging katahimikang ginagawa ko, pinunasan ko ang naghalong sipon at luha sa mukha ko at umupo sa paanan ng puntod nila nanang.
Andaming pumasok sa isip ko na sasabihin pagdating ko dito pero ni isa dun walang lumabas sa bibig ko at tanging hikbi at pagsinghot lang ang naririnig ko mula sa sarili ko
Pilit akong ngumiti pero tagaktak parin ang luhang kumakawala sa mata ko
"Na- nanang na- nagiging iyakin nako!" pabiro kong tono kahit na basag na ang boses ko...pabalik balik rin ang pagpupunas ng kamay ko sa mukha ko dahil mas lalong dumami ang luhang kumakawala sa mata ko
"Tang?!......iyakin napo yung panganay nyo!"pilit parin ako sa pagngiti kahit tagaktak parin ang luha sa pisngi ko, nilapat ko nalang ang kamay ko sa mga tuhod ko at hinayaang tumagaktak ang mga likidong nagmumula sa mga mata ko...
Nami-miss ko na po kau....
Napayuko nalang ako at pilit na pinipigilan ang paulit ulit kong paghikbi, hinayaan ko lang ang pagtulo ng mga luha ko at humarap muli sa puntod ng magulang ko
"Nang...." huminga muna ako ng malim at kinalma ang sarili ko, ayoko namang puro iyak lang gagawin ko dito mukha akong tanga
"...kamusta po?" pinahid ko ulit ang luha sa pisngi ko
"...ngayon lang po ako ulit nakabisita eh!" kahit mukha akong timang dito pilit parin ako sa pagkwekwento ng kung ano ano, hanggang sa may naalala akong ikinatulo ulit ng luha ko
"Nang?!....bat nyo pa po ako kinupkop?!" naramradaman ko ang pangingilid ulit ng luha ko pero nagawa ko paring ngumiti
"....malas po ako eh!" hindi ko alam kung san ko napulot yun, pero gusto kong malaman kung bakit
"....biruin nyo sabay po kau nawala tas nung tumira pako kila lola nagkanda leche leche pa buhay nila!" napaayus ang upo kung umihip ang malamig na dumampi sa pisngi ko
" Iam such a loser and a mess!!" napatingala ako at tila nakikisabay ang langit sa pageemote ko,malapit ng umulan
Natigil nalang ako sa pagiyak dahil sa pag harang ng panyo sa harap ko, napatingala ako at nadagdag pa sa pagkagulat ko ang taong nakatayo sa gilid ko...
Shin P. O. V
Iam just listening at his back at yun na ata ang pinakamahabang salita na narinig ko sa kanya, and iam totally frozed with his last words, something pinching inside me, I can't take it anymore as he burst into tears...
Someone's telling me that he needs comfort pero one side of me telling that leave him alone, but I fond my self approaching to him...
Fvckk!!! what's happening on me?!
BINABASA MO ANG
I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)
FanfictionHis last year will be worst as hell.... His quiet life will put in danger... His happiness will turn to sacrifices.... His life will be ruined... His difference makes him nobody from them... He's the toy of all... But... what if, when he wak...