CHAPTER 16

2K 149 3
                                    

Lance P. O. V

Nag antay uli kami sa pagpasok ni Aeron at kung sino ang nambubulabog sa paguusap namin pero ang akala kong si Aeron lang ang muling papasok ay nagkamali ako, may kasama siya kasunod nito at hindi ko inaasahang tama ang hinala ko..... Its him.....

"Kuya, kaibigan mo daw kaya pinapasok ko na po. " pasada ni Aeron pagpasok nila napatingin naman ako kaya Derk na nililibot ang paningin sa napakaliit naming tahanan, hindi siya naabutan ni Aeron kaya hindi niya ito kilala

"Kilala mo siya kuya?! Kung hindi paalisin ko na po, kilala kita kuya, kaya sa itsura nitong kuyang gwapong to imposibleng kaibigan moto, wag kang magalit kuya pero napakailap mo sa tao, saka...."humarap ito kay Derk na masama ang tingin

"...kuyang pogi kung gagamitin mo lang yang itsura mo para magpagawa ng project kay kuya umalis kana hindi ako papayag na hanggang bahay eh inaabuso nyo yung kuya kong nakakainis!!" saka siya lumapit kay derk na pilit na tinutulak kahit sobrang liit niya.

"Wait lang bata, kilala ko yang kuya mo saka hindi ko gawaing-" naputol ang pagmamaktol ni Derk ng nagsalita si lola

"Hoy!!!Hoy!! Hoy!! Ron ron bata kang talaga wag ka ngang ganyan sa bisita masama yan, nako Derk pagpasensyahan mo na yang kapatid nitong si Lance at daig pa ang babaeng may buwanang dalaw, nabalitaan kong kararating nyo lang nung makalawa, tara pasok ka at mukhang marami rami pa tayong paguusapan!" Maligayang paanyaya ni lola dito, nakatingin lang ako kay lola na tila kakakita palang niya ng anak niyang nag abroad sa sobrang saya, laging naglalagi si derk dito nung grade school palang kami dahil sa kalapit lang ng barangay namin ang subdivision nila lagi siyang tumatambay dito, mas apo pa ngang turing siya ni lola dahil sa sobrang daldal nito na kabaligtaran ko lang, kaya lagi nyang napapangiti si lola, wala ding alam si lola kung bakit naglaho nalang siyang parang bula, kaya siguro ganyan siya kasaya, tumayo akong di nagsalita at nag bow sakanya

"Uhm, upo po kayo Sir. Derk" pananyaya ko sakanya at tinuro pa ang inupuan ko, nawala naman ang ngiti ni lola sa inasal ko, wala din siyang alam sa nangyari kaya ganun nalang din ang pagkabigala niya.

"Ah! Lola gusto ko din po sanang makakwentuhan kayo kaso po-" napatingin sakin si Derk ng seryoso

"-si Lance po ang sadya ko kaya kung pwede po sana.... " napakamot pa ito ng batok

"Makausap ko po siya ng kami lang! " tumingin naman ako kaya lola pero nabaling ang tingin ko kaya Aeron na agad tumutul

"Hindi pwede... Dapat nandito kami ni lola baka pagbantaan mo yan si kuya lagot ka dun sa kuya poging pumun-" pinutol din ni lola ang pagdadaldal ng kapatid ko

"Ay! Ronron usapang matanda yan kay batabata mo pa, abay masama yang nakikisali ka sa usapan ng may usapan! " pangaral na sambit ni lola kaya aeron

"Pero-" tututul pa ang bata ng tinignan siya ng masama ni lola napabusangot siya at padabog na dumako sa kwarto nila pero bago siya pumasok lumingon siya kaya Derk at tinignan siya ng masama at tinuro ang dalawang daliri nito sa mata niya at sa mata ni derk, napailing iling nalang si lola habang nakatingin sa pagkawala ni aeron sa paningin namin

"Ohh siya...sige na mamamalengke muna ako, kayo ng bahala dito isumbong mo sakin yang kapatid mo pag hindi tinigilan yang si Derk, sa susunod nalang tayo magusap iho, mukhang napakarami ng pinagbago mo simula ng umalis ka!! " tanging ngiti lang isinagot ko kay lola at hinatid siya ng tingin papalabas ng bahay....

"May kapatid ka palang masungit?! " nabaling ang atensiyon ko kay derk na nakatingin parin sa pinaglabasan ni lola.

"Ano po pala ang sasabihin nyo sir derk?! " deritsyahang tanong ko mahirap maging komportable pag may kaharap kang mas mataas sayo

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon