CHAPTER 15

2K 153 1
                                    

Lance P. O. V

"Pikachu ikaw ba yan?!" that name again..... his voice is full of excitement
Nagkunwari nalang akong hindi siya narinig at nagumpisa ng maglakad pero nakailang hakbang palang ako para lumayo hinaklit niya ang braso ko dahilan para mahila niya yung laylayan ng jacket ko at muling tumambad ang galis kong mukha sa perpekto niyang mukha, he evolve to be a perfect guy, hindi ko din maaakala na siya yung derk na kasama ko mag review at kumain DATI,

"Hey!!! Bat ka kumain ng sea foods!? " alam parin pala niya hahahhaha nakakatawa lang isipin pero bago pa siya makalapit tinalukbong ko ulit yung hood dahilan para matigil siya, bat kasi ang laki laki ng jacket ni tatang sobra tuloy sakin kaasar,nag bow ako sakanya

"Uhmm.... Kayo po pala SIR. DERK pasensya napo hindi ko po kayo napansin!" kasual kong pagbati sa kanya he's above over me kaya dapat lang ding respituhin siya

"What was that for!? " gulat at takang tanong nito

"Ang alin po?! " kahit alam ko kung ano ang tinutukoy niya i act casually, never attach to them dahil ikaw din ang kawawa tulad dati

"Huy!! Ayos kalang ba hindi mo naman kailangan maging formal... Look.... Maybe i look different but iam still your old friend!! " yeah OLD....pero marami ang nagbago ....ewan kung anong dinadrama ko diba dapat masaya ako dahil magkakaroon nako ng ituturing kong kaibigan pero parang iba, ewan siguro sira na ang turnilyo ko sa utak...

"Ahh.... Sige po mauuna na po ako, welcome back din po pala ! " then a scripted smile, tinawag pa niya ko pero binilisan ko na ang paglalakad napanatag naman ako dahil hindi na siya sumunod mas okay ng malayo ako sa kanila dahil mauulit ulit ang bagay na pinagsisihan kong gawin dati......
Nakarating ako sa bahay na patay lahat ng ilaw a smile suddenly appears in my face, susurpresahin ko si Ron pero ako atah ang nasorpresa nakakandado yung pintuang kawayan namin, napanguso tuloy ako asar kala ko makakaisa ako sa kanila pero sarado napilitan tuloy akong katukin sa bintana sila lola......

"Lah!!! Pabukas po nung pinto... "Pagkatok ko sa bintana tanaw ko silang dalawa na mahimbing na natutulog ng magkayakap ang cute nila...

"Lah!!! Pabukas po nung pinto! " gumalaw naman si lola at nagmulat ng mata kumaway pako sa kanya ng makita niya akong nasa binta

"Wala naman pong mananakaw sa bahay natin bat nyo pa po kinakandado!? " pagkatapos kung makapasok at ilapag sa kawayang mesa ang dala kong pandesal

"Bakit sa kalagitnaan kapa ng gabi umuwi dapat pinagpabukas mo muna saka ano yan ?!" Sabay turo ni lola sa mukha ko

"Ang alin po?! " takang tanong ko pagkaalis ko ng jacket ko

"Anong ang alin alin ka diyan, alam mo naman hindi biro yung allergie mo bat ka kumain ng lamang dagat hah!? " lumapit sakin si lola sa inipit ang pisngi ko gamit ang palad niya kaya napanguso ako, ang galing din pala nung bareta na nagamit ko medyo wala na yung kati pero kita parin yung pantal sa mukha ko, bat kasi hindi ako nabilad sa araw nung bata halata tuloy tong pantal dahil sa puti ng letcheng kutis nato...

"Lah, hindi naman napo makati kaya wag napo kayong mag ingay baka magising si Ron-ron hindi ko po siya masusurpresa!! " reklamo ko kay lola na hindi binitawan sa pag ipit sa pisngi ko

"Juskong bata ka talaga sandali lang kukunin ko yung gamot sa loob! " may pinapahid si lola sakin tuwing nagkakaallergie ako ewan mukha siyang mantika, galing daw sa probinsiya effective naman dahil nawawala yung pantal...

Hindi na din kami nagusap ng matagal ni lola dahil sa bawal itong mapuyat matapos nila pahiran yung likod ko sinamahan ko na sila papunta sa kwarto nila para makapagpahinga pero bago pako makaalis hinalikan ni lola yung noo ko at naramdamang may tumulong mainit na likido sa mukha ko

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon