CHAPTER 13

2K 156 4
                                    

Lance P. O. V

Sa buong linggo kong pananalagi sa school nayun walang araw na hindi ako pinipeste ni jasper matapos ng araw na sinamahan nya ko sa clinic araw araw nyang binabanta na luluhod siya at magmamakaawa kaya ayun buntot ng buntot sakin ewan pero parang nasasanay nako nagmumukha din naman kasi akong alalay nya tuwing nagkakasama kami kaya okay lang sa mga nakakasalubong namin.

Ngayon ang uwi ng magulang ni Shin at abala lahat ng katulong dito sa paghahanda,aba ewan sabi lang sakin ni lola ides pumayag daw ang kasosyo nila sa negosyo na makisama sa kompanyang pinapatakbo nila, kaya lahat kami abala sa paghahanda na pinapaluto nila nakisama na ko since nag H-HRM ako pero puro mga sea foods ang niluluto medyo naiilang ako kasi bata palang ako may malala na daw akong allergie sa ilang klase mga lamang dagat tulad nitong napunta pa saking alimango pinapagata nila sus tinitignan ko palang nangangati nako, pero ayoko namang mag inarte hindi naman ako maganda sasahod naman nako sa susunod, uuwi din ako bukas kila lola, hindi na din sila madalas napapatawag sakin dahil sa wala daw silang pampaload kaya babawi ako bukas.....

Nalinisan ko na yung alimango pero namumula na yung kamay ko, shit mahirap naman ako pero bat parang pangmayaman ang balat ko, buset ang sakit kamutin T_T

"Ano yan lance?! bat parang napaso yang kamay mo, sobrang pula! Oh! " napalapit sakin si lola ides habang mukha akong asong may galis na kamot ng kamot

"Hehe!, ayus lang po 'to allergie po kasi sa alimango makukuha naman po 'to sa sabonsabon" pakteng allergie to...

"Nako wag mo nga bastabastahin yang allergie nayan tignan mo nga.hindi naman ata normal na allergie lang yan ?!, dios ko talagang bata ka. una inatake ka ng hika mo, tapos sa labas kapa natulog nung nakaraan tapos ngayon ayus yang allergie mo? kahit bata ka wag mo namang abusuhin yang katawan mo.. Tsk tsk tsk" napangiti lang ako sa reaksiyon ni lola habang pailingiling pa

"Nako anong tinatawatawa mo pa diyan seryoso akong bata ka... Oh siya ako na tatapos nyan ikaw nalang maghanda mamaya sa bisita nila ser! " nagpunas nako ng kamay bago lumabas sa kusina baka batukan pako ni lola mahirap na.....

Past 11:15am ng makarating sila, nasa hapag na silang lahat habang naguusap tungkol parin sa negosyo, ng mabaling ang usapan kay Shin na kanina pa walang imik na nakatitig lang sa pagkaing nasa harap niya,

"Oh, Shin its nice to see you, kamukhang kamukha mo talaga ang daddy mo nung kabataan niya! " baling ng isang napakagandang babae pero parang may edad na

"Really!! " walang gana nitong sagot habang tinutusok tusok ng tinidor ang kinakain nito, natahimik naman kaming lahat na nakatayo sa isang gilid dahil sa inasal ni Shin...

*uhumm

Nabaling naman ang tingin namin sa papa ni Shin na halatang hindi nagustuhan ang pagasal nito

"Uhmm really tita thanks for that! " inulit ni Shin ang sinabi nya ng may pagkatamistamis na ngiti pero halatang napakaplastik , natahimik naman ang dalawa nilang bisita kasama si ma'am Reigh na pinapahinahon ang asawa nitong malapit ng sumabog sa galit, nagsalita ulit si Shin dahilan para mabasag ang katahimikan.

"Where's the soup!? " may halong galit sa tanong nito, umalis ako sa pila ng mga kasambahay na nakahelera sa may isang sulok na naghihintay ng iuutus..
Kinuha ko sa kusina ang pinaluto nila saking ginataang alimango ewan kung anong tawag dito, culinary kinuha ko pero napakabobo ko sa mga pangalan ng dishes, bakit ba??
Dalidali kong tinungo ang dining area, baka mapasubo nanaman ako, nanggagalaiti panaman yung Shin na yun..

Paglapit ko tumango si Shin ng buksan ko sa harapan niya ang pinaluto nila sakin, siyempre nag bow ako
"Ikaw ang nagluto?! " gumihit ang inis sa mukha nito na nagpataas ng lahat ng balahibo ko sa buong katawan, tumango nalang ako habang hawak ko sa likod yung ng nanginginig ang kamay ko ,

"Sh*t sino nagsabing ikaw ang magluto nito?!"galit na asik nito .

"SHIN!!" nabaling naman ang tingin ko sa daddy ni Shin habang nagpipigil na nakahawak ang kutsara nito,.
gumuhit ang ngiting nagpataas ng lahat ng bahahibo ko sa buong katawan

"Relax dad! " nakangiti sagot nito sa kanyang ama, nakatingin lang ako sa inilapag niyang alimango sa plato niya habang binubuksan ang lamang loob nito, kumuha siya ng karne nun at tumingin uli sa gawi ko

"It would be nice if the chef eats it first! " napalunok nalang ako sa sarili kong laway habang nakatingin sa kutsarang papalapit sa bunganga ko,

"Pasen-"hindi pako natatapos ng bigla niyang isungalngal sa bunganga ko yung kutsara dahilan para matusok ang dila ko nung kutsara

"Ang arteng bakla... " bulong nito habang diringdiring tinapon yung kutsara sa plato nito, bumaling naman siya ng nakangiti sa kaharap niyang kumakain.

"I just test if its not poisonuos, by the way iam full, excuse me for a while! " saka siya tumayo at binungo pako, sh**t.. nagdadalawang isip pako kung lulunukin ko yung nasa bunganga ko, napaka bastos naman kung iluluwa ko sa harapan ng bisita ni sir Shan

"SHIN COME BACK HERE!!, " sigaw ng amahin nito pero dirediretso lang ang walangya sa kwarto niya
"Sorry for that bro" nabaling naman ang tingin sakin ni sir Shan, "lance ayus ka lang ba?!" Nilunok ko na yung alimango, bahala na,sana hanggang kati na lang to...

Napatungo ako ng mukha at humarap kay si Shan
"Ar-ayus lang.... *uhurmm.....po sir! " ngiti kong saad saka nag bow at dalidali nagtungo sa cr ng kusina, namimilipit na yung leeg ko sa kati, pagkaharap ko rin sa salamin saka nagsimula ng namula ang mukha ko,

paksheet,

Binuksan ko yung faucet saka dalidali kong tinusok ng daliri ko yung lalamunan ko pero walang nagyayari nagsisimula naring magpantalpantal yung mga braso ko, bat parang hindi to allergie pakte naman, nagsimula ng mangati ang buong katawan ko dahil sa kinain ko...

Paksheet.....

Paksheet.....

Nakarinig ako ng pagkatok sa may pinto

"Apo, aba ipakita mo na yan sa doktor, magaalala ang magulang mo kung sakaling lumala iyan!! " sakabila ng pamimilipit ko sa kati nagawa ko pa ring makasagot kay lola

"Nay, ayus lang to mukhang- uhurgm- nangati lang naman po ako wag na po kayong magalala! " sheet pulang pula narin ang lalamunan ko nilakasan ko pa yung faucet at wala nakong pakialam kung bareta pa ang maisabon ko sobrang kati talaga ng buong katawan ko

"Abay! Buksan mo tong pinto nagaalala nako sayong bata ka ni hindi panaman mukhang normal yang allergie na yan! " nilalakasan na ni lola yung pagkatok sa pinto at lumalakas na rin ang pagsigaw nito na parang natataranta, sa sobrang pagrereklamo ng katawan ko sa sobrang kati nagawa ko paring ngumiti dahil sa inaasal ni lola sobrang swerte siguro ng mga anak at apo nya...

"La, ayus nga lang to medyo nawawala narin po dahil dito sa sabon! " sagot ko pero sa totoo lang hindi talaga mawalawala ang kati sa buong katawan ko pisting alimango nayan.

"Naku lumabas ka diyan at sasamahan kit-" hindi na natapos ni lola yung sasabihin niya ng sumabay ang pagtawag sakanya ng isang katulong

"Nay ides pinapatawag ko kayo ni sir Shan sa labas importante daw po! " tawag sakanyanng isang kasambahay

"Sige susunod nako! " rinig kong sagot ni lola sa labas saka ulit sya kumatok

"Lance, ipatingin mo yan sa doktor total day off mo naman bukas wag mo ng palalain yan! dios kong bata ka!"

"Ayus naman na po ako la, humuhilom naman po kahit papano" peste tinigilan ko na ang pagkamot dahil sobrang pula na ng katawan wala ding silbi mas lalong lumalala

"Oh siya lumabas ka na diyan at pinapatawag pako ni ser! " narinig ko nalang ang malalim na buntong hininga ni lola at yabag nito papalayo sa banyo nitong kusina
Humarap ako sa salamin pero walang pagbabago sa pamumula ng buong katawan ko nagpantalpantal narin ang mga kulay pulang tulduk tuldok sa mukha ko na nagkalat narin sa mga braso ko, tiniis ko nalang ang kati at mabilisang lumabas sa banyo lumingalinga pako sa labas at ng masiguro kong walang tao dumiretso ako sa bodega para magpalit ng pantago ng mga pantalpantal ko...

A/N: pls vote and comments pls para alam ko kung pano pa maimprove ang fvckin b*tch writting skill ko saka pang inspiration na rin next chappy....v ^_^v

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon