Lance's P. O. V
Pagka-uwi ko sa bahay tinulungan ko na si lola sa pag luluto ng hapunan, masyadong marami daw ang namakyaw ng paninda nyang turon kaya medyo pagod ang matanda na ngayoy nagpapahinga na.
Diretso narin ako dito sa higaan ko pagkatapos kong maghapunan dahil marami-rami pakong kailangang tapusing assignments at babasahing textbook para sa majors ko.
Nag-take ako ng culinary sa last year ko dahil bukod sa maikli lang ang panahon para sa pag-aaral, pangarap din to ni Lola ang maging isang kusinera simula daw nung bata sya , kaya pinangako kong ako na tutupad sa pangarap nyang yun.
Pasado alas onse na ng gabi bago ako dinalaw ng antok, kaya matapos kong ligpitin ang mga textbook na ginamit ko eh napag-pasyahan ko naring matulog dahil umpisa ulit ng panibago kong kalbaryo para bukas.
.
4:30am
."Ano la!! tara na?! " sanay nako sa pag-gising ko ng ganitong oras para samahan si Lolang ihanda ang pwesto nya sa may palengke-han.
"Ohhh siya, gisingin mo na yung kapatid mo at ng makaalis natayo"
"Gumawa pa po yan ng assignments kagabi La bago matulog, kaya hayaan nyo po muna, magigising din po yan mayamaya."
"Ohh sya halikana"
.
S.U
.
Matapos kong ihatid si lola sa bayan dumiretso nadin ako sa S.U, maya-maya pa namang 8 start ng klase ko at 6:50 palang naman, kaya para maibsan ang haba ng oras na hihintayin ko eh nag-pasya muna akong dumaan sa may Music Room.
Siguro naman wala pang tao sa ganito kaagang oras, walang mayaman ang magtatangkang pumasok sa oras na 6:50 ng umaga kaya pwede muna akong tumugtug, kadalasan sila-sila ang nag-ha-hari-harian sa school na to purki tuition nila ang pinang-sa-sahod sa mga teachers dito.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng music room kasabay ng pagsilip ko sa kabuuang loob nito, dito madalas nag-pra-practice ang mga club tuwing may mga events na mangyayari sa school.
Ewan ko nga kung anong pumasok sa utak ko't naligaw ako dito, medyo alam ko naman tumugtog ng gitara dahil nange-nge-alam ako minsan sa gitara ng kapitbahay namin pag napapadpad ako sa bahay nila.
Tinignan ko ang buong sulok ng room at ganun nalang ang pagkamangha ko sa dami ng instruments ang nakakalatdito
(malamang music room nga b*bo) kinuha ko yung isang gitara saka umupo sa may drumset.
_ _ _ * * * _ _ _
Shin's P. O. VThe heck is this life, kadiring pamamahay.
Umalis nako sa bahay namin dahil umaalingasaw ang kababuyan sa bawat sulok ng bahay
Umuwi sila Daddy kagabi ng diman lang nagpasabi, and worst thing is kasama nya yung dugyot na transgender na pinalit nya lang kay mama after nito mawala saamin dahil sa isang aksidente.
Hindi ko masikmura ang ambiance sa bahay dahil sa baklang yun, nakakasulasok.
Iniisipin ko palang na may kasamang bakla si daddy nandidiri nako, hindi ko naman magawang magalit kay Papa dahil ama ko parin sya.
Hindi ko lang talaga masikmura na sa dinami-dami ng pwede kong maging step mom ehh sa isang bakla pa tsss.
Ang aga kong pumasok sa University dahil di ako nakatulog dahil baka kung anong gawin ng baklang yun, sa gwapo kong to? baka makagawa pa siya ng kasalanan.
BINABASA MO ANG
I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)
FanfictionHis last year will be worst as hell.... His quiet life will put in danger... His happiness will turn to sacrifices.... His life will be ruined... His difference makes him nobody from them... He's the toy of all... But... what if, when he wak...