CHAPTER 1

7.7K 244 10
                                    


Someone's P.O.V


"Please!....

please!....

help me.....

I know he's alive!"

im fuckinly tired, it almost 15 years but I have my guts that he's alive.....I won't give up on you little bro.

*Calling...Secretary

[Sir, I got a lead!]

_ _ _ * * * _ _ _

Lance's POV

"Kainn"  paanyaya ko sa sarili ko, ng biglang

"Hey!!!Fag!!! " Here we go again

Papa God sana pala humingi ako ng sign sainyo, naku naman... dapat pala sa library nako kumain yawa.

Lumingon ako sa taong tumawag ng kinasanayan nilang itawag sakin, kabisado ko na ang boses ng demonyong diko naman alam kung bakit naghihimutok ang budhi sakin.

Ganun ba pag iba ka sakanila?

Tinakpan ko yung baon ko bago tumayo at yumuko sakanya, kailangan kong gumalang sa lahat ng nandito dahil kung hindi patay ang scholarship ko.

Agad naman silang lumapit sa kinaroroonan ko kaya tinabig ko nalang sa likuran ko ang baong dala ko, ayokong makita nila ang kinakain ko isipin pa nila pati pagkain na ng aso binabaon ko.

Diko kasi afford pagkain dito kaya itlog maalat at milo nalang binaon ko, heaven na sakin tong ulam nato no haha, bihira lang din ako makabaon ng medyo masarap-sarap na ulam kaya kahit ganitong simpleng baon lang eh laking pasalamat nako dahil kahit papano napupunan ang gutom ko.

"Dirty fag!, get out of here  and get my bag in the rooftop, I don't wanna see your fuckin face here.tsk!"

tumango ako at agad na tinungo ang labas ng cafeteria, sanay nako sa ganito, tatlo lang kaming scholar dito kaso ewan ako ako ata ang  tumama sa lotto at ako ang kinahihimutukan ng mga demonyo dito.

Pero bago pako maka labas sumigaw ulit ang anak ng may ari ng school na to.

"HEY!!! FAG!!! JUST GET IT AND DON'T YOU EVER OPEN IT " sigaw nito, nilingon ko sya at yumuko, ewan ko ba kapapanood ko ng k-drama nahawa nako.

Napagkamalan  pakong magnanakaw, iba talaga pag malayo agwat mo sa mga taong mayayaman kriminal ang tingin sayo bilang mahirap tss..

Habang nag-dra-drama ako paakyat sa rooftop napangiti nalang ako ng mapait dahil sa naiisip ko, ano pa bang magagawa ko, eh dito kami pinamulat sa kahirapan? tatapusin ko  nalang itong isang taon ko dito at pag-pu-pursigihing i-ahon sila lola sa katayuan namin ngayon.

2:00 pm pa naman start ng aftrenoon class ko pero dipako nakakapag lunch

Pinasadya nya talaga ang rooftop sa 10th floor building nato para sa tambayan nilang mag-tro-tropa... iba talaga kapangyarihan ng pera no? kaya mo paikutin ang mundo at gumawa ng sarili mong buhay.

Pagdating ko sa taas nakita ko naman yung sinasabi nyang bag, nag-i-isa lang naman to dito kaya maingat ko itong dinampot saka napag-pasyahang muling bumaba.

Nakaramdam nako ng gutom sa gitna ng pagbaba ko sa hagdan, bawat hakbang ko ay unti-unting umiikot ang paligid ko.

Naalala ko di pa pala ako nakapag almusal kanina matapos long ihatid si Lola sa palengke, makabalik pa sana ako ng may malay.

Tuluyan ng nilamon ng pagkahilo ang paligid ko kaya napaupo nalang ako habang pilit na binabalik sa wisyo ang paningin ko.

"Ano ba Lancee... huy!! wag kang mahihilo walang magtatangkang tumulong sayo dito" paalala ko sa sarili ko saka muli lang tumayo para iwaglit ang pagkahilo ko.

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon