Lance P. O. V
Sabi ni Kei agahan ko daw ang pasok para mao-occupy daw namin ang magandang spot na pagpra-practice-an namin pero 30 minutes nakong naghi-hintay wala parin sya...nasabihan kami kahapon na ngayon ang umpisa ng mahaba-habang practice para sa darating na Mr. and Ms. S. U.
"Lance!" napalingon naman ako sa taong kanina ko pa hihintay na nagta-tatakbo papalapit sakin
"Bat ka naka uniform? Ganyan kang hihiga-higa sa practice mamaya?" agarang sita nito saakin paglapit nya...
"Malinis namang ang tiles sa taas ah!" pagdadahilan ko pa dahil wala talaga akong mahanap na isusuot nasabi ko ba na kahapon lang eh sya lahat nagdesisyon sa kausap nya namagtuturo "KUNO" sakin... naalarma ako sa sabi nito kahapon na "I gott'cha back lance ako ang bahala sa LAHAT!!" mukha kasing may binabalak syang ikagugunaw ng pagkatao ko pero wala akong nagawa at puro tango ang sagot ko... they also plan na full package daw ang gawin ko dahil sayang naman kung sasayaw lang daw ako kaya sabi nila kakanta at sasayaw daw ako na mas lalong ikina-lumo ko dahil paniguradong sobrang hirap nun.
Yung mentor ang nag-suggest na ON THE GROUND by: Rosé daw ang ipe-perform ko bukod daw kasi sa hindi masyadong kailangan ng galaw eh masasapawan daw lahat ng pag-kanta l kaya ikinagaan ng isang porsyento ng dibdib ko dahil wala talagang aasahan kung lambot ng katawan ang paguusap...yawa!! magpalate kapa kasi lance
"Ayy!! Lance sinasabi ko sayo mag mumukhang basahan yang uniform mo dahil literal na ON THE GROUND ka sasayaw!" muli nitong sermon at iniimagine ko kung pano ang katarantaduhang ipapagawa nila sakin, sikat pa naman yung kantang yun baka babuyin nila Kei mapahiya ko pa yung singer.... iba kasi takbo ng utak ng babaitang to eh
"Oh!!" napatingin naman ako sa inabot nito na pink short at oversized na plane black t-shirt
"Pasalamat ka at may extra ako AT!..." napataas pa sya ng hintuturo nya kaya nagulat ako
"...wag ka na magreklamo at isuot mo na yan kung ayaw mong pati ako bungangaan nung magtuturo sayo!" saka nako nito sapilitang itinutulak palayo
Nak naman!! kagagahan mo kasi lance at nagdrama ka kahapon.
Laking pasalamat ko dahil hindi masyadong maliit ang pinahiram ni Kei na short dahil baka sumilip si itim na singit mahirap na, laking tulong din ng oversized na damit dahil natatakpan nito ang pink na kulay nung short kaya ilang inch lang ang labas sa short na suot ko."Kei!!" Pagtawag ko sa atensyon nito dahil nandun parin sya sa pinaghihintayan ko kanina. Pilit ko pang inuunat yung short pababa ng lumapit ako sakanya pero tinabig nya ang kamay ko at kunot noong humarap sakin
"Wag mong ibaba...grabe lance daig mo pa legs ko sayo" nagbago naman ang expression ng mukha nya at kinilatis ako paikot
"Pak!! Dapat pala maikling shorts ang uniform nyo para maexpose yang kinis mo...grabi nakakainggit" mahina ko namang pinitik ang noo nito at tinignan sya ng masama
"Sira!...halika na nga!" paganyaya ko sakanya dahil nasasapian na naman sya ng engkanto
Nasa may 8th floor ng building namin ang bakanteng room kung san kami magpra-practice, dito din madalas mag-practice ang ilang sinasabak sa dance competition kaya ganun nalang ang paghahabol namin ng hininga ng marating namin yun, nakabukas naman na ang pintuan nun at maririnig ang pagkuskus ng sapatos sa flooring nung room kaya pinasok na namin ang room at may mangilan-ngilan ding mga istudyanteng naka civilian attire na sa tingin ko ay mag-prapractice rin.
Natanaw namin sa may di kalayuan ang mentor na kausap namin kahapon at nabigla nalang ako ng nasa amin ang atensyon ng mga istudyante habang papalapit kami sakanya, mariin akong nagbow sa bawat nakatingin samin at bakas sa mukha nila ang ngiti...yawa anong meron
BINABASA MO ANG
I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)
FanfictionHis last year will be worst as hell.... His quiet life will put in danger... His happiness will turn to sacrifices.... His life will be ruined... His difference makes him nobody from them... He's the toy of all... But... what if, when he wak...