CHAPTER 7

2.1K 164 2
                                    

Lance Garcia's P. O. V

"Ahhh pasensya na po umiyak pa po kasi yung kapatid ko kaya napahapon na po dating ko pase-"

"Hindi pa nakapaguumpisa sa tratrabaho spoiled  na! Tskk" pare-parehas kaming napalingon sa taong umiinom ng tubig papalapit sa amin, nakapamulsa ito at direstong matalim na nakatingin sakin kaya agad akong nagiwas ng tingin at yumuko ng bahagya sakanya.

"Shut up Shin!! " suway ng daddy nya pero tanging asik lang ang sagot nito kasabay ng pag-dirediretso nya pa-akyat sa may second floor ng bahay nila.

"Manang Ides kayo na munang bahala kay Lance at may lakad kami, turuan nyo na rin  kung ano mga gagawin nya dito... sige po mauna na kami!! " paalam ni sir Shan kay lola Ides.

"Sige ser!!  Magingat po kayo! " hinatid lamang namin sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang lumabas sa napakalaking pinto ng bahay nila.

"Tara iho samahan kita sa tutuluyan mo"

"Ang bait po nila ano?" wala sa sariling usal ko habang nakatingin parin sa pintuang nilabasan ng mag-asawa.

"Bihira nalang ang among ganyan" bahagya akong napangiti sa loob-loob ko kasabay ng paggayak namin paakyat dun sa  may pangalawang palapag ng bahay nila, manghangmangha kong tinitignan ang bawat madaanan naming pader na may mga painting na sobrang ganda.

"And where you will bring that FAGGOT?!" nagulat nalang ako sa pagsulpot ng isang taong halos patayin ako sa isip-isip nito, bakas sa mukha nito ang pagkairita at salubong ang kilay nitong nakasandal sa isang pinto ng kwatro dito

"Sa tutuluyan nya po Ser" sagot ni Lola Ides sakanya, muli naman akong napatingala sa gawi nito hanggang sa pumaskil ang nakakalokong ngisi sa labi nito.

"I'll take care of him, go back to your work, follow me faggot!" utos nito kaya napatingin ako kay Lola na nag-a-alalang nakatitig sakin.

"San mo siya dadalhin, dito ang sinabi ng dad-"

"I'll bring him to the place where he belongs" pagputol nya sa sinasabini ni Lola ides kasabay ng paglingon nito sakin suot parin ang mapaglarong ngisi nito.

Tumingin ako kay lola at ganun din sya kaya mariin lang akong yumuko at tumingin ng 'ayos lang po ako'.

"Susunod kaba o ipapakaladkad kita sa security?!"pagtaas na ng boses nito kaya tuluyan akong gumalaw sa pwesto ko't sinundan ito.

Hindi ko alam kung san ang pupuntahan namin hanggang sa nakarating kami sa basement ng bahay nila na sobrang dilim, tanging liwanag lang sa labas ang naaaninag.

Pagbukas nito ng ilaw tumambad sa harapan ko ang naglalakihang kahon, mga agiw at papunding ilaw na syang nagbibigay liwanag sa isang masikip na kwartong ito.

Bigla akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib ko kaya pigil hininga kong pinapakalama ang sarili ko dahil sa nakakasulasok na kapal ng alikabok na nalalanghap ko, wag naman sana dito plss...

"Here's your room! " proud pa nitong saad habang nakapamulsa, yumuko ako bilang tugon saka ginala ang tingin ko sa buong sulok ng bodegang ito, sa pangalawang pagkakataon muli na namang sumikip ang dibdib ko na parang kinakapos sa hangin, masyadon maalikabok kaya hindi ako masyadong makahinga.

Habang pilit kong hinahabol ang hininga ko, isa-isa kong inilapag ang nga gamit ko sa isang sirang sofa ...

*cough...*cough...
Napaubo ako ng dahil sa kapal ng alikabok na sumabay sa ere  pagkababa ko ng mga gamit ko, wag muna dito please...

Pilit kong hinahabol ang hininga ko dahil any time baka diko mamalayang mahimatay ako.

Nakarinig ako ng biglaang pagsara ng pituan dahilan para mabalik ako sa pagiisip ko.

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon