CHAPTER 12

2K 162 4
                                    

Jasper P. O. V

Maaga akong pumasok dahil hindi ako mapakali hindi ko alam pero iba tong araw nato napalingon ako sa pumasok sa may pinto si Shin

"Bro where's lance?!" bungad ko sakanya ilang minute nalang klase na pero wala parin sya

"I dont know .. " sarkastiko nyang sabi saka sya sumalampak sa lamesa nya... Tskk

After an minutes lumabas nako para hintayin si lance..... Wait nagaalala bako??.... Of course he's my friend kaya normal lang to pagklaklaro ko sa utak kong kung anoano nalang ang naiisip....

He suddenly got my attention, isang lalaking kumukusot ng mata at nakayakap sa sarili nya

Si lance..... He looks pale and tired, napakabigat din ng lakad nya

"Are you okay!?" Tanong ko ng makalapit na sya sa papasok ng room pero tango lang ang sagot nya at dalidaling pumasok sa loob hinila ko naman ang braso nya dahilan para makaharap sya

"Hey-" napakainit ng braso nya

"May lagnat ka"saka ko kinapa yung noo nya pero bago siya naka iwas naramdaman ko na inaapoy siya ng lagnat...

"Samahan na kita sa clinic" hinaklit ko yung kamay niya para samahan pero piniglas nya, saka sya tumalikod at naglakad papasok, ang tigas talaga ng bungo ng taong to,

"Are you going or I will force you to go there?" low tone kong sabi dahilan para matigilan siya, now i know your weakness my lance.... No wait.... It's just lance not MY..

Lumabas ulit siya at dalidaling tinungo ang daan papuntang clinic, I can't take off my smile following him nakayuko lang siya and it's so cute ^3^ alam ko na kung pano ko sya maasar.....

_ _ _ * * * _ _ _

Seth P. O. V

Nasa tapat ako ng eksaktong address na pinadala ng kungsino man sya sana may mapala ako, matagal nakong tumigil sa paghahanap sakanya dahil puro mga mukhang pera lang naabutan ko't puro maling impormasyon ang nakukuha ko, pero sa huling pagkakataon may kutob akong may mapapala ako dito...

"Tao po!! " tawag ko sa isang napakaliit na bahay na mukhang ilang taon ng tinitirahan dahil sa sirasirang bubung tagpi-tagping kahoy lumabas ang isang matandang babae na gulat na gulat pagkita sakin..

"Pasok po kayo! " saka niya niluwagan ang pagbukas ng kahoy nitong pintuan

"Lola kung kayo po ang tumawag diretsahin nyo na po ako" walang ganang sagot ko naaawa ako sa sitwasyon ni lola pero hindi yung sapat para mahuli  ulit ako sa bitag ng mga mapagsamantalang tao, ilang beses akong nauto ng kung sino dahil sa desperado akong mahanap ang kapatid ko, bumagsak din ang negosyo namin matapos ang aksidenteng yun at paghahanap sa kapatid ko.

"Pasok po muna kayo! " alok nito, wala naman na akong nagawa kaya pumasok nako, its been 15 years matapos ng aksidente sa barko na naging dahilan upang umingay ang balitang namatay ang mag aswang Snyder kasama nila noon si Terrence pero walang makuhang lead ang mga pulis kung nasaan ang kapatid ko dahil walang nakitang katawan sa aksidente sinabi ko sakanila na suot nung kapatid ko ang bag kong kinuha niya bago sila umalis pero wala silang nakita, Terence is about 2 years old that time sinama siya nila mama papuntang bohol para sa lola namin pero dahil sa aksidente yun hindi sila natuloy...

Lumabas sa isang kwarto na hinahati ng kurtina ang isang batang nasa grade two ang tanda...

"Lola sino po siya?! " lumapit ito sa lola nitong abala sa paghahanap ng kung ano man ang hinahanap niya

"Apo bisita natin siya bumili ka ng titimplahing juice sa labas nandyan yung iniwang pera ng kuya mo!" ...kuya? Pero nasan siya mukhang silang dalawa lang ang nandito.

"Kailan po ba uwi ni kuya la?, namimiss ko na siya, saka nagtitipid si kuya sa gastos hindi nga po yun nakakainom ng juice pero paiinomin nyo tong mukha namang makakabili pa ng sandosenang juice kesa satin?!" Nagulat naman ako sa sinabi ng batang to hindi siya umaayon sa edad nya he's grown to be a practical child

"Nakong bata ka kung maririnig ka ng kuya mo kukurutin ka nun sa pisngi kaya dalian mo na... " pagtataboy ni lola sa apo nito napangiti nalang ako sa napapanood ko

" sige na nga po.. " saka siya padabog na lumabas, tumigil na muna siya sa tapat ko at tumingin ng masama

"Apo... "

"Eto na nga po! " saka na siya lumabas, napangiti nalang ako sa kilos nung bata

"Pag pasensiyahan mo na siya ayaw lang nun sa tao kaya ganun........ Saka-" tumigil siya sandali saka may inilabas silang bag...

Yung bag.....

Yung bag...... 

Yung bag na kinuha sakin ni Rence bago sila umalis nanlaki ang mata ko at nagbabadya na ang luha dahil sa nakita ko, ito yun itong ito yun.

Nanginginig kong inabot yung dahil sa kaba....

"Ba- bakit ngayon lang!?" Garalgal kong sabi ng tuluyan ng umagos ang luha ko.

"Bakit ngayon lang po???... Kinalat napo namin sa buong bansa ang pagkawala nya pero bakit ngayon lang po!? " wala akong paki kung magmukha akong engot dito pero kailangan ko ng sagot....

"Pumapalaot daw ang nanay at tatay nung batang kaninang sinungitan ka sa gabi ng aksidenteng yun, ipagbibigay alam daw nila sa pulis ang nangyari ngunit bago sila makaalis nakita nilang palutanglutang ang isang batang umiiyak sa isang kahoy-" nanginginig parin ako't mariing nakikinig sa kwento niya kaya pala walang makitang katawan sa aksidente

"Alam nilang yung bata lang ang nakaligtas kaya dalidali silang lumuwas dito at hindi na nila nireport pa sa mga pulis na buhay ang bata dahil sa takot nila, ilang taon ang nilagi ng batang yun hanggang sa nagkaisip at isang trahedya ang bumangungut sakanya, namatay ang dalawa dahil sa isa nanamang aksidente na nangyari kaya dito ko na kinupkup yung dalawa, pagkapunta nila rito hawakhawak pani
***** ang bag nya habang akay akay ang tinuturing niyang kapatid na anak ng magasawa-"naiiyak narin si lola habang nagkwekwento pero nakikinig parin ako

"Lumaki siya na tumayo sa sarili niyang paa, hindi narin kaya ng katawan ko kaya pagtitinda nalang ang nagagawa ko matustusan lang ang pangangailangan nila, palihim akong humanap ng impormasyon para makita ang pamilya nya hanggang sa nakita ko yang bag na yan at may nakita akong hindi masyadong pansin na butas at nakita ko ang bussiness card ng pamilya nyo, naaawa ako sa bata dahil sinikap nyang mapagaral sa sarili niya, naisip ko nading masyado na siyang nahihirapan dahil sa mga gamot na kinakailangan ko at ang masakit sakin, araw araw niyang pagsisinungaling sa mga pasa, galos at sugat na natatamo nya kapag umuuwi wala siyang kakilala sa pinapasukan niya pero sinasabi niyang napakarami na ng kaibigan, halata na ang paulitulit na mga pasa sa buong katawan nya pero ayus lang daw siya, pasensya napo kung ngayon lang po ako naglakas loob mahirap din po sakin dahil napamahal na sya sakin kaso sa bawat araw na may nakikita akong pasa sa katawan nya ay mas masakit pa sa pagkamatay ko, sasabihin ko na po sa kanya bigyan nyo lang po ako ng oras saka pwede nyo na po siyang bumalik sa inyo... "
hindi ko alam ang sasabihin ko... patuloy parin sa pag-agos ang luha ko sa hindi malamang dahilan, peo napatayo nalang ako  at niyakap si lola

"Ano pong pangalan nya lola?!" Yan lang ang lumabas sa bibig ko pagkayakap ko kay lola....

A/N: any comments po plsss saka vote narin po para alam kung makakagawa pa po ako ng mas magandang story kelangan ko po ng inspiration naka 10 reads palang pero ganadong ganado po ako magsulat heheh kaya pls pls love yah all.......

By: lalalans_m

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon