Lance P. O. V
Hindi ko napansing magagabi na din pala, ilang oras ako naghanap ng pangtakip sa galis ko, kasi puro kamot lang kanina ang nagawa ko at ang init din naman sa bodegang yun,
wag allergie kasi pangmayaman yun ibinagay ko lang ang kutis ko sa kung anong dapat itawag dito, nakayuko akong papalabas sa mansion nila Shin para umpisahan ko ng maglakad pauwi sa bahay, mahal pag mag tataxi or tricycle pako mababawasan ang sahod ko, ang goal ko kasi sa unang sweldo ko ibigay kay lola kaya hindi ko gagalawin,
pasado ala singko na kaya maguumpisa nako maglakad mga limang oras na lakaran siguro nandun nako tinalukbong ko na yung hood nitong jacket at lumabas sa bodega
pagkasara't pagkaharap ko nabunggo ang mukha ko sa kung sino mang nilalang ang humaharang sa pintuan ng bodegang to, natanggal din ang pagkakasuot ko ng hood, pisti yung galis ko nanaman kumakati, napatungo ako sa taong nakaharang sa harap ko, napaatras naman ako sa sinara kong pinto ng makita ko ang nakakalokong ngiti ni Shin na napalitan ng gulat... ewan pero parang nakakita siya ng multo o multong may galis .... sinuot ko ulit yung hood nung jacket at nagbow sakanya nagumpisa nakong maglakad papalayo sakanya pero nag salita ito dahilan para tumigil ako.
"Tssk... Unang sahod mo pangla-lalaki mo lang sa buong gabi.... Iba karin no... ano yang nasa mukha mo diguise?? matalino ka nga kaya hindi nila napapansing kasing baho din nila ang galawan mo tsk.... Fagot!!! " napaharap ako sa pagkakasabi nyang may halong pangiinsulto, tumingin ako sa kanya at nagbow, hindi ko na siguro kasalanan kung yun ang iisipin niya as long as wala akong inaapakang tao okay lang sakin total sanay nadin naman ako...
"Siya nga pala!!! " napalingon ulit ako sa kanya yung ngiti niyang nakakaloko mas nadagdagan ng pangiinsulto
"Day off mo bukas kaya magenjoy ka 24 hours kang magpapakasarap!! " saka ngumisi siya ng nakakaloko, nagbow ulit ako sakanya ng walang binibigay na sagot, wala naman akong magagawa kung yun ang mind set niya rerespituhin ko nalang din,
Pagkalabas ko sa mansion nila tumingala ako sa langit "nay uwi po ako kila lola sabay po kayo! " wala sa sariling bulong ko sa hangin nawawalan na siguro ako ng bait....
_ _ _ * * * _ _ _
Shin P. O. V
Nagulat ako sa diguise nung baklang yun matalino nga siya para hindi siya makilala kung ano ano pa pinaglalagay sa mukha... Tsk.. Bakla nga naman... pabalik nako sa taas ng narinig ako ang pinaguusapan nila papa sa kusina
"Ayus na ba si lance?! .....nasan na siya?? " tanong ni papa sa matanda, mas may pake sya SA baklang yun kesa sa sarili nyang anak?tsk....
"Ahh.. Sir nagpaalam po sakin uuwi daw sa lola niya may sakit daw po !!! " paliwanag nito, I fell something pinching inside me, pero baka dahilan niya lang yun para hindi malaman ang totoong pakay nito, tama!! Tama!! Bakla siya kaya yun ang gagawin niya sa sahod niya, tsk!! pa akyat ulit ako sa hagdan ng natigilan ako sa sunod na sinabi nung matanda
"Saka ayaw niya pong magpadala sa ospital, sinabihan ko napong gamitin niya yung sweldo niya pero para raw sa lola niya yun, ser mukhang hindi din po biro yung allergy niya, nagpantal ang buong katawan niya dahil po dun sa ginataang alimango kanina" I was totally froze sa kinatatayuan ko, i didn't know pero parang may pumipiga sa loob ko....
"ANO!!!" napataas ng boses si papa dahilan para magulat ako
"Bakit hindi niya pinaalam agad!!!" He has an allergy with sea food?!
No......
No.......
No......
No shin thats an act, wag kang magpapadala sa drama ng bading nayun bulong ng utak ko pero kahit anong pilit kong paniwalaan may nagsasabing makonsensya ako...but no kasalan niya, hindi ko naman sinabing siya ang magluto at kung hindi din siya tanga bat niya lulunukin kung alam niyang may allergie siya,bobo, i didn't bother myself to think about it kasalanan din ng katangahan niya kaya labas ako dun, nagpatuloy lang ako pagakyat at dumiretso sa king size bed ko at sumalampak dito......
_ _ _ * * * _ _ _
Lance P. O. V
Dumaan muna ako sa bakery na 24 hours bukas para bumili ng pasalubong kay Aeron at kay lola, diko afford ang dunkin donut kaya hanggang tig lilimang pisong tinapay muna ako, pagod nadin ako kasi ilang oras nakong naglalakad huminto muna ako sa may isang court para magpahinga, malapit na dito ang barangay namin kaya hinto muna,
umupo muna ako sa isang bench at nilantakan yung cheesedesal na tig dos isa, ang mahal, diba dapat piso isa pero may cheese daw sya kaya baka sulit naman to, malapit nakong matapos sa dalawang pandesal ng tumigil ang naglalaro ng basketball,
nakatunganga kasi ako habang kumakain at sila lang ang nakikita kong gumagalaw kaya bumalik ang ulirat ko ng tumigil sila and much worst, papalapit sila sakin, binalot ko na yung supot ng pandesal at tumayo na baka mapagdiskitahan pako, dito panaman nakatira sila mark baka bugbugin din ako ng mga ito, makati pa tong galis ko no
Patalikod na ko ng may tumawag sa pangalan ko siete kilala pa nila ako patay na...
"Lance!!" Pero parang kilala ko ang boses nito napalingon ako at totoo nga ang hula ko si kuya Ian...."Ohh gabi na ah, saka pano ka napadpad dito?!" Huwisyon ni kuya Ian, ang hiraman ko ng gitara pagkatapos kung tulungan ang mama nito sa bahay nila para maglaba kaya pag nagpapahinga ako pinapahiram niya ko, kaya malapit din ako sakanya dahil malapit siya kay lola
"Ah!! Uuwi po kasi ako kuya sa bahay, namiss ko sila lola eh!!" pakamot ulo kong sagot. nangangati kasi ulit yung galis ko ang init nitong hood
"May trabaho ka narin pala sabi ni Aeron kaya hindi pala kita nakikita sa bahay niyo!!"
"Ah eh...op-" napatigil ako sa sagot ko ng may sumigaw papunta sa kinaroroonan ng team mate nila kuya
"Kuya Ian!!" Sigaw nito, natigilan ako
Kilala ko ang boses nayun....
Ilang taon kong hindi yun narinig, kahit na nagmature yung boses nya kilalang kilala ko parin....
Siyang siya yun hindi ako nagkakamali.....
Nilingon namin ang pinanggalingan ng sigaw pero malabo pasakin dahil nakahood ako at nakatapat sakanya ang ilaw ng court sa likod kaya mukha siyang aninong papalapit samin
"Nandito din pala si DERK!! Lance bumalik na sila kahapon!!!!......" Iam totally froze from my place, bumalik na siya pero mukhang marami ng nagbago, lahat nagbago, lahat nagiba pero...
lahat ba nagiba o baka ako lang ang nagiba?! tanong ng isang isip ko pero umiling nalang ako bat ko ba pinoproblema ulit ang hindi ko na dapat pang problemahin, mabilis akong nagbow sa harap nila dahilan para maalis sa pagkakatakip ng ulo ko ang hood na suot ko, natigilan din ang papalapit na taong papunta sana dito, dahil sa pagkakatanggal ng hood ko naging malinaw ang imahe ng taong papalapit sana samin
Nagiba na din siya......hindi lang sa physical niya maski sa pananamit at expression nya ng mukha malayong malayo siya sa pagkakalilala ko sakanya dati, he's totally different....malayong malayo na siya sa appearance at agwat ng pamumuhay namin he's back pero may nagiba na , sobrang layo na ng derk na nasa harap ko, sa derk na tinurung kong kaibigan nung grade school , he's back but it doesn't mean may chance pa na magkaroon ulit ako ng kaibigan magkaiba na kami ng mundong ginagalawan , sinuot ko na ulit yung hood at hinawakan na ito nung nagbow ako
"Mauuna nako kuya!!" sabi ko kay kuya Ian na nagulat sa reaksyon ko, pero bago pako tumalikod tinawag niya ang pangalan ko"Pikachu ikaw ba yan!?"
A/N: short update muna magsasaing muna si author hehe puyat kagabi kababasa kaya 5 nako nagising one hour din pala akong nag susulat skl..... Tukmols pls vote and comment para may inspiration ako magsulat kasi puro reads lang nakikita ko tuwing maguupdate ako kaya ang iikli ng updates at yung mga ibang scene eh walang sense kaya para mas mahabang update at masasakit na scene pls vote and comments mga tukmols para sa writing skill ko....hehhe kamsahamnida......keep safe po stay home ^_^
By: d_ar_k
BINABASA MO ANG
I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)
FanfictionHis last year will be worst as hell.... His quiet life will put in danger... His happiness will turn to sacrifices.... His life will be ruined... His difference makes him nobody from them... He's the toy of all... But... what if, when he wak...